18. Broke up.

2055 Words
MAINGAT na pumasok si Sake sa silid ni Shawn. 'Andoon kasi si Jillian at himbing na himbing na sa tabi ng kanilang three-year-old. Nakakataba ng pusong pagmasdan ang kanyang mag-ina. Siguro ay mas masarap sa pakiramdam kung pwede niyang samahan sa pagtulog ang dalawa. Mapait siyang napangiti sa sarili bago kumilos upang kumutan sina Jillian at Shawn. Tinanggihan ni Jillian ang alok niyang kasal. Hindi naman niya ito masisisi. Bukod sa gusto niyang buuin ang pamilya nila ay hindi na niya ito binigyan ng mas mabigat na rason para pumayag ito. Kung sana lang ay pwede niyang sabihing mahal niya ito. Dahil oo, mahal na niya si Jillian. Mahal niya ang ina ng kanyang anak. Napagtanto niya iyon sa sarili niya nang sa ikalawang pagkakataon ay bigla na naman itong mawala. Hindi madaling desisyon ang sundan ito sa Cagayan. Pero mas hindi madaling tanggaping nagawa na naman siya nitong iwan ng gano'n-gano'n na lang. Alam niyang may damdamin din naman si Jillian para sa kanya at naiinis siya dahil ayaw nitong aminin iyon. Sa kabilang banda naman ay hindi niya ito masisi dahil siya rin ay hindi magawang umamin. Naiintindihan niya kung pareho nilang iniisip si Julia. But Sake was glad na sinundan niya si Jillian at hindi siya nahuli ng dating. Malaki ang pasasalamat niya sa taong binayaran niya upang hanapin ito. Dahil kung nagkataong nagkaroon ng pagkakamali, habambuhay niyang pagsisisihang hindi niya naprotektahan si Jillian nang mahulog ito sa kamay ng isa sa mga pinakatusong taong kilala niya. Hindi sila magkaibigan ni Jackson. Pero magkakilala sila dahil sa negosyo. Hindi niya ito babanggain kung hindi si Jillian ang nakasalalay. At dahil wala siyang ibang gusto ng mga sandaling iyon kundi maiuwi muli ang ina ng kanyang anak. Hindi pa sana siya lalabas ng silid ngunit umilaw ang naka-silent niyang cellphone at nagflash sa screen no'n ang numero at mukha ni Julia. He heaved a sigh and answered the call. "Babe." Wala naman, tumawag lang ang kasintahan niya para sabihing mahal na mahal siya nito. It was a sweet gesture. Pero matagal na kasing nawala ang pagmamahal niya sa dalaga. ----- "AUNT Victoria," Sake acknowledged his visitor. Hindi ordinaryong sasadyain siya sa opisina niya ng tiyahin nina Julia at Jillian. "Please, have a seat." "Salamat sa pagpapaunlak mo na makausap kita, Sake." Base sa itsura nito ay alam niyang importante ang sadya ni Victoria. Hindi siya nagkamali. Dahil makalipas lamang ang ilang sandali ay para ng sasabog ang dibdib niya sa galit. "You deserved to know the truth," sabi ni Victoria. "Why didn't you tell me sooner?!" Pigil ang galit na tanong niya. "I don't know how." Kung hindi niya inaalalang hindi pa fully recovered ang kanyang braso ay malamang nasuntok na niya ang mesa niyang yari sa mamahaling matigas na kahoy. Gusto niyang ilabas ang matinding galit na nararamdaman niya para kay Julia. "Julia loves you Sake. Pero nagkamali siya habang wala ka. Hindi siya mag-isang naaksidente. May kasama siya. And he's a married man from a reputable family. There'd been a news blackout to protect him." Ngayon naintindihan ni Sake kung bakit malaking issue kay Julia ang kung tutuusin ay hindi naman sadyang naging ugnayan nila ni Jillian. She was trying to wash some of her guilt away by accusing him of cheating. Dahil ang totoo, ito ang cheater. "I hope na mapatawad mo na rin si Jillian. All she did was obey me. Hindi niya alam ang ginawang pagtataksil ni Julia sa 'yo. Had she known, sigurado akong hindi siya papayag na palitan maski pansamantala lang ang kapatid niya." Victoria paused and looked straight into his eyes. "Alam kong wala ako sa posisyon na humingi ng kahit anong pabor sa 'yo pagkatapos ng ginawa ko. But Jillian already suffered so much. Please, pakawalan mo na siya kung hindi siya ang pipiliin mo. She deserves to be happy. She deserves to have someone who will love her truly." His gut tightened. Jillian, like him, was a victim of the deceit she thought she agreed on. Pinrotektahan nito ang kalokohan ni Julia nang 'di nito nalalaman. Naintindihan na rin niya kung bakit kailangang palitan nito si Julia. Dahil kung nalaman niya agad na naaksidente si Julia, there had been no time to conceal the truth with a cover story. "I will be the one to decide on that," mariin niyang tugon kahit na ngayon pa lang ay alam na niya ang desisyon niya. And letting her go wasn't an option. He wanted to be that man who will love and make Jillian happy. But first, kailangan muna niyang maging karapat-dapat. ----- "NAKAKITA na ako ng pwede ninyong lipatan," sabi ni Lora nang bisitahin sila nito "Maganda at ligtas ang lugar, maliit lang din sakto sa inyo ni Shawn at isang tagapag-alaga." "Salamat,'ma," tugon niya. Lora agreed na hindi sila dapat manatili sa bahay ni Sake. Tanggapin man daw nila o hindi ay unfair iyon kay Julia. "Kakausapin ko po mamaya si Sake." "Natutuwa akong ipapaalam mo na sa kanya ang desisyon mo ngayon." Ngumiti si Lora. "Natuto na po ako," she offered. "Ayokong madagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya." "Pero kung gusto talaga ni Sake na dumito kayo ng anak ninyo, kailangang may gawin siya kay Julia. I believe na alam niyang hindi dapat tumagal ang ganitong set up ninyo." Tipid siyang ngumiti. Totoo iyon. Kaya nga sa gagawin niyang pakikipag-usap sa binata, ipapaliwanag niyang kailangan talaga siyang payagang umalis nito. "Jillian," ginagap ni Lora ang mga kamay niya at nananantiyang tiningnan siya nang diretso sa mga mata. "I want you to be honest with me, do you love my son?" "Mama," bumitaw siya ng tingin "Kung mahal ko man siya o hindi ay hindi na mahalaga. We are not meant for each other and being together will only hurt the person I don't wish to hurt again." "You love him," pagkumpirma ni Lora. "I do," malungkot na pag-amin niya sa babaeng minsan niyang naging mother-in-law. "But Sake belongs to Julia and I knew it from the beginning. Napayukong dugtong niya. Ayaw niyang makita ni Lora ang labis na sakit sa mga mata niya. "You're right, in the beginning, Sake loved Julia. Pero hindi na ngayon. You already replaced Julia the moment you pretended to be her." "No, mama. He loved me because he thought I was Julia." "I am Sake's mother Jillian. Kabisado ko ang anak ko. You are a mother yourself, alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." Yes. But Lora's words weren't assurance that Sake really loves her. She needs to hear it from him. ----- "IS DADDY home yet?" Naiinip at humihikab na tanong ni Shawn. "Wala pa anak," sagot niyang kinukumutan na ito. "Baka nag-overtime si daddy. Gigisingin na lang kita nang maaga." "Promise?" "Promise, Shawn." She kissed her child's forehead. "Sleep tight, baby." "Goodnight mommy, I love you." "I love you too, anak." Jillian watched as Shawn drifted off to sleep. Hinihintay niya rin sana si Sake para makapag-usap na sila. Kaso mukhang hindi na ito uuwi sa gabing iyon. Sinigurado niyang mahimbing na ang tulog ni Shawn bago siya lumabas ng silid ng anak. Sa halip na sa kwarto niya ay sa labas ng bahay siya dinala ng kanyang mga paa. Wala pa si Sake. Lampas-lampas na ito sa oras ng uwi nito. Hindi naman sa nag-eexpect siyang uuwi lagi ang binata sa kanila ni Shawn. Pero pansamantala ay gusto niyang maramdaman na isa silang pamilya. Kahit na hinding hindi iyon magkakatotoo. Napakarami na niyang pinagdaanan sa buhay. Some she considered a mistake, some she considered a blessing. Mayroon ding pagkakamali na naging blessing kinalaunan. At iyon ay si Sake. Though she told him that he was her biggest mistake, she never once wished he didn't happen. Dahil sa binata kaya mayroon siyang Shawn, and her son is the best thing that ever happened in her life. Hinding hindi niya ituturing na isang pagkakamali ang kanyang anak. Nagdesisyon si Jillian na papasok na sa loob ng bahay nang makaramdam ng panlalamig. Lumakas ata ang hangin dahil bigla siyang gininaw. She already reached the front door when she heard a loud sound of screeching tires. Sunod ay ang pagbangga sa bakal na gate. Gulat na gulat siya sa lakas ng impact ng pagbangga to think she was standing close to the gate just few minutes before the crash. Sa nanginginig na katawan ay hindi naman niya naisip na pabayaan ang sakay ng kotse. Umuusok pa ang unahan ng sasakyan at sa pangambang masunog pa iyon ay nagmamadali niyang binuksan nang tuluyan ang gate. Mula sa nayuping sasakyan ay duguang lumabas ang isang babae. "Miss, okay ka lang ba?" Dali-dali siyang lumigid sa kinaroroonan nito. "Miss---- Julia?!" Kung nag-aalala lang siya kanina para sa estrangherang bumangga sa gate nila, ngayon ay triple na ang pag-aalala niyang nang malaman niyang ang kapatid niya ito. "Julia!" "Masaya ka na?" Umiiyak na pagewang na humawak sa kanya ang mukhang lasing pa na si Julia. Punong-puno ng sakit at galit ang mga mata nito. "Masaya ka na?! You ruined me again!!!" She cried na 'di alintana ang dumudugo nitong ulo. "Tatawag ako ng ambulansya. Teka—Julia," she grimaced in pain nang halos bumaon sa balat niya ang mahahaba nitong kuko. "Mang-aagaw ka!" Julia shouted. "You used your son to get Sake! How could you?!" "Julia, hindi ---" ano bang sinasabi nito? Hindi niya maintindihan. "Let me go so I can call an ambulance," malumanay niyang sabi. "Kailangan kang maisugod sa ospital ---Julia!!!" Natumba siya nang bigla siya nitong itulak. "You already won! Don't pretend like you care for me when in reality you're celebrating my pain!" "Ano bang sinasabi mo?! Julia, if it's Sake, I swear, hindi ko siya inaagaw sa 'yo!" Ayaw niyang magpaliwanag pero hindi niya kaya ang pang-uusig sa mga mata ni Julia. "Liar! Sake broke up with me to be with you!" Umiiyak na sigaw nito. "Hindi ba pang-aagaw iyon! I hate you, Jillian! I hate you so much!!!" Dahil hindi pa siya nakakatayo, madali siyang naatake ulit ng kapatid. "Julia, stop!" Sigaw niyang hindi ito pinapatulan. If hurting her would help Julia ease some of her pain, then she would let her sister hit her. Nasa gano'n silang sitwasyon nang dumating ang kotseng lulan si Sake. He acted at once at inilayo sa kanya si Julia. "Bitawan mo 'ko!!!" Nagpupumiglas na iyak nito. "I hate her!!!" Halos madurog naman ang puso ni Jillian. Ni wala ngang rumehistro sa kanya sa mga sinabi nito. "I'll call an ambulance," aniyang iniwan ang dalawa. Mahigpit na niyakap ni Sake si Julia para pigilan ito. Her sister was crying, begging Sake to love her again... Nakipaghiwalay nga ba ang binata kay Julia? Jillian didn't have the chance to ask dahil mabilis na dumating ang ambulansya. Sake went with her sister samantalang naiwan siya para asikasuhin ang dumating na mga pulis. ----- SAKE couldn't believe Julia blamed Jillian again. Nakipaghiwalay siya sa kasintahan pagkatapos niya itong mapaamin sa pagtataksil nito na hindi pa rin pala natapos sa aksidente four years ago. Julia reasoned na bina-black mail ito ng katipan nito kaya hindi ito makawala. Pero siya lang naman daw talaga ang mahal nito. Marahil ay totoo iyon. But Sake already made up his mind. Besides, apat na taon ang lumipas. Julia had so many chances to tell him. Bakit hindi nito sinabi? Hindi ba niya ito maipagtatanggol kung sakali? Isa lang ang naintindihan niya, if Julia really loved him, hindi dapat ito nagpapasok ng ibang lalaki sa buhay nito. But she did. So maybe he wasn't enough. Ang masakit sa kanya, he was almost willing to forget his feelings for Jillian just to make Julia happy. Iyon pala'y habang iniisip nila ito ni Jillian, niloloko na pala sila nito. Walang kapatawaran iyon. Lalo na't hindi ito humingi ng sorry. Instead Julia blamed Jillian again. At pagod na siyang intindihin ito. "How's Julia?" Paglingon niya ay nakita niya si Jillian na sumunod pala sa ospital. "Is she alright?" Worried nitong dagdag. His heart melted. Paano nito nagagawang mag-alala nang gano'n sa kapatid nitong hindi naman ito pinapahalagahan? "Sake, okay lang siya, 'di ba?" "She's fine," hindi niya napigilan ang sarili niya, nilapitan niya ang dalaga at ikinulong ito sa isang mahigpit na yakap. "Don't worry," Sake was surprised at how right it felt to have Jillian in his arms.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD