17. Sorry.

2071 Words
FIFTEEN thousand lang para sa tatlong buwang renta pero binabantaan na siyang idedemanda ni Mrs. Olivar kung hindi pa siya makakabayad sa loob ng isang linggo. Napakaliit na halaga pero dahil nagkagulo-gulo ang buhay ni Jillian sa nakalipas na ilang linggo, napakahirap sa kanyang i-produce ang pera. Not unless hihingi siya ng tulong. But no, she wouldn't do that. "Saan ka ba kasi nagpunta, Jillian? At bakit hindi mo kasamang bumalik ang anak mo?" usisa ni Aling Estela. "Biglaan po kasi ang mga pangyayari. Nasa isang kamag-anak ngayon si Shawn. Aayusin ko lang din ang mga naiwan ko rito. Aling Estela, maraming maraming salamat po sa lahat." "Naku, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong magkakapitbahay?" "Salamat pa rin po." Napagpasyahan ni Jillian na magbenta ng ilang kagamitang naipundar niya. Pero wala pa man siyang naibebenta ay alam na niyang hindi aabot sa kalahati ng halagang kailangan niya ang makukuha niya. Dumaan na rin siya sa trabaho niya kanina at nalamang tuluyan na siyang tinanggal. Hindi naman kasi importante ang tungkulin niya bilang support ng Admin Assistant. Isa na lang ang option niya. Iyon ay ang bumalik sa pagkanta. Itinigil niya iyon noong makaipon siya nang sapat para hindi niya kailangang iwanan sa gabi si Shawn. Ngunit ngayon ay mukhang kailangan niyang makiusap sa dati niyang amo. ----- 'MARANGAL ang trabaho mo, Jillian... Wala ka namang ginagawang mali sa kapwa mo. 'Wag mo na lang pansinin ang mga nakikita mo.' Paulit ulit na kinukumbinse ni Jillian ang sarili na okay lang ang ginagawa niya. Kumakanta lang naman siya. Wala siyang kinalaman sa ginagawa ng mga tao sa loob ng bar na iyon na malaki ang ipinagbago mula noong huling pag-awit niya. Tila okay na ang higit pa sa pag-ti-table ng mga kagaya niyang nagtatrabaho roon. Sa kanugnog na mga silid lang ay pwede nang tapusin ng mga customer at mga babae nila ang naumpisahan sa bar. Binigyan naman siya ng babala ng dati niyang amo na iba na ang mga parokyano nito at baka hindi niya raw kayanin. Hindi raw nito maipapangakong mapoprotektahan siya nito kung sakali. Nasa pangatlong kanta na siya nang lapitan siya ng amo. Binulungan siya nito't awtomatikong lumipad ang tingin niya sa grupo ng mga kalalakihang dumating tatlumpong minuto na ang nakararaan. Ngumiti ang tant'ya niya ay boss ng grupo. Matangkad ito. Maayos ang suot. May itsura. Pero may delikadong ngiti sa mga labi nito. "Siya si Mr. Tee," paliwanag ng amo niya. Suki roon at malaking magbayad. Noon napatunayan ni Jillian na totoo ang mga mafia. Alam niyang delikado siya sa mga oras na iyon. "Jillian, ito na ang sinasabi ko. Ginawa ko na lahat para hindi ka niya makursunadahan, kaso hindi nagbabago ang isip niya na gusto ka niya." "Boss, baka naman pwede mo pang gawan ng paraan?" pakiusap niya. "Tatapusin ko na lang ang isang kanta at uuwi na ako." "Hindi pwede, Jillian. Ikinalulungkot ko. Pero kung gusto mo pang makalabas nang buhay rito, kailangan mong pagbigyan si Mr. Tee," iling nito. Hindi akalain ni Jillian na gano'n na katindi ang kalakaran doon. "'Wag kang mag-alala, ligtas ka hangga't sinusunod mo siya. Lalo na kapag nagustuhan niya ang serbisyo mo. Tiyak na babalikan at babalikan ka niya rito." Mas lalong nag-panic ang kalooban niya sa sinabi nito. "Pagkatapos mong kumanta, dumiretso ka na sa table niya." Hindi na nagawang umiwas ng dalaga dahil hindi pa man tapos ang kanta niya ay sinundo na siya ni Mr. Tee mula sa entablado. "You're an amazing singer, beautiful." Nag-init ang sulok ng mga mata niya nang halikan siya nito sa pisngi. "Pwede mo ba akong samahan sa mesa ko?" tanong nito habang pababa sila. "Mr. Tee, ikinalulungkot ko, pero kailangan ko ng umuwi. I'll see you tomorrow night instead." Sinubukan niyang tumanggi. "Ihahatid kita pauwi," alok nitong nakapulupot na ang braso sa baywang niya. "H-hindi na. Malapit lang naman ako." "Wala pang tumatanggi sa akin, Jillian." Nakangiti ngunit mariing bulong nito. Humigpit na rin ang hawak nito sa kanya. "Please..." mangiyak-ngiyak nang pakiusap niya. Inignora siya nito at sa halip ay hinalikan siya sa leeg. Pinilit naman niyang pumalag. Pero parang lalo lang itong ginanahan. S'yempre walang tutulong sa kanya kahit matao ang lugar. Umiiyak na tumatanggi pa rin siya. Naisip niya si Shawn. Baka hindi na niya mabalikan ang anak niya. Hindi na niya makikita si Shawn! At si Sake, hindi na rin niya makikita ang mahal niya! "'Wag!!!" sigaw niya nang maramdaman ang pagkapunit ng suot niyang gown na disente naman sana kung hindi lang bar ang napili niyang kantahan. "Let her go!" Nagbabantang wika ng pamilyar na tinig. Nanlaki ang mga mata ni Jillian nang hilahin ni Sake si Mr. Tee at sinuntok ito. Natumba ang huli. Habang siya ay takot na takot nang makita ang mga baril ng mga tauhan ni Mr. Tee na awtomatikong tumutok kay Sake. "Sake!" Hindi siya nakagalaw, tila noon lang din niya narealize na may umaagos na dugo mula sa ulo niya. Saan niya nakuha iyon? "Hang in there, my love," ani Sake. "I'll get us out of here," pangako ng binata na hindi magawang kumilos. "Sake Fortelejo!" Tumatawang tumayo si Mr. Tee. Pinababa nito ang mga baril na nakatutok sa binata pero ito naman ang bumunot. "Fancy to see you here." Magkakilala ang mga ito? At anong ginagawa ni Sake roon? "It's been a long time, Jackson," Sake acknowledged in first name basis. "So, anong kinalaman ng babaeng 'to sa 'yo?" Kunot noong tanong nito na hindi pa rin binababa ang baril na nakatutok sa binata. "She's my wife," kalmadong tugon ni Sake. "Wife?!" hindi makapaniwala si Mr. Tee. "This woman?! You're kidding me!" Well, pati si Jillian ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Sake, pero hindi iyon tamang panahon para kiligin. Nasa peligro ang buhay ng lalaking mahal niya! "Nope." "A tycoon's wife working in a cheap bar like this? I don't believe you," umiling-iling ang lalaki. "You're just jealous dahil nauna ako sa kanya. Too bad, Sake Fortalejo, hindi ko siya ibibigay sa 'yo." Ang sunod na nangyari ay ikinatindi pa lalo ng takot ni Jillian. Nagpambuno ang dalawang lalaki. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. She couldn't move. Pakiramdam niya tinatakasan na siya ng lakas at ulirat. At tuluyan nga siyang nilamon ng kadiliman nang makarinig siya ng putok ng baril. ----- 'ANONG ginagawa mo rito?' umiiyak na tanong niya kay Sake. Duguan itong bumagsak sa kandungan niya. 'Bakit mo ako niligtas?' 'Dahil t*nga ka,' paninisi ng binata sa kabila ng sakit na nararamdaman nito. 'Hindi ko naman hininging tulungan mo ako! Tingnan mo tuloy ang nangyari sa 'yo! Sake, please, lumaban ka! Hihingi ako ng tulong!' paglingon niya ay sinalubong siya ng kadiliman. Wala siyang makita. Nasaan sila ni Sake? Bakit sobrang dilim? 'Wag na... Walang tutulong sa atin,' nanghihinang sabi nito. 'Hindi pwede! Sake, Sake, 'wag kang pipikit. 'Wag kang matutulog.' Nagpapanic na niyugyog niya ito. 'Sandali lang, hihingi ako ng tulong. Hintayin mo ko!' akma siyang aalis pero pinigilan siya nito. ''Wag na, Jillian... Hindi na ako magtatagal. Hindi ko na kaya.' Umangat ang duguan nitong kamay pahaplos sa mukha niya. 'Hindi... 'Wag kang magsalita nang ganyan, Sake! Tulong! Tulungan ninyo kami!!!' sigaw niya. 'Walang makakarinig sa 'yo...' "Meron... Sake, lumaban ka... Hindi ka pwedeng mamatay!' hysterical na aniya. 'Kailangan ka ni Shawn! Kailangan kita! Sake, please... Please... Hindi ka pwedeng mamatay, hindi ko kakayanin! Mahal na mahal kita! 'Wag mo akong iiwan, please!' Natigilan siya nang hindi na sumagot ang binata. 'Sake? Sake? Sake!!!!' "Sake!!!!" "Jillian!" Napabalikwas siya nang bangon dahil sa tinig ni Lora. Pagmulat niya ng mga mata niya ay mukha ng babae ang nakita niya. Nag-aalala ito. "Jillian, nananaginip ka na naman." "Mama?" aniya, bakit nando'n si Lora? Nasaan siya? Panaginip nga lang ba lahat? "Nasa ospital ka. Dalawang araw ka ng ganyan. Para kang laging binabangungot. Magkakamalay tapos makakatulog ulit." "Ospital?" Iniikot niya ang paningin sa kwarto at napatunayang nasa ospital nga siya. Pero ang huli niyang naaalala ay nasa bar siya at dumating si Mr. Tee. Pin'wersa siya nitong halikan pagkatapos ay biglang dumating si Sake para iligtas siya. "Si Sake?" Nagpapanic niyang tanong. "Nasaan si Sake, mama?" "Umuwi muna si Sake para tingnan si Shawn." Malumanay na sagot ni Lora. "Nailipat ka na dito sa Maynila. Sabi ng doktor mo, nagkaroon ng internal bleeding sa ulo mo." "Okay lang ba si Sake,'ma?" Sa halip ay tanong niya. Wala siyang pakialam kung ano ang sinapit niya. It was her fault. Pero si Sake, nadamay na naman ito sa kamalasan niya. "Wag kang mag-alala. Hindi si Mr. Tee ang katapat ni Sake." Lora reassured. Naluha siya. Panaginip lang na nawala si Sake. Buhay pa ang mahal niya. Hindi pa huli ang lahat. "'Wag ka nang babalik sa Cagayan, Jillian. Naayos na ni Sake ang mga obligasyon mo ro'n." Sa huli ay si Sake pa rin ang tumulong sa kanya kahit na sinadya na talaga niyang 'wag lumapit dito. Paano niya masusuklian ang kabutihan nito sa kanya? "Jillian, ikaw ang mahal ni Sake. Siguro naman ay sapat nang katibayan ang pagtataya niya ng buhay niya para sa kaligtasan mo." Ginagap ni Lora ang mga kamay niya. "'Wag mo na ulit siyang iiwanan." "P-pa'no si Julia?" "Stop thinking about Julia. Instead, think of giving your son a complete family." Kaya ba niyang magkasala ulit kay Julia? Before leaving for Cagayan, ibayong pagpipigil ng sarili ang ginawa ni Jillian para matapos lang sa halik ang napipintong pagkakasala nila ni Sake sa kapatid niya. Mahal niya ang binata pero hindi niya kayang magmahal na may masasaktang iba. At kapatid pa niya. So she chose to leave again. Hindi naman niya hininging sumunod si Sake. Pero sumunod ito at dumating just in time to save her. ----- "MOMMY!" Nagising si Jillian sa pagdampi ng mumunting halik sa kanyang mukha. "Mommy." "Shawn!" Agad siyang bumangon at niyakap nang mahigpit ang kanyang anak. Akala niya'y hindi na niya makikita pa si Shawn. "Are you okay now, mommy?" Parang matandang sinipat siya ng tingin ng anak. "Okay na si mommy, Shawn." Siya naman ang humalik nang humalik sa bata. "I'm so sorry, anak..." "Next time I will come with daddy and beat those bad guys too!" Napanganga siya. Nagdetalye pa ba si Sake sa anak nila? Pero ang sweet ng anak niya para masabi nito iyon. "They cannot hurt you again, mommy..." "Thank you, anak. But you are mommy's baby. I don't want you to fight bad guys." "I want to protect you, mommy." "When you're old enough, Shawn." Mahigpit silang magkayakap ng anak niya nang pumasok sa silid niya si Sake. "How are you feeling?" tanong nito at hindi naiwasan ni Jillian ang maguilty nang makita ang braso nitong naka-arm sling. "Your arm—” "Just a fracture. It will heal in few days," sagot nito bago binalingan si Shawn. "Lola's waiting outside little boy. May dala siyang ice cream." "Really?" tuwang-tuwa naman si Shawn. Inalalayan ito ni Sake na makalabas bago ito bumalik sa kanya. "Pwede ka ng lumabas sabi ng doktor," naupo ito sa tabi niya at iniangat ang isa nitong kamay para i-check ang sugat niya sa ulo. "I'm sorry, Sake." "'Wag kang laging nagso-sorry kung hindi ka naman natututo," he answered at pakiramdam ni Jillian ay tumagos iyon sa kaluluwa niya. "Pwede ka namang humingi ng tulong pero pinili mong solusyunan mag-isa ang problema mo. How do you see me, Jillian? Mukha bang pababayaan kita?" "Hindi sa gano'n," nasasaktang aniya. "Wala kang obligasyon sa akin Sake. It's my problem, hindi—” "Ang problema sa'yo, iniisip mo laging kayang-kaya mo ang lahat ng problema. Jillian, 'andito si mama. 'Andito ako. Sana nagsabi ka instead of putting your life in danger! Paano kung hindi kita nahanap? Paano kung nahuli ako ng dating? Naisip mo ba kung paano si Shawn kapag nawala ka?" "Hindi gano'n... Hindi ko sinasadya, Sake. Dati ko ng trabaho iyon. Hindi ko naman alam na delikado na," paliwanag niya sa mababang tinig. "Pero maraming salamat kasi dumating ka," napahikbi siya nang maalala si Mr. Tee. "I owe you my life... Kung hindi dahil sa 'yo, baka- baka---" "It's okay now. Ligtas ka na." Gamit ang isang braso nito ay niyakap siya ni Sake. Malumanay na ang pagkakasabi nito. "Walang pwedeng manakit sa 'yo hangga't buhay ako. Pangako 'yan." Mas lalo tuloy siyang napaiyak. Paano nito nasabi iyon? He couldn't mean that. Hindi papayag si Julia. "Umuwi na tayo." He said as he kissed her temple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD