Chapter 08--- Free Story lang po ito my dear readers, pasensiya medyo natagalan ako sa pag–update. Baka gusto po ninyo i–add ang isa kong story: The Doctor's Unloved Wife" may 26 chapter na po at free for now.
Amelia POV
NANG magtama ang mga mata namin ni Andrie, parang biglang huminto ang paligid. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig namin, pero ang tinginan namin, malagkit at mabigat, puno ng mga bagay na hindi namin masabi. Para kaming dalawang kaluluwang nagkabanggaan ulit sa maling oras, sa maling pagkakataon.
Hindi ko alam kung ilang segundo lang ‘yon, pero ramdam ko ang t***k ng puso ko, malakas, sunod-sunod, parang gusto akong ipahiya sa harap niya. His eyes… still the same. Calm, pero may lalim na parang may gustong sabihin. Yung tingin na dati kong hanap, pero ngayon, gusto ko na lang takasan.
Nagtagal pa ang katahimikan. Wala akong marinig kundi ang hampas ng hangin at mahinang langitngit ng mga dahon sa paligid. He didn’t look away. Neither did I. Parang may sariling mundo na kaming dalawa, tahimik pero maingay sa loob—ramdam mo ‘yung tension na parang sasabog kahit walang salitang bitawan.
Hanggang sa biglang sumingit ang tinig ni Nanay Eva.
“Amelia! Andrie! Tara na, kumain na tayo!” si Nanay Eva, nakangiti, hindi alintana ang mabigat na hangin sa pagitan namin. “Niluto ko ‘yung paborito n’yong dalawa—ginisang monggo, pritong galunggong, at salad na pako!”
Napakurap ako, at napabuntong-hinga sa lalim ng iniisip ko. Agad kong iniwas ang tingin, kunwari abala sa pag-ayos ng buhok kong hinahangin.
“Ah…Yes po, Nay! Susunod na po kami,” mabilis kong sagot, kahit ramdam ko pa rin ang titig ni Andrie.
Narinig kong huminga siya nang malalim bago siya tumalikod, mahinang tumango at sumunod kay Nanay Eva. Naiwan akong nakatingin sa likod niya, at sa bawat hakbang niya palayo, parang may bahagi sa’kin na gustong sumigaw — pero mas malakas ‘yung bahagi kong natatakot.
Bumuntong-hininga muli ako.
“Hindi na ito katulad noon, Amelia,” bulong ko sa sarili, pilit pinapakalma ang puso kong ayaw pa ring tumino.
Naunang pumasok si Nanay Eva, bitbit ang saya sa tinig niya habang kinakausap si Andrie. Ang tawanan at halakhakan sa loob ay parang musika na bumabalik sa mga lumang alaala. Sumunod ako, at tulak–tulak ng nurse ang wheelchair ni Lola Adelaida.
Dahan-dahan akong pumasok, nilibot ang paningin sa paligid.
Ang mga larawan sa dingding ay tila nagbubuhay sa paningin ko. Doon kami nina Adrian at Khail, nakangiti habang nakasabit sa puno ng mangga. Doon naman si Mommy, bata pa, kasama ang mga magulang niya sa portrait, sa harap ng parehong bahay na ito.
I ran my fingers lightly along one of the frames. “It still feels the same,” bulong ko, halos ako lang ang nakarinig. Parang kahapon lang. Parang walang nagbago, pero alam kong lahat nag-iba na.
Mula sa gilid, narinig ko ang tinig ni Nanay Eva. “Amelia, hija, halika na. Mainit pa ang monggo, mas masarap ‘pag kakaluto lang!”
Huminga ako nang malalim, pilit na iniwan sa hallway ang bigat ng mga alaala. Ngunit bago pa ako tuluyang makalapit sa hapag, napansin ko si Andrie—nakatingin sa akin, tahimik, parang binabasa ang bawat galaw ko.
At muli naramdaman ko ‘yung kilalang kirot sa dibdib. Yung pakiramdam na kahit gaano ka pa magpanggap na okay ka na, isang tingin lang niya, bumabalik lahat.
Pagpasok ko sa dining area, naamoy ko agad ‘yung monggo—malinamnam, may halong ampalaya at tinapa. The kind of smell that used to mean home. Pero ngayong nandito na si Andrie, parang iba na ang lasa ng hangin.
“Umupo na kayo, oh,” sabi ni Nanay Eva habang inaayos ang mga plato. “Kain tayo habang mainit pa.”
Tahimik lang kaming dalawa ni Andrie habang umuupo. He sat across from me. Ang layo namin sa mesa, pero ramdam ko pa rin ‘yung presence niya—parang bawat galaw niya may bigat. Napatingin ako sandali, at nagtagpo ulit ‘yung mga mata namin. Damn. Biglang bumilis ulit t***k ng puso ko.
“Tikman mo ito, Amelia,” sabi ni Nanay Eva habang nilalagyan ng monggo ‘yung plato ko. “Ginawa ko pa ‘yan dahil alam kong paborito n’yong dalawa.”
I forced a smile. “Salamat po, Nay.”
Narinig kong mahina siyang natawa. “Kayo talagang dalawa, parang laging may sinisikretong hindi ko alam.”
That made me stop. I saw Andrie’s hand tighten on his spoon. Ako naman, hindi alam kung saan titingin. The air between us grew heavier—parang kahit si Nanay Eva ramdam na may mali.
“Ah… masarap po, Nay,” sabi ko, pilit kong binasag ‘yung katahimikan.
Andrie finally spoke, his voice calm but low. “Totoo. Masarap po, Nay.” Pero nang tumingin siya sa’kin, iba ang sinasabi ng mga mata niya. Parang may gustong ipahiwatig na hindi pwedeng sabihin sa harap ng iba.
For a second, I forgot how to breathe. The way he looked at me, it was the same gaze that once made me fall apart. The same look that used to feel like home.
Napasinghap ako nang marinig kong tumikhim si Nanay Eva. “O, Amelia, Andrie, parang hindi kayo gutom ah. Hindi na ba kayo sanay sa luto ko?”
I forced a laugh. “Hindi po, Nay. Na-miss ko nga po ‘to.”
“Same here,” sabay ni Andrie, halos sabay sa tono ko.
Nagkatinginan ulit kami. Masyadong sabay. Masyadong familiar.
For a moment, parang bumalik ako sa mga gabing magkatabi kami sa mesa, nagtatawanan, walang iniintinding problema. Pero ngayon… lahat ng iyon parang alaala na lang na ayaw mamatay.
He reached for the glass of water, at nang dumaan ‘yung kamay niya sa harap ko, nadikit ng konti ‘yung daliri niya sa kamay ko. Mabilis lang, pero para akong nakuryente.
He looked up, eyes locking into mine again. No words. Just that quiet, dangerous pull.
And just like that, I knew, this wasn’t over. Not even close.
Natahimik kami bigla, tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Nang biglang tumawa si Nanay Eva ang bumabasag sa katahimikan. "Bakit biglang natahimik ang lahat?" tanong niya at palipat–lipat ang tingin sa aming dalawa ni Andrie.
“Eva,” mahinang tawag ni Lola Adelaida matapos lumunok ng isang kutsara ng monggo. “You really never change. Simple food, but it’s always the best. Ang sarap pa rin ng luto mo kahit ganito lang.”
Napangiti si Nanay Eva, pinapaypayan pa ang sarili kamay habang tumatawa. “Aba, dahan-dahan lang sa monggo, Adel. Nakakalimutan mong bawal ‘yan sa mga matatanda at gout. Baka mamaya hindi ka na makalakad.”
Sabay-sabay kaming natawa. Pero mas malakas ang tawa ni Lola Adelaida. “Look who’s talking! Magkaedad lang tayo, Eva!”
Mas lalo pa kaming natawa sa reaksyon ni Nanay Eva na kunwari’y nagtatampo, pero halata sa mga mata niyang aliw na aliw din siya.
Maya-maya, tumikhim si Lola. “After lunch, magpapahinga muna ako. Pagod ako sa biyahe.”
“Pagkagising mo, doon tayong dalawa sa tambayan natin, ha? Magtsaa tayo, Adel,” sagot ni Nanay Eva, malambing, parang walang oras na lumipas sa pagitan nila.
“Of course,” sagot ni Lola Adelaida, nakangiti.
Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Dalawang matandang babae na parehong halos puti na ang buhok, parehong may malalim na linya sa mukha, pero sa tawanan nila, halata pa rin ang tibay ng samahan.
Sa gitna ng mga halakhakan, napasulyap ako sa kanan ko—kay Andrie. Tahimik siyang kumakain, pero ang mga mata niya… nakatitig sa akin. Hindi matalim, pero may kung anong lalim, lalim na hindi ko kayang pangalanan.
Biglang bumagal ang lahat. Yung mga tawa ng matatanda, parang unti-unting nag-fade. Ang naiwan lang ay ‘yung t***k ng puso kong muli na namang nagiging malikot.
I tried to look away, but I couldn’t. Parang may magnet sa pagitan namin. At sa mga mata niyang ‘yon, may mga tanong na hindi ko alam kung handa ba ako o iiwas sa kanya ng tuluyan.
PAGKATAPOS naming kumain, sinamahan ni Nanay Eva si Lola Adelaida papunta sa silid nito para magpahinga. Halos sabay pa silang naglalakad, nagkukwentuhan, nagtatawanan, parang dalawang batang matagal nang magkaibigan. Ang saya nilang dalawa, at habang pinagmamasdan ko sila, napangiti ako. Best of friends talaga, sabi ko sa isip ko.
Ako naman, nagpasya munang maglakad-lakad sa paligid ng mansiyon. Tahimik ang paligid, ang hangin ay may dalang bango ng damo at hinog na mangga. Kapag ganitong oras, laging may lilim sa garden, doon, sa ilalim ng punong mangga na paborito ko noon pa.
Bitbit ang libro, naglatag ako ng manipis na kumot sa damuhan. Dahan-dahan akong umupo, isinandal ang likod sa puno. Presko, ang sarap sa pakiramdam. Mahina lang ang simoy ng hangin, at ang tanging maririnig ay huni ng mga ibon at kaluskos ng dahon. Para akong binabalot ng kapayapaan. Hindi sinasadyang napatingala ako sa taas ng puno. May nakita akong hinog na indian mango.
Nilapag ko ang libro, at tumayo ako para abutin ang mangga, nang biglang may braso na pumulupot sa baywang ko mula sa likuran. Napasinghap ako, napapikit. Sandali lang, pero parang huminto ang oras sa paligid.
Hindi ko kailangang lumingon. Amoy pa lang niya, alam ko na kung sino. Ang pamilyar na natural niyang amoy. Ganito rin dati. Lagi niya akong ginugulat sa tuwing nandito kami.
“Missed this place?” mababa, pamilyar, at may halong ngiti sa boses niya.
Hindi pa rin ako lumilingon. Ramdam ko ang t***k ng puso niya sa likod ko, kalmado pero malakas. Ang init ng hininga niya sa batok ko, at ang bigat ng mga braso niyang ayaw bumitaw.
“Don’t,” mahina kong sabi, pero walang laman ang boses ko, hindi galit, hindi rin pagtanggi.
Narinig kong napatawa siya, mahina, halos pabulong. “You still smell the same, Amelia.”
Parang may kung anong humila sa loob ko. Dito sa ilalim ng punong ito kami laging nagtatago noon, ang tagpuan naming dalawa. Walang nakakakita, walang nakakarinig.
At ngayon, nandito ulit kami. Parehong lugar, pero ibang panahon. At kahit ilang taon na ang lumipas, hindi ko maitago—ang yakap niyang ‘yon, hindi pa rin nagbago ang epekto sa akin.
Adrian Bradley. Why?
Buong lakas kong itinulak si Andrie, pero hindi siya matibag. Sa halip, mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin, mahigpit, desperado, parang takot na takot akong mawala ulit sa kanya.
“Andrie, let me go!” halos pasigaw kong sabi habang pilit kong inaalis ang mga braso niya. Pero hindi siya bumitaw. Ramdam ko ang bigat ng dibdib niya laban sa likod ko, mabilis ang paghinga niya, at sa pagitan ng bawat hinga, narinig ko ang boses niyang mababa, nanginginig.
“Don’t push me away,” bulong niya, halos pakiusap. “Noon pa lang sinabi ko na sa’yo kung gaano kita kamahal. Pero hindi mo pinakinggan.”
Napapikit ako, pinipigilan ang sarili kong marinig pa ang mga salitang ayaw ko nang maramdaman. Pero nagpatuloy siya, mas mahina pero mas totoo.
“I’m tired, Amelia. Nahihirapan akong makisama kay Camilla. Every single day, I have to pretend... na okay ako, na hindi kita hinahanap. Pero hindi ko na kaya. I hurt you with my words before, I know. But please, don’t push me away again.”
Tumagos ang mga salita niya papasok sa dibdib ko, mabigat, totoo, at masakit. Hindi ako agad nakasagot. Tanging hangin lang ang gumalaw sa pagitan namin.
“Andrie…” mahina kong sabi, halos pabulong. “We can’t. Hindi natin puwedeng sirain ang tiwala ng mga magulang natin.”
“Do you really care about that right now?” tanong niya, may bahid ng sakit sa tinig. “What about what we feel, Amelia? What about us?”
Umiling ako, marahan pero mariin. “There is no us anymore.”
Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya, halos ayaw akong bitawan.
“Stop lying,” bulong niya, halos hindi ko marinig. “Your body’s trembling, Amelia. I can feel it. You still feel the same.”
Napakagat ako ng labi, pinilit kong huwag umiyak. “You don’t know what you’re saying. Hindi mo lang alam kung anong gusto mo. Pagod ka lang, nalilito—”
“Don’t,” putol niya agad, boses niya mababa pero puno ng emosyon. “Don’t make it sound like I’m confused. I’ve never been more certain than I am now.”
Natahimik ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, pero sa ilalim ng lahat ng takot at pangamba, may bahagi pa rin sa akin na kumakabog nang marahas, dahil alam kong totoo ang nararamdaman ko.
Pero kailangan kong pigilan. Kailangan.
“Andrie, please,” halos pakiusap ko, nanginginig ang boses. “Let me go… before it’s too late.”
Tahimik siya sandali. Hanggang sa dahan-dahan niyang binawi ang mga braso niya, pero hindi ang tingin. At nakita ko ulit ‘yung mga matang dati kong kinatatakutan, hindi dahil nakakatakot ako, kundi dahil alam kong kahit isang tingin lang, kaya niyang wasakin lahat ng pinilit kong buoin.