CHAPTER 6: WENDY PRIME

3662 Words
CHAPTER 6: WENDY PRIME Inilingan ko lang si Lola Detta at iniyuko ang ulo para itago ang pag-iyak dulot ng hindi mapigilang emosyon. Naaalala ko na naman ang masasayang memories na mayroon kami nila mama at papa. Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi ko kahit kailan man inaasahan na mangyayari sa buhay ko ang ganitong sitwasyon. Kapag may nakikita akong namamatayan ng mahal nila sa buhay, iniisip ko lang na kaya nila ‘yon lagpasan, lilipas din ang lungkot. Pero ito? Ganito? Na ako na ang nakakaranas... no, hinding-hindi madali. “Hindi ka rin kumain kagabi, Wendy. Halos isang buong araw ka nang hindi kumakain o umiinom ng tubig.” Rinig kong sabi ni Lola Detta mula sa tabi ng kamang kinauupuan ko. “Alam kong hindi ganito ang gusto ng mama at papa mo na mangyari sa ‘yo, kung nandito sila ay tiyak na malulungkot sila sa ginagawa mo.” “Pero wala na po sila. Sana nga dumating sila rito at pagalitan ako... huwag nila akong iwan nang ganito.” Itinago ko ang aking mukha sa aking dalawang palad at humagulgol ng iyak. Ang sikip sikip na ng dibdib ko sa nangyayaring ‘to, hindi ko na kaya. “Lola, gusto ko na po mamatay.” Ayaw kong iwan ako nila mama at papa na mag-isa rito, mas gugustuhin ko pa na sumunod sa kung nasaan sila ngayon. Kahit saan, basta kasama ko silang dalawa. Naramdaman ko ang kamay ni Lola Detta na humahaplos sa balikat pati likuran ko. “Wendy, mahal ko, huwag ka namang magsalita ng ganiyan. Lumaban ka, hija, may plano ang diyos.” “Bakit naman po pinatay niya ang mga magulang ko sa plano niya! Wala ba siyang pakialam kung masaktan ako!” pagtataas ko ng boses saka padabog na humiga nang patalikod sa aking Lola Detta, at iniyak ang lahat ng nararamdamang lungkot. “Mama, Papa! Puro na lang po tayo ganito, kailan ba ako magkakaroon ng normal na buhay?” pabagsak na inilapag ko sa plato ang kutsara at tinidor ko. Nawalan na ako ng gana kumain ng hapunan. “Pwede ba, Wendy? Makinig ka muna sa ‘min ng tatay mo? Huwag mo rin kaming pagdabugan kaagad!” Hindi ko pinansin ang sinasabi ni mama saka tumayo na ng upuan para kumuha ng plato mula sa lagayan nito saka itinakip sa mga pagkaing hindi ko na naubos. “Huli na ‘to, Wendy, hindi mo nauunawaan ang totoong dahilan pero para rin ‘to sa ikabubuti mo. Sa safety mo.” Si papa naman ang nagpaliwanag pero kahit na gaano pa kami kalapit sa isa’t- isa ay hindi ko na piniling pakinggan pa ang mga paliwanag nila. “Kahit ano naman pong tanong ko ay hindi niyo rin naman sinasabi sa ‘kin ang totoong dahilan. Halos wala na akong mga kaibigan magmula pa noong bata pa lang ako, wala tayong permanenteng tirahan at daig pa natin ang kriminal sa pagtatago.” Humugot ako ng malalim na paghinga saka tinignan silang dalawa sa mga mata. “Ang dami niyong sikreto na tinatago mula sa ‘kin. Anak niyo po ako at may karapatan din akong malaman kung ano ang nangyayari sa pamilya natin.” “Wendy-“ Itinaas ko ang kamay ko para patigilin saglit si mama. Buong buhay ko ay hindi naman ako nagreklamo, ngayon lang... kasi sobra na. “Ma, malapit na ako mag- 21 years old. Siguro naman po ay sapat na ‘yon para hindi niyo na ako ituring na paslit, pag- usapan at solusyunan na po natin ang kung ano man ‘yang tinatakbuhan natin.” Pagkatapos no’n ay nagmartsa na ako palabas ng dining area. Maingay ang mga tsinelas at yapak na inakyat ko ang hagdan papunta sa kwarto ko saka inilock ang pinto nang makapasok sa loob. NAGMULAT ako ng mga mata nang marinig ang maingay na alarm clock. Halos hindi ko pa maayos na maidilat ang mga mata ko dahil sa pamamaga dulot ng pag-iyak buong gabi. Inabot ko ang cellphone para patayin ang alarm at nakita ang oras pati na ang petsa sa araw na ‘to. 4:31 AM December 7, 2020 Humugot ako ng malalim na paghinga. Ngayong araw ang kaarawan ko, marami sana kaming plano ni mama at papa para sa petsang ‘to. Naalala kong sabik akong mag-December 7 na para matuloy na ang plano naming tatlo na pagpunta sa beach at mag-unwind. Pero sana pala huwag nang dumating ang araw na ‘to. Huwag na sanang mag-Disyembre. Hindi maubos-ubos ang mga luhang nag-uumpisa na namang pumatak mula sa mga mata ko, napanaginipan ko pa ang eksena kung saan ang huling alaala ko na kasama ko ang mga magulang ay hindi pa maayos. Sinagot ko sila nang pabalang. Mariin na pumikit na lamang ako at kinapa ang kumot para sana hilahin at magtalukbong sa ilalim nito. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang may humila rito pabalik kaya naman nawala ang kumot mula sa pagkaka-hawak ko. Oh my god. Mabilis na umupo ako para tignan kung ano ang nangyari. Multo, ‘yon ang unang naisip kong dahilan at hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob kong umupo at tignan pa ‘yon. Pagkatingin ko sa paahan ko ay nakakita ako ng bulto ng tao. Lalaki. Madilim ang buong kwarto ko ngayon kaya hindi ko masyadong maaninag ang hitsura nito pero alam kong naka-pamulsa ang parehong mga kamay nito dahil sa bahagyang liwanag na galing sa bintana at pumapasok sa silid. “S-Sino ka...” Hindi ako nakakuha ng sagot. Lalo akong kinabahan, nagkarera ang t***k ng puso ko at hindi ko alam ang unang gagawin, basta ang alam ko lang ay unang bumabalik sa ‘kin ang alaala na nangyari noong gabi na ganito rin... madilim, may mga hindi kilalang lalaki sa bahay namin at... pinatay ang mga magulang ko. “Kung nandito ka para patayin ako... sige, gawin mo na. Hindi ko na rin naman gusto pa na mabuhay.” Matapang na hamon ko sa kaniya. Nandito ba siya para tapusin ang buhay ko? Well, good news para sa kaniya, hindi ako papalag at hindi ko siya pipigilan. “Kung ako rin ang nasa kalagayan mo, hindi ko na rin gugustuhin talagang mabuhay.” Nalukot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya, mas lalo na ang boses niya. Parang narinig ko na ang boses na ‘yon. “Pero kailangan mo pang mabuhay, Wendy Prime.” Nag-umpisa itong lumapit sa gawi ko kaya naman kinagat ko ang ibabang labi ko sa sobrang kaba at hinawakan nang mahigpit ang hawak kong unan. Alam kong sinabi kong gusto ko na mamatay... pero natatakot pa rin ako. Ang wirdo. “S-Sino ka... ano ang kailangan mo,” “Bakit ka natatakot? Akala ko ba gusto mo na mamatay?” Nasinagan ng liwanag mula sa lamp shade ko ang hitsura ng lalaking kasama ko ngayon sa silid, ang unang reaksyon ko ay takot dahil hindi ko siya kilala. Ang pangalawa naman ay gulat. Kamukha niya ‘yong lalaki na... na nagligtas sa ‘kin noong gabing pinatay sila mama at papa. “Ikaw...” Napalunok ako. Nandito na ako ngayon sa bahay ng lola ko, si Lola Detta, at malayo na ang lugar na ‘to sa bahay namin kung saan namatay sila mama at papa. Paano niya ako natunton? “Ako nga. Natatandaan mo ang naglagay ng extension sa buhay mo?” umangat ang isang sulok ng kaniyang labi na parang nanunuya. “Tama ba ang pagkakarinig ko? Gusto mo nang mamatay?” mahina siyang tumawa habang naglalakad palapit sa ‘kin. Bawat hakbang niya ay pabigat naman nang pabigat ang paghinga ko dahil sa takot. Nag- iisip na ako ngayon na sumigaw para humingi ng tulong kay Lola Detta. “Sa paanong paraan mo ba gusto mamatay? Magugustuhan mo ba ang maliit na kutsilyo sa leeg mo?” Tinapik niya ang beywang kung saan may nakita akong nakalagay na kutsilyo sa gilid. “O gusto mo ba ng mga lason para mas mabilis ang epekto? Medyo messy nga lang dahil bubula ang bibig mo at mapupuno ng laway at suka. Okay lang ba ‘yon sa ‘yo?” aniya habang ipinapakita ang maliit na boteng hinugot niya mula sa loob ng bulsa niya. Goodness. Maiihi na yata ako... Hindi ako nakagalaw, maging ang paghinga ay sa tingin ko napigilan ko na rin yata. Nang makalapit siya sa dulo ng kama kung saan ako nakasiksik dahil sa takot ay hindi na ako nakapag-pigil at mariin nang pumikit lalo na nang i-extend niya ang braso niya. Ilang segundo ang lumipas pero hindi ko naman naramdaman ang kahit na ano sa kahit na ano ring parte ng katawan ko. Idinilat ko lang kaagad ang mga mata ko nang maaninag ko na parang lumiwanag ang paligid. Nakita kong inabot niya ang... switch ng ilaw. Bukas na ang ilaw na ‘yon at tuluyan ko nang nakita ang kabuuan niya. “Hay, buksan natin. Palagi na lang madilim kapag nagkikita tayo, isa pa ayoko sa dilim, lalong lumalabo ang malabo na talaga na mga mata ko. Okay lang siguro, ano?” Nagtatakang kumurap-kurap lang ako. So... what now. “A-Ano ba ang kailangan mo rito... hindi mo pa ba ako papatayin?” Gusto kong tampalin ang bibig ko bigla. Pero ‘yun lang talaga ang katanungan sa isip ko, bakit pinapatagal pa niya. Tinitigan niya ako saglit matapos marinig ang tanong ko saka bumunghalit ng tawa, may pahawak-hawak pa ito sa tiyan. “Kawawa ka naman, naaawa tuloy ako sa ‘yo.” Natatawang sabi niya saka hinila ang maliit na upuan at naupo roon paharap sa ‘kin. “Huwag kang matakot. Hindi ako nagpunta rito para patayin ka, hindi pa ba halata? Niligtas ko ang buhay mo noong nakaraang gabi, hindi ba?” Hindi ko nahanap ang mga salitang isasagot o itatanong pa sa kaniya, basta ay tinitigan ko lang ito sa mga mata habang nakakunot ang noo ko. “Huwag mong gustuhing mamatay, marami ka pang dapat gawin,” nagseryoso bigla ang kaninang nakangising mukha niya. “Hindi mo ba naisip na ipaghiganti ang mga magulang mo?” Ipaghiganti? “Paano... ko naman ‘yon gagawin?” nagdadalawang-isip sa pakikipag-usap na tanong ko sa kaniya. Tumango-tango ito saka tumingin sa ibang direksyon na parang nag-iisip ng isasagot. “Tama, paano mo nga naman ‘yon gagawin.” Aniya saka tumingin sa ‘kin. “Pwedeng ‘yun na ang isagot kong rason kung bakit nandito ako ngayon sa kwarto mo.” “Kilala mo ba ang mga pumatay sa mama at papa ko?” natatarantang nag-ayos ako ng upo at lumapit nang bahagya sa kaniya. “Ibigay mo sa ‘kin ang mga pangalan at address nila...” mabilis na sabi ko sa kaniya. Tama siya... tama siya ng sinabi na pwede kong ipaghiganti ang mga magulang ko. Bakit ko papatayin ang sarili ko habang ang mga walang puso at kaluluwang mga taong ‘yon ay masaya at pakalat-kalat pa rin sa paligid, hindi nakokonsensya sa ginawa nilang karumal-dumal na pagpatay sa nanay at tatay ko. “Bakit? Anong pinaplano mo?” tanong ng lalaking estranghero sa ‘kin, may multo ng ngisi sa mga labi niya na parang wirdo ang naiisip niyang gagawin ko. “Ano pa ba? Isusumbong ko sila sa mga pulis! Kaya kung alam mo, please, maawa ka na... sabihin mo na sa ‘kin. Sa ganitong paraan man lang, matahimik ang kalooban ko sa ganitong paraan man lang. Please...” Saglit itong natigilan at tumitig sa ‘kin saka umiling. “Please naman! Kung totoong nandito ka para tumulong, ‘yon na ang pinaka-malaking bagay na pwede mong gawin. Kung nandito ka dahil nakokonsensya ka sa krimen na ginawa niyo... hindi ko idadawit ang pangalan mo, kaya please-“ “Huwag ka ngang magmakaawa sa ‘kin nang ganiyan.” Nagdiretsong linya ang kaniyang mga labi saka nag-iwas ng tingin. “Kahit naman sabihin ko ang mga impormasyon na hinihingi mo, walang magiging kwenta ‘yon.” “Please?” Bumuntong-hininga ang lalaki saka nilingon ako. Kung talagang totoo na gusto niya akong tulungan, ‘yon na ang pinaka-magandang bagay na magagawa niya! “Si Gino, Paul at Eric ang nagpatumba sa mga magulang mo. Ang nag-utos sa kanila ay si Master Telo, siya ang pinuno ng pangkat namin. Ikalawang pangkat. Kung tatanungin mo naman kung saang lokasyon mo mahahanap ang mga nabanggit ko...” Halos hindi ako kumurap habang nagsasalita siya, mabilis na tumakbo ako palapit sa tukador kung saan nakalagay ang sling bag ko saka kumuha ng ballpen at maliit na papel. “Anong ginagawa mo?” nagtatakang pinanood niya ang bawat kilos ko habang naglalakad ako pabalik sa kama. Sinulat ko ang mga pangalan na binanggit niya. Gino, Paul, Eric, Master... Telo. At ano raw ‘yon... Ikalawang pangkat? “Ano ang ikalawang pangkat, ano ang ibig mong sabihin do’n? Fraternity ba ‘yon? Modus name? What?” Tinitigan niya ako nang ilang segundo na parang pinoproseso ang mga pinagsasabi ko sa kaniya. Na para bang wirdo ang tinatanong ko sa kaniya. “Talk!” nauubos ang pasensya na sabi ko. “Huh? Modus? Fraternity?” parang gulung-gulo na tanong niya sa ‘kin kaya napakamot ako ng sentido. “Kung tutulungan mo ‘ko ‘wag ka nang matakot na magsabi ng kumpletong mga detalye. Sasabihin ko ‘to sa mga pulis ngayon na mismo!” Nameywang ako at tumingala, kinakalma ang sarili. Kanina pa nagkakarera sa bilis ang t***k ng puso ko, ito na ang pagkakataon na kailangan mangyari, ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila mama at papa. “Hindi mo naiintindihan,” rinig kong sabi niya pa kaya ibinalik ko sa kaniya ang atensyon ko. “Bakit? Natatakot ka ba? Ganoon ba sila ka-powerful at natatakot ka?” malaking grupo ba ‘yon ng modus? “Pwede tayong humingi ng help sa mga pulis, pwede nila tayong proteksyonan laban sa mga ‘yon kung gusto mo, just please-“ “Hindi, Wendy. Hindi sa ganoon.” Putol niya sa sinasabi ko. “Then what?!” “Hindi normal na mga tao ang mga pumatay sa mga magulang mo. Hindi mo ba alam... wala ka bang ideya sa mga tinatawag na Keepers?” Sa pagkakataong ito ay ako naman ang tumingin sa kaniya na parang ang wirdo-wirdo ng tinanong niya sa ‘kin. Keepers. “Ilang beses ko nang narinig ang salitang ‘yan mula sa parents ko.” Mahinang tugon ko sa tanong niya. “Pero kahit simpleng impormasyon ay wala silang sinasabi sa ‘kin...” Sunud-sunod ang naging pagtango ng lalaking estranghero sa sinabi ko. “Ah, kaya pala. Mukhang wala ka ngang ideya sa mga nangyayari at sa uri ng tao na kalaban ng pamilya niyo.” “Enlighten me.” Wala naman akong pakialam kung mayayaman na grupo ng tao pa ang Keepers na ‘yan, ang punto rito ay binawian nila ng buhay ang mga magulang ko. Kahit ano pa man ang kasalanan o atraso ng mga magulang ko sa kanila... wala silang karapatan na pumatay. Krimen ‘yon. At gagawin ko ang lahat para makuha ang hustisya. “Siguro iniisip mong isuplong sila sa mga awtoridad pero pasensiya ka na sa sasabihin ko, Wendy, dahil hindi ‘yon magiging posible. Wala silang maitutulong laban sa mga taong hinahanap mo.” Nalukot ang noo ko sa narinig. “Bakit?” “Ang mga Keepers ay nakatira at makikita mo lang sa lugar na hindi kapareho ng lugar na ganito.” Aniya habang iginagala ang tingin sa paligid. “Nakatira sila sa lugar kung saan tanging ang mga taong may espesyal na abilidad lang ang pwedeng makapasok.” “What?!” “Sa madaling salita, walang makakapasok na pulis sa lugar na ‘yon, Wendy.” Naiiling na hinilot ko ang ulo ko, nag-uumpisa na itong kumirot at hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang pag-iyak ko ‘yon magmula noong nawala sila mama at papa... o dahil sa wirdong sinasabi ng kausap ko ngayon. “Hindi ko nauunawaan, ano ang ibig mong sabihin?” “Wendy Prime, makinig kang mabuti.” Itinukod niya ang parehong braso sa ibabaw ng parehong binti saka inilapit nang bahagya ang mukha sa ‘kin. Seryosong nakikipag-usap. “Ang pamilya niyo, ang lahi ng Prime... lahat kayo ay may espesyal na abilidad kaya ang mga magulang mo ay dating nakatira sa lugar na sinasabi ko sa ‘yo.” Napaawang ang bibig ko, padarag na ibinaba sa kama ang kaninang hawak ko lang na ballpen at maliit na papel. “Bullshit! Anong kalokohan ba ang pinagsasabi mo?! Naka-drugs ba ang kausap ko?!” iritang bulyaw ko sa kaniya. Oh my god. Hindi ako makapaniwala at literal na hindi ako naniniwala! Bakit nga naman kasi ako maniniwala na lang nang basta-basta sa lalaking hindi ko naman kilala at basta-basta na lang papasok sa silid ko. I can’t believe this. Pure bullshit. “Alam kong mahirap paniwalaan dahil pinili nilang mamuhay dito sa mundo ng mga mortal at pinilit makibagay sa pamumuhay ng mga taong normal. ‘Yun ang kinalakihan mo at wala silang sinasabi sa ‘yo patungkol dito pero ito talaga ang totoo-“ “Get out of this room,” putol ko sa sinasabi niya. “Wendy, makinig ka sabi. Ang punto ko lang naman ay hindi mo kailangan ng mga pulis, ikaw mismo... tutulungan kita. Tayo. Ipaghiganti mo ang mga magulang-“ Hindi na niya natuloy ang sinasabi nang tumayo ako mula sa kama at hinila siya sa kwelyo para patayuin din, saka ko siya sinapak sa mukha. Malakas. “I’m grieving for my deceased parents and here you are... naglalakas-loob na sirain pa lalo ang ulo ko.” Talagang bumalik pa rito para baliwin ako sa mga bagay na siraulo lang ang kakagat at maniniwala? Hinila ko siya sa kwelyo palabas papuntang pintuan para iharap kay Lola Detta at makatawag ng pulis. Risky ang ginagawa ko dahil pwede siyang manlaban at tutukan ako ng kutsilyo na mayroon siya sa beywang... pero wala na akong pakialam. Ituloy niya ang pagpatay sa ‘kin kung gusto niya. “Teka, makinig ka naman muna!” “Baliw lang ang makikinig sa ‘yo. At muntik na ako maniwala, sa bagay sino ba naman ang hindi mababaliw sa lungkot kung pinatayan ng mga magulang sa ganitong edad at sitwasyon.” Pagak na tumawa ako saka binuksan ang pinto. “Hindi ako nakikipag-biruan sa ‘yo, kung high ka pa sa tinira mong droga, pwede kang magpa-lipas niyan sa presinto.” Sumubok pa siyang magpaliwanag ng kung anu-ano habang hinihila ko siya pababa ng hagdan, papunta sa salas kung saan makikita ang pinto papunta sa kwarto ni Lola Detta. Hindi naman siya pumipiglas o nananakit, thank God. Pero hindi rin matigil ang bibig kakapaliwanag. “Pwede mong kausapin ang kahit na sinong pamilya mo na may dugong Prime, sigurado akong sila ang magpapatunay na nagsasabi ako ng totoo!” “Oh yeah?” tinulak ko ito ng malakas sa couch at sinamaan siya ng tingin. “Kung inaaning mo ‘ko, isasama na lang kita sa isusumbong ko sa mga pulis.” Mariin na ipinikit niya ang mga mata niya saka hinilamos ang dalawang palad. “Lola! Lola Detta-“ Natigilan ako. Natigilan ako nang humarap ako sa gawi kung saan malapit ang silid ni Lola Detta dahil nakabukas ang pinto roon at ang daan malapit sa silid ay punung-puno ng magulong mga kagamitan. Katulad na lang ng basag na vase, nakatumbang lagayan ng baseball bat at natapon na juice sa sahig mula sa basag na baso. Saka ko lang narealized, na ang buong salas ay magulo, sa sobrang inis ko sa lalaking kasama ay hindi ko na napansin kaagad. Disaster kung idedescribe ang buong paligid. Basag-basag ang mga kagamitan na pwedeng basagin, nakatumba ang mga gamit, maging ang center table ay nakatabingi mula sa pwesto nito. Tumakbo agad ako sa kwarto ni Lola Detta para hanapin ito, “Lola?! Lola!” Naninikip ang dibdib ko sa takot. Hindi ko makita sa kahit saan si Lola Detta! Binalikan ko sa salas ang lalaking kausap kanina at naabutan itong nakatayo na sa harapan ng couch. Sinugod ko agad ito ng suntok sa kaliwang pisngi kaya naman gulat na gulat na napaatras ito. “Aw! Ang lakas mo sumuntok, kanina ka pa!” naiinis na sigaw niya. “Nasaan ang lola ko?! Ilabas mo ang lola ko!” tinulak ko ang dibdib nito saka galit na galit na tinitigan siya. Hindi pa ba sapat na napatay nila ang mga magulang ko?! “Bakit ako?! Wala akong kinalama-“ Sa kabilang pisngi ay sinapak ko ulit ito. Hindi ko naimagine na magagamit ko ang self-defense na tinuro sa ‘kin ng tatay ko mismo. Sa ganitong eksena ko pala magagamit... hindi ko alam kung malulungkot ako. “Nakakailan ka na ha!” inis na hinawakan na nito ang parehong mga pulso ko saka paatras na humakbang nang nakitang sisipain ko sana ang tuhod niya. “Kumalma ka muna! Makinig ka!” Nang akmang manlalaban pa ulit ako ay bigla itong nagliwanag. Hindi lang ‘yon! Namilog ang mga mata ko nang biglang dumoble ang... dumoble siya mismo! N-Naging dalawa siya na para bang gumawa siya ng eksaktong kopya ng sarili niya! Ang pangalawang ‘yon ay humawak sa mga binti ko, pinipigilan akong manlaban pa, saka nila ako pinilit na iniupo sa couch. “Pasensiya ka na sa ganitong paraan ko maiintroduce sa ‘yo ang special ability ko. Ikaw kasi eh,” nagkakamot na sabi nitong lalaki na may hawak ng pulso ko. “Ayaw mo kasing kumalma, ang sakit mo pang sumuntok. Idol mo ba si Manny Pacquiao?” tanong naman noong isa pang kopya niya na nakahawak sa mga tuhod ko. Napaawang ang bibig ko sa takot, gulat at pagkagulo. “Oh my god...” Saka nagdilim ang paligid. Tama, mas okay pa na himatayin. TO BE CONTINUE...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD