"KUNG magpapakasal na kayo ni Julia, sinasabi ko sa 'yo, Sake, hindi ako papayag na sa poder ninyo ang anak ko," mariin niyang wika agad. Mabuti na 'yong alam nito para hindi na nito tangkaing gawin pa. "Ipaglalaban ko ang karapatan ko kay Shawn, kahit na saang imp'yerno pa tayo makarating, Sake!"
"What are you talking about?" Kunot na kunot ang noo ni Sake.
"Ako lang ang may karapatan sa kustodiya ni Shawn. No one, including you, has the right to take my child away from me. Sinusumpa ko 'yan!" Palaban niyang patuloy.
"Who's gonna take Shawn away from you?"
"Hindi ba iyon ang plano mo? Ang ilayo ang anak ko? Hindi ka man lang ba nakokonsensya? Tatlong taon lang si Shawn. Hindi siya dapat mawalay sa kanyang ina. Kailangan niya ako. Isa pa kaya ko siyang buhayin mag-isa kaya hindi mo pwedeng sabihin na mayaman ka at mahirap lang ako. Kaya kong bigyan ng magandang buhay ang anak ko. Gagawin ko lahat para sa kanya. Hindi ako papayag na ilayo mo siya sa akin at gagawin mong stepmother niya si Julia!"
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Tama ako, hindi ba? Ilalayo mo si Shawn?" Nahilam ng luha ang kanyang mga mata.
"Bakit hindi ka makinig muna?!" Anang binata na hindi malaman kung matatawa o maaawa ba sa kanya.
"Pero sabi mo pag-uusapan natin ang custody ni Shawn."
"Yes. But that's because I have an offer to make. Or you may also call it proposal... Alam kong hindi ko kayo pwedeng paghiwalayin ni Shawn. And honestly ayoko na ulit mawalay sa akin ang anak natin. Maski isang araw lang. But at the same time, iniisip ko rin ang karapatan mo sa kanya. So I thought that there's only one way to make him stay –legally." Nilapitan siya nito't sinalubong ang tingin niya. "Marry me, Jillian."
Napakarami niyang naisip na pupwedeng sabihin ni Sake. She even anticipated the worst. Pero ang alukin siya nito ng kasal ay hindi man lang sumagi sa isipan niya.
"W-what?!" Hindi makapaniwala si Jillian sa narinig. Sa katunayan, lumipas ang buong minuto na wala siyang naging reaksyon sa sinabi ni Sake.
"Sa tingin ko ay iyon ang pinakatamang dapat kong gawin. You're my son's mother. It is but proper for me to marry you. Gusto kong bigyan ng buong pamilya si Shawn at alam kong iyon din naman ang gusto mo. So, what can you say?" Kaswal na dagdag nito na para bang hindi kasal ang pinag-uusapan nila.
Kasal iyon!
"Are you crazy?" aniya. "Inaalok mo ako ng kasal?!"
"Nagpakasal ka sa akin dati kahit na alam mong walang bisa iyon dahil isa kang impostor. Bakit ngayon nagdadalawang isip ka? You will do this for Shawn. And I will make sure it's valid this time. Hindi lang 'yon, titiyakin ko na hindi ka magiging dehado bilang asawa ko. You'll get what is stated in the law."
"No." Mariin niyang wika. "Hindi pa ako desperado, Sake Fortalejo." Galit siya dahil hinuhusgahan na naman siya ng binata.
Tanggap niyang hindi pagmamahal ang nag-udyok dito para alukin siya ng kasal, pero yung palabasin nitong sasamantalahin niya iyon para makaamot ng kayamanan nito ay ibang usapan.
"Alam mo bang bago ako pumunta rito ay tinanong ako ni Julia kung kailan kami magpapakasal? And I told her I don't want to talk about it. While you, am offering you and my child my name, Jillian! Pero ayaw mo!" Hindi ito makapaniwala sa pagtanggi niya. "It's going to be beneficial --"
"Marriage is sacred, Sake. It's not a business-" agap niya pero agad din siya nitong pinutol.
"Wow!" Sarkastikong bulalas nito. "Says who? You? Ikaw na hindi inirespeto ang salitang kasal noon? Don't preach what you did not practice --"
"May dahilan ako no'n!" Galit niyang putol sa pang-iinsulto ng binata. "Hindi ako nagdesisyon para sa sarili ko! Nagkamali na ako. Hindi ko na uulitin iyon!"
"Then I hope that you could stand by your decision." Nagkibit ito ng balikat pero nakita ni Jillian na kahit paano ay nasaling niya ang pride nito. "Because I'm telling you, that's the only way for you to stay with Shawn."
"What? Akala ko ba kinokonsidera mo ang karapatan ko? Sake, ako ang ina ni Shawn!" Humarang siya sa daraanan ni Sake when he was about to go.
"Hindi na. You cannot be trusted, Jillian. Mahirap makipagkasundo sa 'yo dahil bigla ka na lang nawawala. You've gone as far as pretending to be dead. Hindi ko alam kung ano pa ang kaya mong gawin para mailayo ulit si Shawn," mapang-uyam nitong tugon.
"If that is how you see me, then why are you asking me to marry you?" Nasasaktang tanong niya.
"Dahil natuto na akong 'wag magtiwala sa 'yo. My love did not stop you the last time. Kailangan ko nang mas matibay na panghahawakan ngayon para hindi ka basta basta makakaalis."
"You're unbelievable..." Sarkastiko ngunit mangiyak-ngiyak na aniya. "You loved me because you thought I was Julia. 'Wag mong isasali iyon. What we once had was bound to end the way it did. Umpisa pa lang alam ko ng magagalit ka sa akin---"
"Dahil niloko mo ako!"
"You did not let me explain!" aniya. "Wala kang alam, Sake! And yet you hated me like I was the worst person ever lived! You judged me without trying to hear me out first!"
"Oh yeah? Then why don't you explain now? And perhaps try to change the way I see you?"
"No," umiling siya. "You didn't want it back then when it would have mattered. Why would you want it now when it would no longer change anything?" She raised her chin. Bakit pa siya magpapaliwanag? Para saan kung nahusgahan na siya noon pa? "I will not marry you for Shawn's sake. When he's old enough, maiintindihan niya ako kung bakit hindi pwedeng mabuo ang pamilya niya. Pero binabalaan kita, Sake Fortalejo, wag mong tatangkaing ilayo si Shawn sa akin dahil lalaban ako, pangako yan!" Binirahan niya iyon ng lakad palayo sa binata.
"I will give you one week to decide, Jillian. Or we will see each other in court." Narinig niyang pahabol ni Sake.
Kapag umabot sila sa korte, hindi niya alam kung kakatigan siya ng husgado. Money can do a lot of things. It can buy decisions to your favor. Wala siya no'n pero si Sake mayroon.
-----
HINDI na siya ulit kinausap ni Sake tungkol sa alok nito maliban sa paalala nitong tumatakbo ang oras niya.
Kailangan niyang magdesisyon. Napaka-tempting na tanggapin na lang ang alok nitong kasal. Mahal ni Jillian si Sake at sigurado naman siyang pinakamatutuwa sa lahat si Shawn. Pero pagkatapos ay ano? Magiging mistress siya ng sarili niyang asawa dahil habang kasal sila ay ibang babae ang mahal nito?
Sake made it clear to her na papakasalan lang siya nito para hindi sila umalis ni Shawn. Paano naman ang damdamin niya na paniguradong araw-araw na masasaktan? Kaya ba niya iyon?
"So it's true! Hindi nga binenta ni Sake ang bahay na 'to!"
Natigilan si Jillian sa ginagawa nang marinig ang boses ng kapatid. Agad siyang bumaba sa sala at nakita nga niya si Julia kasunod ang mukhang pinipigilan itong makapasok na si Yaya Pasing.
"Julia!"
"Malandi ka talaga!" Asik ng kapatid niya. "How could you do this to me, Jillian?!"
"It's Sake who brought us here without my consent," depensa niya. "Hindi ako malandi, Julia!"
"Ganyan naman lagi ang sinasabi ng mga kumakabit!" Tuya nito. "Mga nagpapanggap na santa!"
"Kabit? You and Sake are not married yet. At mas lalong hindi ako kumakabit! If I am here, inuulit ko para mas maintindihan mo, ay dahil mismo kay Sake! So bakit hindi siya ang kausapin mo? Awayin mo! You will actually do me a favor kapag pinaalis niya kami ng anak ko!"
"Really?" Nang-uuyam pa rin ito. "Kung ayaw mo talagang manatili rito, umalis ka na ngayon. I will fix this matter with Sake. Patunayan mo, Jillian, na hindi ka interesado sa boyfriend ko!"
"Gusto ko sana. But Sake is out with my child. Kung gusto mo, hintayin natin sila at ikaw mismo ang magpaalam sa amin ng anak ko sa boyfriend mo."
Parang gustong magtitili ni Julia sa frustration. Lalo na nang makita nito ang malaking portrait nila ni Sake sa wall. Sa gulat niya, binato ng kapatid niya ang portrait gamit ang vase na nakita nito. Sumabog ang bubog sa sala. 'Di pa ito nakuntento, binasag nito lahat ng makita nito.
She somehow pity her twin sister. Kapag nalaman nitong inalok siyang pakasal ng mahal nito, sigurado, buong bahay ang pasasabugin nito kasama siya. Ito man ang mahal ni Sake, magiging masakit pa rin kay Julia na ibang babae ang inalok ni Sake ng kasal.
Ano kaya kung sabihin niya kay Julia? Makaganti man lang sa mga insulto nito sa kanya.
"Stop it, Julia!" saway niya rito.
"Wala kang pakialam sa gusto kong gawin, Jillian! This is my house! Sake and I built this house together! It's supposed to be where we're going to build our family! But you ruined it! I hate you, Jillian!!!" Bigla siya nitong sinugod.
"'Wag mong ipasa sa akin ang lahat ng sisi, Julia!" She fend her off. "Kung hindi ka sana naaksidente, hindi mangyayari ang lahat ng ito!"
"So ako ang may kasalanan?"
"You've been careless, Julia! Dahil do'n ako ang sumalo sa dapat ay mga obligasyon mo!" sumbat niya. "Kinailangan ka ni mama! Kinailangan ka ng mga empleyado ng negosyo ninyo! Nasaan ka? Comatose dahil naaksidente dahil sa kalanguan sa alak!"
"How dare you blame me!!!" Mas nagalit ito at bigla siyang itinulak nang malakas.
"Ouch!" Daing niya nang bumagsak siya sa mga basag na salamin.
"Wala kang alam sa pinagdaanan ko habang wala si Sake! Kaya wala kang karapatan na husgahan ako!" pinagsisipa pa siya ni Julia.
Si Yaya Pasing ay hindi alam kung paano sila aawatin. Nakita niyang tumakbo ang matanda sa labas ng bahay. Marahil ay para humingi ng tulong.
"Mang-aagaw ka, Jillian! Bakit hindi ka pa totoong namatay? Malas ka sa pamilya simula pa noon hanggang sa ngayon!"
Hindi siya makabangon dahil hindi siya tinitigilan ni Julia. Galit na galit ito.
"Kasalanan mo kung bakit namatay si Papa. Kasalanan mo kung bakit tayo naghirap noon! Tapos umasa kang hindi ka ipapamigay ni mama? Umasa kang ipagtatanggol kita? Hindi, Jillian! You deserved the hardships you've been through! Kriminal ka kasi! Tapos bumalik ka pa talaga? You didn't help us! You didn't help me! Bumalik ka para sa sarili mo! Bumalik ka para gumanti! Masaya ka na? Masaya kang namatay ang anak mo dahil sa kagag*han mo?! You deserved it! Sana nga namatay na rin ang isa mo pang anak! Sana namatay ka na rin!!!"
Hamakin na nito ang pagkatao niya at okay lang. Pero iyong idinamay pa nito ang anak niya, hindi niya iyon mapapalampas.
"Tumigil ka na!" sigaw niya, pinilit niyang bumangon at buong lakas itong itinulak "'Wag mong idadamay ang anak ko! Kung galit ka sa akin, sa akin lang!" Ito naman ang bumagsak sa mga salaming basag. "Hindi ko kasalanan kung bakit namatay si Papa! It was an accident!" Napaiyak siya nang maalala kung paano namatay ang kanilang ama.
At sa mahabang panahong lumipas, she thought nobody blamed her. Hindi naman talaga niya kasalanan. Dinala siya noon ng kanilang ama sa park upang ipasyal. Safe ang lugar kasi wala naman dapat sasakyang dumadaan doon. But for some reason, may mabilis na sasakyang tinumbok ang kinaroroonan niyang swing. Her father was able to save her but failed to save his life.
"Kaya ba galit na galit kayo ni mama sa akin?"
"Dahil sa 'yo kaya nawala si Papa! Masyado ka kasing pabida kaya ka niya dinala sa park! Kung hindi sana ay hindi siya namatay!" Nakatayo agad ito at muli siyang sinugod.
Noong namatay ang kanilang ama ay bumagsak din ang kabuhayan nila sa kadahilanang hindi alam ni Valeria kung paano patatakbuhin ang kabuhayan nila.
Hindi niya naisip na sinisisi pa rin pala siya ng ina at kapatid sa nangyari. She lost a father too. Hindi ba nila naisip iyon? Sana sinisi na lang siya nang harapan kaysa pinanghula siya ng mahabang panahon kung bakit siya itinaboy.
"That's unfair! I spent several years wondering what I could've done wrong to you and mama... Kapatid mo 'ko. Anak ako ni mama. Paano ninyo ako nagawang sisihin nang walang kapatawaran?"
"You deserved it!" Matigas nitong saad. "Lahat ng nangyaring masama sa buhay mo, nararapat lang sa 'yo!"
"Yes," she agreed. "Gaya kung paano rin kayo nakarma ni mama." Pinigilan niya ang mga kamay nitong walang tigil sa p*******t sa kanya. "Matigas ang puso ninyo. Sana hindi ko na lang kayo tinulungan. Sana hinayaan ko na lang na mawala ulit sa inyo ang lahat. You're both unappreciative people!"
"Don't play saint, Jillian." Hinigpitan nito ang hawak sa kanya. Pareho silang nasugatan ng mga basag na salamin pero hindi nila iniinda iyon. Mas masakit ang sugat sa damdamin kaysa sa sugat na pisikal.
"Lalo ka na. Don't play victim, Julia. I'm accepting my faults. How about you?" Hamon niya.
"Mamatay ka na!" Sa halip ay sabi nito. Punong-puno ng galit ang mga mata nito. "Hinding-hindi ako magiging masaya hangga't buhay ka!" Muli siya nitong itinulak. She lost her balance. Tumama ang tagiliran niya sa kanto ng mesang salamin.
Jillian grimaced in pain. Para siyang nawalan ng hangin.
"Julia!" Sigaw niya nang akmang sasaksakin siya nito gamit ang piraso ng basag na vase.
Pero sa halip na sa kanya nito isaksak iyon, sinaksak nito ang sariling braso.
Magtataka pa sana siya kung hindi niya nakitang dumating si Sake Fortalejo.
"Sake! Sake!" Umiiyak na sumalubong ito sa binatang hindi makapaniwala sa inabutang eksena. "Papatayin ako ni Jillian!"
Nanghihinang tinulungan ni Jillian ang sarili niya. Tuso ang kapatid niya. She should've known.