Prologue
Amelia POV
LATE akong dumating kaya hindi ko nasundan ang buong kaganapan. Paglapit ko, nasa entablado si Adrian, hawak ang mikropono. Diretso ang tingin niya sa harap, ng mga magulang namin. Nasa tabi nila ang mag-asawang Montecillo at ang anak nilang si Camilla, ang beauty queen na halos lahat ng tao dito ay pinupuri.
Napahinto ako, hindi agad makagalaw. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin sa loob ng venue, pero sa dibdib ko, apoy ang nararamdaman ko.
Tumitig siya sa mga magulang namin, parang may gustong sabihin pero pilit niyang nilulunok.
"Dad, Ethan," panimula niya, at halos mapahawak ako sa upuan ko sa bigat ng tinig niya, "hindi ko alam kung paano niyo ako napalaki nang ganito. You didn't just give me a home, you gave me a family, a life I never thought I'd have. Buong buhay ko, you made sure I was loved, supported, and accepted, kahit hindi niyo ako kadugo. Tita Nathalie, thank you for accepting me to be part of your family."
Bahagyang ngumiti siya, pero ramdam ko ang kirot sa ngiting iyon.
Para akong binabalatan nang buhay habang pinapakinggan ko siya. Every word felt like a goodbye. At alam ko, ako ang isa sa hindi niya kayang banggitin.
"To my Dad, Brad," tuloy niya, at bakas ang pag-alog ng boses niya, "I may not have known you as my father when I was very young but I will always be grateful for the life you've given me. Thank you for giving me a chance to have the life I have now. To my mom, Glecel, I love you so much, you know that. Thank you for the wonderful life you've given me."
Nagpalakpakan ang lahat. Ako lang ang hindi makapalakpak. Pinilit kong ngumiti, pero nanginginig ang labi ko. Para akong hinihila sa ilalim ng lupa, habang nakatingin ako sa kanya. Hinahanap niya ako sa mata ng mga tao, at nang magtama ang tingin namin, muntik akong gumuho.
That look. That was it. His goodbye to me.
And then…
Bumaba siya ng entablado. Diretso kay Camilla.
Halos hindi ako makahinga nang lumuhod siya sa harap ng lahat. Binuksan niya ang maliit na itim na kahon, at doon ako tuluyang natulala.
"Cam," mahina pero malinaw ang boses niya, "ikaw ang naging katuwang ko sa mga pinakamatinding pagsubok. You stood by me, believed in me... so, will you marry me?"
Parang biglang nag-slow motion ang paligid. Wala akong naririnig kundi ang malakas na t***k ng puso ko. Proposal? He's proposing? God… he's really marrying her?
Kulang na lang lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Pilit kong nilulunok ang sakit, pero parang tinutusok ng libo-libong karayom ang dibdib ko.
Sa paligid ko, sunod-sunod ang bulungan.
"Ang swerte ni Ma'am Camilla, no? Lahat nasa kanya na, gwapo, mabait, mayaman pa."
"Oo nga. Perfect match. Tsaka sabi nila...buntis daw si Camilla, kaya siguro nag-propose na si Sir Adrian."
Buntis?
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko. Para akong hiniwa mula loob hanggang labas. Kung alam lang nila ang totoo. Kung alam lang nila na mahal na mahal ko si Adrian, at mahal din niya ako, pero pinilit kong bitiwan siya dahil sa mga mata ng batas, sa mata ng lipunan, kami'y magkapatid. Ang relasyon namin ay kasalanan sa mata ng mundo. Kaya't tinikis ko ang nararamdaman ko para kay Adrian, ipinaglaban ko ang respeto ng pamilya ko kahit pa ang kapalit nito’y ang pagkawala ng taong pinakamamahal ko.
Sobrang sakit na makita ang taong mahal mo, give his whole heart to someone else.
Tumulo ang luha ko bago ko pa napigilan. Hindi ko na kayang itago.
Mahal na mahal kita, Adrian. God, I love you so much. And it's killing me, standing here, watching you promise forever to her.
At nang marinig ko ang matamis na "Yes!" ni Camilla, para akong pinutulan ng paghinga ko. Sabay ang malakas na palakpakan ng lahat, na tila tunog martilyo sa tenga ko, tunog hukay sa puso ko.
Napahawak ako sa dibdib, pilit inaalo ang sarili kong huminga. Pero wala, sobrang sakit. Ang bigat, ang hapdi, ang piga sa puso na parang wala nang bukas.
Nang lingunin ko siya ulit, sakto ang pagdampi ng labi niya kay Camilla.
Doon ako tuluyang nabasag.
Hindi ko na kayang tumingin. Hindi ko na kayang marinig pa ang kasiyahan ng lahat. Bawat palakpak, bawat pagbati, parang paalala na hindi ako ang pinili niya.
Dahan-dahan akong tumalikod. Lahat ng hakbang palayo sa kanya, parang hinihila ang mismong kaluluwa ko.
And as I walked away, I whispered to myself.
"This is the end, Amelia. This is your goodbye."