16. Kiss.

2611 Words
AKALA ni Jillian hindi na siya kailangang dalhin sa ospital. Iyon pala'y kinailangan pang tahiin ang ilang sugat niya na malalim na nahiwa ng mga basag na salamin habang nagkakasakitan sila ni Julia. It was childish and Jillian wasn't proud hurting her sister. Nadala siya ng emosyon. Although mas malala ang inabot niya kumpara kay Julia na pinakamalala na ang sugat nito sa braso na ito naman ang sumaksak. "How's Julia?" Tanong niya kay Victoria na dinalaw siya sa silid niya sa ospital. Doon na sila magpapalipas ng gabi. Nasa kabilang silid ang kapatid niya kasama sina Valeria at Sake. "Nag-o-OA," simpleng sagot ng tiyahin niya. "How could you say that? She's hurt too." "Alam ko. Pero kilala ko ang kapatid mo, Jillian. Mana siya kay ate. Gagawin nila ang lahat para sa sarili nila. Kahit na makasakit pa ng iba." Ginagap nito ang kamay niya. "Sinisiguro ko sa 'yo, at this time na kinukumusta mo ang kalagayan niya, busy siyang sinisiraan ka kay Sake." Mapait siyang ngumiti. Hindi nito kailangang gawin iyon. Kung hindi naman naniniwala si Sake kay Julia eh 'di sana hindi ito ang una nitong tinulungan. "Don't think too much... Magpahinga ka na." "Tita—” atubili niyang wika. "Ikaw rin ba? Sinisisi mo ako sa pagkamatay ni Papa?" "No." Ngumiti ito sa kanya. "I'm sure kung mauulit iyon at magkakaroon ng pagkakataon ang Papa mo na mamili, he would still choose to save you, Jillian." Namasa lang ng luha ang kanyang mga mata kaya nagpatuloy si Victoria. "Kuya never loved ate Valeria. Pero si ate, obssessed sa Papa mo. Ipinagkasundo sila kaya naikasal. Nakita ko naman na sinubukan siyang mahalin ni Kuya. Kaso iba ang ugali ni ate. Noong ipanganak kayo ni Julia, sa inyo na lang ibinuhos ni kuya ang pagmamahal niya. Naniniwala akong pantay ang pagmamahal niya sa inyong magkapatid. But Julia turned out to be like your mom. Selosa, makasarili. Akala niya at ni ate, ikaw lang ang mahal ni kuya. Kaya sila nagalit sa 'yo." "Bakit hindi ko nakita 'yan noon? I thought we were okay," hikbi niya. "Dahil busilak ang puso mo, Jillian. Mahal mo sila kaya hindi mo nakita ang mga masasamang bagay. 'Wag mo ng isipin iyon. Magpagaling ka na. I'm sure, nagtatanong na ang anak mo kung nasaan ka." Victoria smiled. "You raised a lovely boy, Jillian. I am so proud of you." "Salamat, Tita." Victoria stayed for another half an hour bago ito umalis. Kahit hindi sila masyadong close ng tiyahin at ilang beses na siya nitong binigong kampihan, hindi siya galit dito. Mahal naman siya ni Victoria. Hindi lang nito mapanindigan iyon dahil sa takot kay Valeria. Bago siya natulog ay kinumusta muna niya si Shawn na nasa bahay ni Lora. Natawagan ni Yaya Pasing si Sake kaya hindi nito iniuwi ang bata sa bahay nila. Okay sa kanya iyon. Hindi dapat makita ng anak niya ang pisikalan nila ng tiyahin nito. "Tulog na siya. 'Wag kang mag-alala," sabi ni Lora. "Salamat, 'ma." Malalim na ang gabi nang tuluyan siyang makatulog. ----- "S-SAKE?!" Naalimpungatan si Jillian at nakita niyang nakaupo sa gilid ng kama niya si Sake. Nakabaon ang mukha nito sa dalawa nitong palad na animo'y sobrang pagod. "Jillian... I'm sorry, did I wake you up?" mahina nitong tanong na nilingon siya. "What are you doing here?" Hinila niya ang sarili paupo at sumandal sa headboard. "Just taking a breather," he smiled lazily. "In my room?" kunot-noo pero hindi naman siya galit. Sake looked tired, kahit masama ang loob niya sa binata, hindi siya rude para awayin pa ito. "How are you feeling?" Sa halip ay tanong nito. "Okay lang," kibit-balikat niya. "Pwede naman na akong umuwi sabi ng doktor kaya maaga akong susunduin ni mama Lora bukas." "I'm sorry," he said. "I can't leave Julia--" "Okay lang." Wala naman siyang magagawa ro'n. Ina siya ng anak ni Sake pero si Julia ang mahal nito. Hindi niya lalabanan ang katotohanang iyon. Silence. Mayamaya ay tumayo na ito at nagpaalam na babalik na sa silid ni Julia. "Sake," she called bago ito umabot sa pinto. "Can you tell Julia---" she paused when he looked back. "that there's nothing going on between us? I want her to understand that I am here because I cannot leave Shawn." Marahan itong tumango at tuluyan nang lumabas. Hindi na ulit nakatulog pa si Jillian. Sumasakit ang dibdib niya. If the situation were different, if Sake's girlfriend wasn't her sister, then she would continue to love him. Kasi mahal pa rin niya si Sake at mahirap sa kanyang magpanggap na hindi na. Mahirap sa kanyang ipagkait kay Shawn ang isang buong pamilya. Pero hindi niya magagawang tanggapin ang alok ni Sake. Masasaktan niya ito at si Julia. Masasaktan niya si Shawn kapag nalaman nito ang totoong sitwasyon. ----- SUMANDAL si Sake sa saradong pintuan ng silid ni Jillian. He wanted to stay inside her room. He wanted to watch her sleep. He wanted to make sure that she's okay. Pero kailangan niyang umalis kasi baka magising na si Julia. Nakatulog na ang kasintahan niya kaya sinamantala niya iyon para makita ang kalagayan ni Jillian. She was asleep when he came to her room. May mga sugat ito sa braso. He also heard from Victoria na may malalim itong sugat sa likod ng hita at sa binti na kinailangang tahiin. She was hurt pero hindi man lang nito ipinakita sa kanyang nasaktan ito. While Julia was crying a river over her wounds, si Jillian hindi. Tama ito, malakas ito at matapang. She probably doesn't need him in her life. Ni hindi siya nito kailangan para magkaroon ng ama si Shawn. Kaya nitong maging ina at ama sa anak nila nang sabay. He should be proud of her, pero ang pagiging too independent nito rin ang malaking harang kaya hindi siya makapasok sa buhay nito. Sana katulad na lang ito ni Julia na kailangan siya. "Saan ka galing?" Julia demanded nang makabalik siya sa silid nito. Gising na ito at mukhang inaabangan talaga ang pagdating niya. "Pinuntahan mo si Jillian?" "No," he lied. "Sinungaling ka!" galit nitong sigaw. "Pinuntahan mo si Jillian! Alam ko! Nararamdaman ko!" Nainis siya. Sumusobra na si Julia. Hindi siya kumibo at dumiretso na lang sa couch sa tabi ng higaan nito. Gusto niyang magpahinga. Nakakaubos ng enerhiya ang pagiging demanding ng kasintahan. "Tama ako," Julia began to cry. "Tama ako. Niloloko ninyo ako ni Jillian! Why are you doing this to me, Sake? I gave you another chance, bakit inuulit mo na naman?" "Julia," he warned. Hindi niya nagugustuhan na lagi nitong pinapalabas na nagtaksil siya noon dito. Sila ni Jillian. He have been proving her wrong for the past four years. Tapos heto na naman. "Bakit hindi ka makuntento sa akin? Ha? Mas lamang ba sa akin ang malanding iyon?" "Magpahinga ka na." Asar niyang sagot. Isang hirit pa nito ay lalabas na talaga siya. "Dahil ba siya ang ina ng bastardo mo? Ang spoiled brat na batang iyon! I can also give you kids---" nahintakutan ito nang bigla siyang tumayo at makita nito ang galit sa kanyang mga mata. "Don't call my child names, Julia," aniyang abot-abot ang pagpipigil na 'wag itong saktan at palampasin na ang sinabi nito. "Shawn is my son. He's innocent! Wala siyang kasalanan sa 'yo!" "Pero bunga siya ng pagtataksil ninyo sa akin!" palabang sagot ni Julia nang makabawi. "I hate him too. Ginagamit lang naman siya ng nanay niya para makalapit ulit sa 'yo! You don't need them, Sake! I'm the only one you need! I love you! --- Sake! Where are you going?! Sake!!!" Lumabas siya't hinayaan niyang magsisigaw si Julia. Kapag narinig naman ito ng mga nurse ay sasawayin nila ito. Punong-puno na siya. Kapag hindi pa siya lalabas ay masasaktan niya ang babae. Sinusubukan pa rin niyang pagpasensyahan at intindihin si Julia. Pero alam niyang hindi pwedeng magtagal na ganoon sila parati. ----- SA BAHAY ni Lora na tumuloy si Jillian. Mas maigi raw doon para hindi basta-basta nakakapasok si Julia. "Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Sake. But this has got to stop," ani Lora habang nililinisan ang mga sugat niya. "He cannot keep the both of you. Kailangan niyang mamili." "'Ma, magkasintahan sina Sake at Julia. He already chose her," "Hindi ko pa rin maintindihan kung saan ako nagkamali sa pagtuturo sa anak ko kung pa'no mahusay na kumilatis ng isang tao," wari'y stress na stress si Lora. "They love each other. Sapat na iyon para maging masaya ang anak ninyo. Hindi perpekto si Julia pero mahal niya si Sake." "Umaasa pa rin akong magbabago pa ang isip ni Sake." "Siyanga po pala mama, uuwi po ako ng Cagayan bukas." Napatingin si Lora sa kanya kaya nagpatuloy siya. "Biglaan ang naging pag-alis namin ni Shawn. Babalik ako para ayusin ang mga naiwan namin. Tinatawagan na rin ako ng boss ko at tinatanong na kung babalik pa ba ako sa trabaho. 'Wag po kayong mag-alala, hindi ko isasama si Shawn." "Babalik ka naman agad, hindi ba?" "Hindi ko kayang mawalay nang matagal sa anak ko," sagot niya. "Alam ba ni Sake?" "Hindi kailangang malaman ni Sake. Ang importante ay hindi ko isasama si Shawn." Halos kahapon lang ay buong-buo ang loob niya na hindi iiwan ang anak niya. Pero makalipas ang naging away nila ni Julia, napagtanto niyang pinapalala niya ang sitwasyon sa pagmamatigas niya. Tama ang kapatid niya, kailangan niyang umalis. "Ayusin mo lang ang mga kailangan mong ayusin doon at bumalik ka kaagad. Kung nahihirapan ka sa sitwasyon ninyo ni Sake, tutulungan kitang makakuha ng apartment." "Salamat, 'ma." ----- ISANG oras nang tinititigan ni Jillian ang natutulog na si Shawn. Mamimiss niya ito nang sobra at ngayon pa lang ay ayaw na niyang umalis. Hindi siya nagsisinungaling na may kailangan siyang ayusin sa Cagayan. Tinawagan siya ni Aling Estela at sinabing hinahanap na siya ng landlady niya. Iniisip daw nitong tinakasan na niya ang tatlong buwang rentang utang niya at kung hindi pa raw siya magpapakita roon ay idedemanda siya nito. Kilala niya si Mrs. Olivar, mag-eeskandalo ito kapag 'di nito nakuha agad ang gusto. Problema pa niya kung saan kukuha ng pambayad lalo't ilang linggo na siyang hindi nakakapasok. Binigyan na rin siya ng warning ng boss niya na tatanggalin na siya sa trabaho kapag di pa siya pumasok. Her life is currently a mess that's why she couldn't bring Shawn with her. Kailangan niya munang magsakripisyo para sa kapakanan ng anak niya. Batid naman niyang aalagaan itong mabuti ni Sake. "Mamimiss kita, anak," malungkot niyang bulong, hinalikan niya si Shawn sa pisngi. "Babalik ako agad. Promise 'yan ni mommy. Magpaka-good boy ka ha?" Shawn stirred but did not wake up. Mahihiga na rin sana siya sa tabi nito nang dumating si Sake. "Gusto ko lang makita si Shawn," paliwanag ni Sake. Naupo ito sa gilid ng kama at minasdan ang natutulog nilang anak. "Ang sabi nila ganyang-ganyan ang itsura mo noong bata ka," sabi niyang naupo sa kaibayong gilid. "Mabuti na lang at sa akin siya nagmana," pabiro nitong sagot. "Excuse me ha, kung hindi maganda ang nanay niya, malamang hindi 'yan ganyan ka-cute," nakataas ang kilay na protesta niya. Sake chuckled. Sa loob niya ay natutuwa si Jillian na nagpunta roon ang binata. Gusto talaga sana niya itong makausap bago siya umalis. "Oo naman," sang-ayon nito na bahagyang inilipat ang tingin sa kanya. "May namana naman si Shawn sa 'yo kahit papa'no." "Anong kahit papa'no? Ako ang naghirap magluwal d'yan kaya umayos ka ng sasabi---" "He got your lips," putol nitong sa mga labi niya nakatingin. "T-talaga?" Nautal na aniya sa kawalan ng masasabi. Bakit kasi lips pa? Palagay naman niya'y kay Sake rin nakuha ni Shawn ang mga labi nito. "Yup," mabilis nitong ibinalik sa bata ang tingin nito. "And his ears, pareho kayo, medyo ...." and on he described Shawn's ears. Pero feeling niya ay binabago lang nito ang atmosphere. "Was it hard? Raising our son alone?" Seryoso nitong dagdag kalaunan. "Super," amin niya. "But the Lord's been good to us. Tingnan mo naman, he's a good kid." "He is... Thanks, Jill." Sincere itong ngumiti. "Sake," aniya nang matahimik sila. "Gusto ko lang malaman kung--" nag-atubili siya nang tumingin ito sa kanya. "-mapapatawad mo pa ako," mabilis niyang dugtong bago siya muling maduwag. "Ibig kong sabihin, itinago ko si Shawn sa 'yo at alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko. Pero gusto kong malaman mo na hindi ko sinasadya ang lahat. Hindi ko sinasadyang madamay ka. Hindi ko sinasadyang masaktan ka." "Are you finally explaining now?" Tanong ni Sake at hindi niya mailarawan kung ano ang nakikita niya sa mga mata nito. Pero desidido na si Jillian na magpaliwanag. Sake deserved to know. "I- I hope it's okay... Alam kong matagal na dapat. Pero ayoko kasing ipinapaliwanag ang sarili ko, lalo na kung sinubukan ko at hindi ako pinakinggan." "I was mad that time," depensa nito. "Alam ko... I was in the wrong. I don't deserve to be heard. Gusto ko lang malaman mo na noong pumayag akong magpanggap na si Julia, wala akong ibang gusto kundi makapaghiganti. I lived a hard life because my mother and my sister disowned me. Pero alam kong hindi rason iyon. Kung mababalikan ko lang ang nakaraan, hindi ako magpapadala sa galit ko. Hindi ako papayag na magpanggap na si Julia. Kasi hindi ka dapat nadamay. I'm sorry, Sake..." "Pinagsisisihan mo rin ba si Shawn? Hinihiling mo ba na sana hindi tayo nagkakilala at hindi nagkaanak?" Mahina ngunit galit na tugon ni Sake. Tumayo ito at naglakad papunta sa veranda ng silid. "Of course not!" Matigas niyang tanggi na sinundan ito. "Shawn is the most beautiful thing that ever happened to me, Sake!" "Then why do you regret knowing me?" "Because I hurt you!" Mangiyak-ngiyak na pagpapaintindi niya. Hindi siya nagsisising nakilala niya si Sake. Ang pinagsisisihan niya ay dahil nasaktan niya ito. "I don't understand, Jillian." Mas malumanay nang sabi ng binata. "But it already happened. Kahit ano pang hiling mo na sana hindi mo ako nakilala, wala ng magbabago. 'Andito na 'to and we have a son." "I know. Pero mapapatawad mo pa ba ako?" Napalunok siya. Nag-aalinlangan pero kailangan niyang tanungin. Importante sa kanya ang kapatawaran ni Sake. "Kung hindi na, wala akong magagawa. Kasalanan ko at—” "Depende." Hinarap siya ng binata. Napakunot noo naman siya. "Kung aamin ka." "Inaamin kong mali ako---" "Na minahal mo ako," Sake snapped, his bluish-gray eyes looking straight into her eyes. "Aminin mong hindi lahat ng pinakita mo, pagkukunwari lang. That when you wished that lifetime with me, you meant it." Hinapit siya nito sa baywang."Huh, Jillian? You loved me, didn't you?" She shook her head. Loved him? No. She still does. "Bakit hindi ka makasagot?" Hamon nito while drawing her close. It wasn't helping that Jillian wished to stay in his arms. "Am I right?" "You're wrong," saad niya at nakita niya kung paano dumaan ang sakit sa mga mata nito. Gusto niyang idugtong na mali ito dahil mahal pa rin niya ito. Pero palalalain niya lang ang malala nang sitwasyon. Admitting her feelings for him isn't going to help. "Sinungaling ka pa rin." Galit nitong sabi bago yumuko at inangkin ang mga labi niya bago pa siya makaiwas. The kiss was surprisingly gentle though. It was sweet, it was full of care. Parang noong mga pagkakataong akala nito ay siya si Julia. Jillian didn't fight him. Ang hindi niya masabi ritong pagmamahal ay ipapadama niya sa kilos. It took long bago nito pinakawalan ang labi niya. "Hindi ako galit dahil niloko mo 'ko. Galit ako dahil hindi ikaw si Julia..." He said before chasing her lips once again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD