Chapter 01
Amelia POV
NAKATUON lang ang buong atensiyon ko sa harap ng mesa. Maingat kong inilalagay ang huling detalye sa ibabaw ng cake, isang three–layer red velvet na binalot ng makinis na fondant. Sa itaas, nilagyan ko ng mga sugar peonies na kulay ivory at gold lace design na para bang tunay na bulaklak. Inayos ko pa ang isang petal bago ako umatras para silipin ang kabuoan.
Napangiti ako. Kumislap ang mga mata ko.
Perfect, bulong ko sa sarili. Isa na namang magandang cake na gawa ni Amelia Hayes. Proud na proud kong sabi sa sarili.
Mahilig talaga akong magbake. Kahit na may mga pastry chefs sa hotel namin, gusto ko pa rin ako mismo ang gumagawa ng cakes at desserts para sa resto. Para sa akin, hindi lang basta pagkain ang cake—kailangan may puso, may effort.
Pero hindi lang naman sa kusina ang mundo ko. Anak ako ng may-ari ng Hayes Grand Hotel, isa sa mga kilalang hotel chains dito sa bansa at sa ibang bansa. Ako ang inaasahan na tumutok din sa pamamahala, sa operations, sa mga empleyado, sa bookings. At twenty–five, kaya ko naman. Pero kung tatanungin mo ako kung saan ko gustong ilaan ang oras ko, sagot ko simple lang: sa harina, butter, at oven.
Hanggang ngayon, wala pa rin akong boyfriend. Hindi dahil wala akong gusto. In fact, meron. Isang tao lang ang minahal ko simula bata pa ako.
Si Adrian Bradley Hayes.
Magkasama kaming lumaki. Lagi siyang nandiyan para tulungan ako, sa mga assignments, school projects, kahit mga simpleng bagay. Masaya ako kapag kasama ko siya. Siya ang paborito kong kausap, ang takbuhan ko sa lahat. At unti-unti, hindi ko namalayan...siya na pala ang laman ng puso ko.
Pero bawal.
Sa mata ng batas, magkapatid kami. Hindi man kami magkadugo, legal siyang inampon ni Daddy. Isa siyang legal na Hayes at kilalang panganay na anak ni Daddy Ethan. At mula noon, paulit-ulit na lang sinasabi sa akin at kay Andrie na kami ay magkapatid. Wala nang iba.
Kahit gaano kasakit, tinanggap ko iyon. Kahit na sa puso ko, iba ang totoo.
At si Adrian...hindi lang siya basta anak ni Daddy sa papel. Siya ang future CEO ng Hayes Mining and Jewelry Corporation. Hindi lang ito simpleng mining company. Sila ang gumagawa ng mamahaling alahas—mula sa mga bato at ginto, ginagawa nilang jewelry na sikat hindi lang dito kundi pati sa ibang bansa.
Sa kanya mapupunta ang pamamahala dahil walang interes ang kapatid kong si Khail dahil mas pinili nitong kumuha ng kurso na related sa medisina.
At hindi lang iyon. Sabi ni Daddy. Nakalaan na rin si Andrie para magpakasal sa iba— sa anak ng business partner ng pamilya. Ang mga Montecillo, may-ari ng mga luxury resorts. Para mas tumibay ang partnership ng hotel at resorts nila, nakatakda ang engagement ni Andrie at ng anak nila. Hindi lang ito kasal. Isa itong business deal. Aside of that kaibigan ko si Camilla. Sa ngayon, abala pa si Camilla sa career niya bilang beauty queen.
Si Daddy mismo ang nagtakda nito. At kilala ko siya—wala kang puwedeng tutulan kapag siya na ang nagdesisyon.
Ako naman, may plano rin para sa akin. Inihahanda akong ipadala sa Italy para i-manage ang branch ng hotel namin doon. Ayaw ko sanang lumayo, pero hindi ako puwedeng sumuway. Anak ako, at kailangan sumunod.
Huminga ako nang malalim, hinaplos ang ibabaw ng cake na ginawa ko. Parang doon ko ibinubuhos lahat ng hindi ko masabi.
Sa harap ng lahat, ako si Amelia Hayes—ang mabait na anak, ang dedicated baker, ang future manager ng hotel.
Pero sa loob ko...ako lang 'yong babaeng nagmahal sa maling tao.
At kahit gaano katamis ang mga cake na ginagawa ko, hindi nito matatakpan ang pait na nasa puso ko.
Naka-focus pa rin ako sa cake na ginawa ko nang may marinig akong yabag sa likod ko. Napalingon ako at halos mapahinto sa paghinga nang makita ko si Daddy Ethan. Mahigpit ang titig niya, titig na walang puwang ang pagtutol na puwedeng tanggapin.
"Amelia, let's go. Sasama ka sa akin for lunch," diretsong sabi niya.
Natigilan ako. "Daddy, I still have—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin. Sa tingin pa lang niya, malinaw na ang sagot: no excuses. Hindi ako puwedeng tumanggi. Mula pa noon, gano'n na siya, isang sulyap lang, alam mo na kung ano ang ibig sabihin.
Napilitan akong tumango kahit ang totoo, ayaw na ayaw ko. My stomach sank at the thought. Kasi alam kong nandoon ang pamilya Montecillo. I knew Andrie would be there. At siyempre, si Camilla.
Kakauwi niya last Saturday. Tumawag pa siya sa akin, nagyayang mag–girls' night out. Pero tumanggi ako, nagdahilan akong masakit ang puson ko. At buti na lang talaga, kasi sabi ni Milan, dumating din si Andrie sa party na iyon. Kung nagpunta ako, baka mas lalo lang akong mahirapan.
Nasa gano'ng iniisip ako nang bigla akong hinawakan ni Daddy sa braso. Mabilis akong hinila pabalik sa realidad. Tahimik akong sumunod na lang sa kanya.
Pagdating namin sa restaurant ng hotel, ramdam ko agad ang bigat ng hangin sa paligid. Sa bukana pa lang nakita ko si Mommy Nathalie. Kumaway siya agad, warm at welcoming as always. Gumanti ako ng pilit na ngiti at mahina ring kumaway.
Katabi niya si Carmela, ang ina ni Camilla, nakaupo kasama ang asawa nitong si Congressman Marvin Montecillo–siya ang may–ari ng isa sa pinakamalalaking luxury resorts sa bansa. Sa kabilang side, naroon si Tita Glecel, ang tunay na ina ni Andrie, at si Tito Brad ang tunay na ama ni Andrie.
Agad kong naramdaman kung ano ang magiging tema ng lunch na ito. I knew exactly what they were going to talk about. And honestly, it was the last thing I wanted to hear.
Wala pa si Camilla. At si Andrie most likely nasa office pa ang lalaki. Pero kahit hindi pa sila dumarating, ramdam ko na ang sakit na darating mamaya.
Lumapit ako, isa-isa kong hinalikan sa pisngi ang mga babaeng naroroon. Kahit paano, trained na ako sa ganitong social graces. Matamis na ngiti, kahit pilit. Pagkatapos, agad akong tinanong ni Carmela.
"Amelia, hija, how are you? It's been a while since we last saw you."
I smiled faintly, sumagot ako sa maayos na tono kahit may kaba. "I'm good po, Tita Carmela. Busy lang po sa hotel and sa kitchen."
She nodded, obviously pleased.
Umupo ako sa tabi ni Mommy, saka agad kong binaling ang atensyon sa kanya. "Mommy, where's Khail?" tanong ko, tinutukoy ang kapatid ko.
Mas madali kasing magtanong tungkol sa kanya kaysa makinig sa ibang usapan. At least, safe na topic si Khail.
Pero kahit anong pilit kong ituon sa iba, ramdam ko pa rin ang tension sa paligid. Lalo na't alam kong anumang oras, darating si Camilla. At kapag dumating siya. siguradong kasama niya si Andrie.
At doon pa lang mararamdaman ko na ang kirot na matagal ko nang pilit tinatago.
AKMANG magsasalita si Mommy nang biglang pumailanlang ang boses ni Tita Glecel na umagaw ng atensyon ng lahat.
"They're here."
Parang awtomatikong, dahan-dahan akong napatingala. At doon nakita ko sila papasok sa entrance.
Si Andrie at si Camilla ay magkahawak-kamay.
Naramdaman ko agad ang bigat sa dibdib ko. Ang simpleng pagkasalikop ng kamay nila, parang sampal sa akin na nagpapaalala kung nasaan ang lugar ko sa buhay niya.
Napansin ko kung paanong pasimpleng kumalas si Andrie mula sa pagkakahawak sa kamay ni Camilla. Pinaglaruan niya ang kanyang necktie, parang naiinitan, o baka naiilang lang talaga. Pero bago pa niya tuluyang maalis, maagap na kumilos si Camilla. With her perfectly polished nails, siya mismo ang nagluwag ng tie ni Andrie. At hindi lang iyon—binuksan pa niya ang dalawang unang butones ng white polo niya sa loob ng suit.
That white polo shirt, perfectly tailored on him. The kind of shirt that makes him look even more untouchable.
Napalunok ako, ramdam ang panunuyo ng lalamunan. Habang hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila kahit gusto kong umiwas.
Kita ko ang bahagyang pagkailang ni Andrie 'yung subtle na tikas ng panga niya, parang gusto niyang lumayo pero pinipigilan ang sarili. Samantalang si Camilla—God, she was glowing. Yung ngiti niya, matamis pero may halong kumpiyansa, like she knew she belonged there, like she owned that moment. Sweet na sweet, halos parang walang ibang tao sa paligid.
Parang biglang may malamig na kamay na pumiga sa puso ko.
Before I could drown in the jealousy eating me alive, mabilis kong binawi ang tingin. Dinampot ko ang baso ng tubig sa harap ko at uminom kahit hindi naman ako nauuhaw.
Sa unang lagok pa lang, para akong nabulunan. Para bang tubig mismo ang kumalaban sa akin. Pinilit kong lunukin habang pinapahid ng dila ko ang nanunuyong labi ko.
My eyes started to sting. Ngunit mabilis kong kinurap ang mga mata ko, hoping it would hide the moisture building up. Nagpanggap akong normal ang lahat, kahit pilit. Naglatag ako ng maliit na ngiti, the kind you give para lang ipakitang okay ka. Kahit hindi naman talaga.
Sa loob-loob ko, gusto kong tumayo at lumayo. Pero hindi puwede. Hindi ako pwedeng gumawa ng eksena. Kaya nanatili lang ako roon, tahimik, habang ang puso ko unti-unting pinupunit ng eksenang nasa harapan ko.
"Amelia."
Umalingawngaw sa paligid ang boses ni Camilla. Malakas, at masigla, parang walang ibang mahalaga kundi makita ako. Kumaway pa siya na parang matagal kaming di nagkita, sabay hila kay Andrie palapit.
Paglapit nila, halos sabay-sabay na tumayo ang mga kasama kong babae sa mesa. Agad siyang niyakap ni Carmela, pati ni Mommy. Halos hindi matapos-tapos ang halik sa pisngi, ang mga papuri, ang pagtawa.
Pero ang pinakatumatak sa akin, si Tita Glecel. Kita sa mga mata niya yung saya, parang matagal na niyang hinintay ang eksenang ito. Noon pa man, wala na siyang ibang nais para kay Andrie kundi si Camilla. Lagi niyang ipinagmamalaki ito sa mga kumadre niya, laging bida, laging perpekto.
Pagkatapos niyang bumati sa mga matatanda, lumipat si Camilla sa mga kalalakihan. Isa-isa, beso sa pisngi, tapos ako ang pinakahuli.
"Hi, Amelia," she greeted softly, sabay beso. Wala akong choice kundi gumanti. Pilit kong pinanipis ang ngiti ko bago kami parehong umupo.
Naupo siya sa tabi ko. At gaya ng dati, agad siyang nagkwento. About her recent travel, her training in London, her preparation for the biggest stage of her life.
"I'll be representing the Philippines in Miss Universe," proud niyang sabi, eyes sparkling habang kinukwento niya ang details.
Sumulyap siya kay Andrie na kakaupo lang sa tabi ni Daddy. Then she leaned closer to the table, tilting her head slightly, at may lambing na tanong:
"Andrie will support me. Sasama siya sa akin sa araw ng pageant."
Flirty ang tono niya, yung tipong may kasamang pa-smile na para bang sa kanila lang ang moment.
Pinilit kong ngumiti at tumango. "Good for you," sagot ko, pero mahina lang. Para bang sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili kong totoo iyon, good for her. Good for them.
Dahan-dahan akong sumulyap kay Andrie. At sa ilang segundo, nagtagpo ang mga mata namin. Parang may usapang hindi masabi, isang tanong na nakabitin sa pagitan.
Hindi ko na kinaya ang bigat, kaya ako na ang unang nagsalita. "Mabuti, at magkasama kayong pumunta rito." Pag–iiba ko sa usapan.
Agad na ngumiti si Camilla, that practiced beauty queen smile, pero this time softer, almost smug. "Nasa shoot ako. Pinuntahan ako ni Andrie, and of course, I couldn't say no. So I'm here, kahit tumanggi na ako kay Mommy. Kapag si Andrie ang magyaya, hindi ako makatanggi."
Napatigil ako. Ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng dibdib ko, parang may unti–unting sumakal dito.
She looked so happy habang sinasabi niya iyon. Parang hindi niya napansin na sa bawat salitang binibitawan niya, may parte ng puso kong muling nadudurog.
Napangiti ako, pilit, kahit sa loob-loob ko gusto ko nang tumayo at magtago. Kahit saan. Basta hindi dito. Hindi sa harap ng eksenang ito.
At sa isang iglap, muli kong naalala kung gaano kasakit mahalin ang isang taong hindi mo dapat mahalin.
"Bakit hindi natin pag-usapan na rin," biglang singit ni Carmela, nakangiti habang nagbubuhos ng wine sa baso ng asawa niya, "total we are all here... the engagement of Andrie and Camilla."
Parang may dumaan na malamig na hangin sa paligid ko.
Agad kong nakita kung paano kumislap ang mga mata ni Camilla. Parang ilaw na biglang nagningning, sabay lingon kay Andrie na para bang hinihintay ang kumpirmasyon mula sa kanya.
Si Andrie naman—bigla siyang napatuwid ng upo. Kita ko ang tensyon sa balikat niya, 'yung mahigpit na hawak niya sa wine glass bago niya tuluyang nilagok ang laman nito, halos maubos sa isang inuman.
"Why not?" masiglang dagdag ni Tita Glecel, halatang excited. "Konting pag-usapan lang, at least may direction na."
Parang pinipisil ang puso ko sa narinig. Napansin ko na nanginginig ang labi ko kaya mabilis akong nagpilit ng ngiti. Pero kahit anong gawin ko, ramdam kong namutla ako.
Nagtagpo saglit ang tingin namin ni Mommy Nathalie. Alam kong nakita niya iyon, pero gaya ng lagi, nanatili lang siyang tahimik.
Mas lalong kumislap ang mga mukha ng mga ama namin—si Daddy Ethan, Congressman Montecillo, pati si Tito Brad. Para bang matagal na nilang gustong mangyari ito.
Si Camilla halos hindi maitago ang tuwa. Nakangiti siya, parang isang prinsesa na finally makukuha ang fairy tale ending niya. At si Tita Glecel, she looked triumphant, like her long-awaited wish was finally within reach.
Samantalang ako, tahimik lang. Ngumingiti kahit ang bawat kurap ng mata ko ay may kasamang kirot. Nagpapanggap na kaya ko, kahit ang totoo, parang unti-unting nauupos ang mundo ko sa harap nila.