Chapter 07: Hindi inaasahan

1683 Words
Chapter 07 Amelia POV TUMAYO ako, mabilis kong pinunasan ang mga luha sa pisngi. I can't stay like this forever. Kung patuloy kong hahayaan ang sarili ko na maging mahina, I'll never prove anything. I swore silently to myself, I'll be stronger. Hindi para sa iba, kundi para rin sa sarili ko. Humakbang ako papunta sa closet at nagpalit ng damit. Mas mainam na lumayo muna ako, kahit ilang araw lang. The mango farm. Doon ako makakahinga. Doon ko mararamdaman na hindi lang ako nakatali sa lahat ng expectations ng pamilya lalo na kay Dad. Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa silid ni Lola Adelaida. Kailangan kong magpaalam sa matanda baka magtatampo ito kapag hindi niya ako makita. Bahagyang nakabukas ang pinto at nadatnan ko siyang nakaupo sa kama, nakasandal sa headboard at nagbabasa. Agad siyang napalingon sa pinto at mahinang ngumiti. "Lola," ngumiti ako rin ako, lumapit at naupo sa gilid ng kama. "Magpapaalam sana ako. Pupunta ako sa manggahan natin, baka mga dalawang araw akong hindi makauwi. Dadalawin ko rin si Mommy La Abigail sa flower farm." Umiling agad siya, hawak ang kamay ko. "Ayoko, apo. Hindi puwedeng aalis ka nang hindi ako kasama. Matanda na ako, sakitin pa. Malapit na akong kunin ni Lord, tapos magkakalayo pa tayo?" Napatawa ako kahit ramdam ko ang bigat sa dibdib. Here we go again. Hinawakan ko ang kulubot niyang kamay at hinaplos iyon. "Lola, don't say that. Magtatagal pa kayo. You'll still witness my wedding." Umiling siya, sabay tawa. "Eh di magpakasal ka na, para maabutan ko pa." Pareho kaming natawa, pero habang nakatingin ako sa kanya, may kumurot sa puso ko. Sana nga, dumating ang araw na ikakasal ako. Sana, hindi ako abutan ng takot, ng doubts, ng sakit na nararamdaman ko ngayon. At higit sa lahat, sana kapag dumating ang araw na iyon...kasama ko pa si Lola. Kasi hindi ko alam kung kakayanin kong wala siya. Wala na akong nagawa kundi isama si Lola. Ayaw ko sanang mahirapan siya, pero mas mahirap naman kung iwan ko siya dito na nagtatampo. Agad kong pinatawag ang nurse at pinaayos ang mga gamit ni Lola—just the essentials lang, mga gamot at ilang damit. "Yung importante lang, ha. Para hindi tayo mabigatan sa mga dadalhin natin," bilin ko habang mabilis kong tinatawagan ang Hayes Empire Tower. "Prepare the chopper," sabi ko sa kabilang linya, diretso at walang patumpik-tumpik. "We’ll be flying to the mango farm in an hour." Pagkababa ko ng tawag, lumapit uli ako sa nurse. "Ilabas mo na si Lola, ihanda mo na siya. Sasakay na tayo." Narinig kong mahina pero excited na tinig ni Lola mula sa loob ng kuwarto, "Ay, sasama na ako sa apo ko, finally." Napangiti na lang ako kahit medyo worried. Habang inaayos siya ng nurse, kinuha ko ang phone at tinawagan si Mommy. "Mom," sabi ko agad nang sumagot siya, "pupunta kami ni Lola sa manggahan. Mga two days siguro kaming mawawala." Narinig ko ang mahinahong boses niya, "Okay, anak. Your dad took me with him to a business meeting, so it's good you'll be with her. Ingatan mo ang Lola Adelaida." "Yes, Mom," sagot ko, sabay tingin kay Lola na pinapasan na ng nurse palabas ng kuwarto. "Don't worry, I'll take care of her." Paglabas namin sa hallway, nakita kong handa na ang sasakyan na maghahatid sa amin papunta sa helipad. Huminga ako nang malalim. This trip wasn't just about the farm anymore. It felt like I was carrying a part of her hope with me—at hindi ko hahayaang mabigo siya. ------ Rinig ko ang malakas na ugong ng chopper, pero mas malakas ang t***k ng puso ko habang nakatingin ako sa tabi ko. Si Lola Adelaida, nakangiti na parang bata, hawak-hawak ang kamay ko na para bang baka mawala ako bigla kung bibitaw siya. "Amelia," sambit niya, "I love you, apo. I love you so much." Paulit-ulit niyang sinasabi habang hinahaplos ang braso ko. "Kayong tatlo—si Khail, si Andrie, at ikaw—kayo ang buhay ko. Pero ikaw, Amelia, you are my favorite. My precious girl. Kaya, magmahalan kayong tatlo." Napapikit ako. Ayaw kong marinig. Ayaw kong tanggapin na parang may sinasabi siyang huling mensahe. Weak na si Lola Adelaida, she's eigthy five years old. Sakitin na at laging labas masok sa hospital. "Lola..." pinilit kong ngumiti, "don't say things like that. Ang drama mo." Tumawa siya, pero may bigat sa tinig niya. "I'm old, hija. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ako makakakita ng ganito—ng langit, ng bukid, ng mukha mo na lagi kong kasama." Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko. "Kaya habang nandito pa ako, gusto kong maramdaman mo na mahal na mahal kita. Na kahit mawala ako balang araw, you will never doubt it." Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko, parang sasabog na ang luha. Ayaw kong maging weak sa harap niya. Kaya ginawa ko ang unang naisip kong paraan. Nagkunwari akong humikab. Sunod-sunod pa, para lang ipakita na kunwari naiiyak ako dahil sa hikab. "See?" tumawa ako, pilit na tinatakpan ang panginginig ng boses ko. "Sabi ko sa'yo, nakakahawa yung pagiging emotional mo." Hinimas niya ang pisngi ko, at ngumiti. "Drama lang pala ang apo ko. But that's okay. Mahal na mahal kita, Apo." Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang bugso ng emosyon. Buong buhay ko, siya ang sandalan ko. Siya ang palaging nasa tabi ko, siya at si Lola Eva. And the thought of losing her...God, it breaks me inside. Pero hindi. Hindi ako iiyak ngayon. I'll hold on to her warmth as long as I can. PAGLAPAG ng chopper sa clearing ground, agad kong nasilayan ang lawak ng manggahan. Malayo pa lang, tanaw na ang makukumpol na punong mangga na tila walang katapusan ang linya. Noon, hindi ito ganoon kalawak, pero sa paglipas ng panahon, napalawak at napaunlad ng mga magulang ko. Kaya ngayon, para siyang sariling mundo—isang paraiso sa gitna ng katahimikan. May naghihintay na cart car—isang malaking open vehicle na gawa para maghatid sa mga bisita papunta sa villa. Sumakay kami ni Lola, at agad kong naramdaman ang malakas na dampi ng hangin sa mukha ko. Tumama ito sa mukha ko, malamig at malinis, ibang-iba sa alikabok at usok na sanay ako sa Maynila. Napapikit ako saglit, hinayaan kong dalhin ng hangin ang buhok ko, palipad-lipad, parang gusto akong paalalahanan na, You're free here, Amelia. Napalingon ako kay Lola, nakangiti siyang parang bata na tuwang-tuwa sa paligid. "Grabe, apo. Ang lawak na talaga ng manggahan ng iyong ina," aniya habang nakatitig sa sunod-sunod na hanay ng puno. "Yeah, Lola..." Napangiti rin ako. "Every time I come here, I feel lighter. Parang lahat ng bigat sa dibdib ko naiiwan sa Maynila." Humahampas-hampas ang hangin sa suot kong blouse, ramdam ko ang lamig na pumapasok sa katawan ko pero hindi nakakalamig ng puso ko. Sa halip, parang gumagaan, parang natutunaw ang lahat ng pagod. Pinagmamasdan ko ang mga punong mangga na nakahanay, bawat isa ay puno ng kwento—ng pawis, ng tiyaga, at pagmamahal ng Mommy ko. Akala ni Mommy noon, tuluyan na itong mawala sa kanya pero binalik ni Daddy. Dahil alam ni Daddy na sobrang mahalaga ito kay Mommy. For the first time in days, I actually felt peace. Makalipas ang ilang minuto, huminto na ang cart sa tapat ng villa. Sa labas, naroon ang mga katulong, halatang kanina pa naghihintay. Dalawang tauhan agad na lumapit para alalayan si Lola pababa. Ako naman, sumunod lang sa likod, pinakiramdaman kung ayos lang siya. "Welcome back po, Señyorita Amelia!" halos sabay-sabay nilang bati. Ngumiti ako, mahina lang, pero sapat na para ipakita na na-appreciate ko ang effort nila. Bago pa ako tuluyang makapasok, isang bagay ang agad na umagaw sa atensyon ko. Doon sa gilid ng villa, nakatambad pa rin ang slide, seesaw, at bakal na duyan. Luma na, may kalawang na ang ilan, pero malinaw pa rin ang mga alaala. Parang biglang tumigil ang oras. Nakita ko ang sarili kong bata ulit—tumatawa, tumatakbo, naghahabulan kasama si Adrian. At tuwing madadapa ako, siya 'yong unang lalapit, hihipan ang sugat sa tuhod, tapos gagamutin na parang siya ang superhero ko. Pero hindi pwedeng mawawala si Khail, laging sumisingit, kunwari doktor-doktoran, pipisil-pisilin ang sugat ko na mas lalo lang akong iiyak. Napabuntong-hininga ako, ramdam ang bigat sa dibdib. How I wish...na bata lang ulit kami. Walang complications, walang expectations. Just us, running around...free. Pero hindi ganoon ang buhay. People grow, people change. And sometimes, they drift away no matter how much you want to hold on. "Amelia!" Napatigil ako. Napatingin ako sa pinto nakita kong lumabas si Lola Eva. Isinisigaw niya ang pangalan ko, puno ng excitement at pananabik. At narealize ko na hindi lahat ng iniwan sa nakaraan ay kailangang kalimutan—may mga tao pa ring laging nariyan, naghihintay sa'yo. Napangiti ako ng malapad nang masilayan kong muli si Nanay Eva. Para akong batang bumalik sa dati, umabot hanggang tenga ang ngiti ko, halos takbuhin ko ang pagitan namin. She was more than just a yaya to Mommy; she was family to me, to us. Pero biglang natigil lahat nang makita ko kung sino ang nakasunod sa kanya. Andrie. Parang huminto ang oras. Lahat ng tunog sa paligid, ang mga boses ng mga kasambahay, ang hampas ng hangin sa mga puno, pati ingay ng ibon—nawala. Ang naiwan lang ay ang t***k ng puso ko, malakas, magulo, halos sumasabog sa dibdib ko. Nakatayo lang siya roon, simple lang ang suot niya kapag narito siya sa manggahan, pero sa paningin ko, para siyang tanikala na biglang bumulaga para ipaalala lahat ng pilit kong tinatakasan. Ang mga alaala, ang sakit, ang pagmamahal na kahit ilang ulit ko nang sinumpang itatago, heto't bumabalik lang ulit. Why him, now? tanong ng isip ko habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong magpakita ng kahit anong emosyon. Ngiti ang dala ko nang bumaba ako ng cart, pero unti-unti iyong naglaho—tuluyang nawala sa isang kisapmata. Pakiramdam ko, kahit gaano kalawak ang manggahan na ito, wala akong matatakbuhan ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD