CHAPTER 10: SAMUEL LINCOLN “’WAG!” Sabay- sabay na sigaw nilang tatlo kaya naman halos matawa ako pati sa hitsura nila ngayon na naka- extend ang mga kamay sa gawi ko. Mapigilan lang ang gagawin ko sana. “Babasagin ko talaga ‘to, tutal hindi rin naman sa inyo ‘to,” Hawak- hawak ko sa kanang kamay ko ang mamahaling vase na gawa pa yata sa ginto. Nasa daan pa lang ako kanina pinag- iisipan ko na nang matindi kung paano ko silang tatlo mapipilit sa iuutos ko, at ang swerte ko dahil naabutan ko silang tuwang- tuwa na pinagkakaguluhan ang vase na ‘to. Panigurado kakanakaw lang nila ng bagay na ‘to mula sa bahay ng mga mayayaman. “’Wag, boss! ‘Wag! Parang awa mo na!” maluha- luha pang pigil ni Klaus sa ‘kin. “Malaking halaga rin ‘yan kapag nabenta, boss, kahit humati ka pa sa ‘min!” madam

