His Built

2133 Words
Thinking that another school year will end up the same just like what happened these past years is just— normal for me. I am now a grade 10 student in the same school. And in a different class. I can't see familiar faces, lahat ng kaklase ko ay ngayon ko lang makikilala. Masaya ako dahil mukhang wala akong poproblemahin sa mga subject teachers ko ngayong year. Nah, cut it out. I don't think there's none. It's currently our math period. Mrs. Winnie U. Napoles. That's her name. Although she seems good and a kind teacher, there's a part of me saying that I shouldn't make a move to make her know my name. And I did my very best to listen to her kahit na hindi ko masyadong naiintindihan ang lesson dahil mabilis ang pagtuturo niya. Saludo ako sa tatlong kaklase ko who's sitting at the floor infront para lang mas lalong makita ang sulat nito or what. I don't know but they're very attentive knowing na lalaki sila, you know most of the guys ay talagang tamad pero ang tatlo ay pumwesto pa sa harap. Ang isa sa kanila ay sa tabi ko pa dapat nga nakaupo. "Ganito lang ang gawin niyo. . .para makuha yung formula rito. . . ayan, intindihin niyo, at sa mga hindi nakikinig dyan bahala kayo. Sinasabi ko sa inyo ah, marami na akong naibagsak na estudyante." Yeah, Im scared. If there's a weakness of mine then, it's the math subject plus the teacher. "Today, I won't be giving individual activities, meaning, you'll form a group." She posted a visual aid at the board. Mga equations ang nakalagay ro'n. As soon as Ma'am Napoles said those words, my classmates started looking for their groupmates. "Ilan ba kayo sa klase niyo?" "thirty-five po ma'am." "Ah okay. So anim na grupo. Yung limang group ay may anim na members, tas yung isa, lilima lang. Maliwanag ba?" Nagkagulo na. Kanya-kanyang tayo ang mga kaklase ko. "Teka sandali. Balik muna sa upuan." Napahawak na si ma'am sa sentido nito. "Kung sino na ang magkakatapat na rows ang magkakagrupo para hindi magulo. Tapos 'yan na rin ang mga kagrupo niyo buong taon." I simply looked at my seatmates and the ones seating infront of my row. Napalingon ang kaharap ko rito sa likuran dahilan para magtama ang paningin namin. Nginitian ako nito. "Hello." I was unable to move for a second. Nagulat lang ako. She seems the type of student who likes to socialize.. Hindi na nito ako inantay na sumagot dahil muling nagsalita si ma'am Nepales sa harap. She also seems girly. After the teacher explained the groupwork, we started formed our chairs into circles. Hindi muna kami nakagawa agad dahil, madaldal pala ang babae na nag-hello sa 'kin kanina. I forgot her name. Pati rin ang isa pang katabi nito ay madaldal at malakas ang boses. "Sino may cartolina or manila paper?" Girly asked. Im trying to read her name from her ID. I just can't keep calling her 'girly' right? "Ano nga ulit pangalan mo be?" Rea asked girly. I remember her name because she's really pretty for me, she caught my eyes, that's why. So yeah, Im thankful because someone finally asked. "Reynalyn. Tapos etong katabi ko naman—" Tinapik niya ang katabing babae. "Andy. Tapos eto si Carl." Ngumiti sa'kin 'yong Carl nang nagtama ang tingin namin. Napangiti ako. Omg these three seems very close. The two boys beside me are Ken and Cedrick. I just heard them talking and they mentioned each other's name so, kahit hindi nila sabihin ay alam ko na. Hmm. Sa tingin ko ay magkakaklase na ang iilan sa kanila noon pa man. Lucky. "Kami nalang ni Andy ang magpe-present ng report natin. Okay lang ba?" Tanong ni Carl. Tumango kami. I really salute them for having that confidence. Hindi ko kasi kayang magsalita sa harap. Para sa 'kin, isang malaking kahihiyan 'yon. Ewan ko ba, lumaki akong gan'to. They also asked my name earlier at syempre, sino ba naman ako para hindi sabihin sa kanila. When our breaktime came. Halos lahat ng mga kaklase ko ay lumabas. Bumalik din agad ang iba katulad ng tatlo— sila Carl, Andy, at Reynalyn. Nauna silang makabalik. And me, wala akong binili. Hindi ko nga rin matandaan kung kailan ba ako umapak sa canteen. Nanatili akong nakaupo sa upuan ko habang nagbabasa ng fictional book na binili ko no'ng linggo sa national book store gamit ang naipon kong pera. Actually wala na akong maintindihan, maingay kasi ang tatlong nakaupo sa harap ko kaya ibinalik ko nalang sa bag ang libro at tumingin sa bintana sa kaliwa ko. "Keith!" Nilingon ko ang sumigaw sa pangalan ko. "Hindi ka kumain?" Tanong pa niya. Umiling lang ako. "Ay why naman?" Nagkibit bakikat ako. "Nakakatamad lumabas." Tumawa lang ito bago ako iwan at nilapitan ang alam kong president ng class namin. "Ragen! Ano 'yang dala mo?" I still heard her kahit malayo na si Reynalyn sa pwesto ko. Ibinalik ko nalang ulit ang tingin sa bintana at napapikit. Ang fresh lang sa banda rito. Puro halaman at puno kasi ang nakikita ko. Sa pagkakaalam ko ay garden ito ng school. Pwedeng tumambay kasi may nakikita akong upuan na mahaba sa gilid, sa ilalim lang din ng puno kaso siguro mahigpit din. Wala akong nakikitang estudyante na nakaupo ro'n sa ngayon. "Keith!" Napalabi ako at muling hinarap si Reynalyn. May laman na ang mga palad niya na pagkain. "Gusto mo dragon balls?" Nakita kong lumapit sa kanya ang president namin at binatukan siya. "Tanga, graham balls kasi." "Ano ba Ragen! Makabatok 'to ah." Nakatingala lang ako sa kanilang dalawa. Graham balls. Are they selling it? "Kunin mo na 'yang dalawa. Free taste muna tapos bukas, hindi pwedeng hindi ka bibili." Tumawa si Reynalyn na agad namang siniko ni Ragen sa tagiliran. Reynalyn handed me the graham balls. "Salamat.." Hindi na nakasagot si Ragen nang may tumawag sa kanyang kaklase namin. "Asan na ang mga bilog-bilog mo? Pabili ako HAHAHAHAHAHA." "Hanapin mo raw sa pwet mo, Trisha." Umiwas na 'ko ng tingin sa kanila at itinago ang ngiti. Humarap ako sa bintana at kumagat sa Graham balls. "OMG KA BA'T MO PINAUBOS? BIBILI PA AKO EH" Narinig ko na namang muli ang boses ni Reynalyn. Naubos ko na rin ang binigay sa 'kin and I'm telling you. It's really good. Super. Damn. I think my earning plan will be messy starting tomorrow. Napansin ko rin na unti-unti nang nagsisidatingan ang mga kaklase ko. Nice, three hours to go. Uwian na. Hindi pa rin naalis ang tingin ko sa may bintana. Nasa third floor ang room namin kaya kita ko ang lawak sa baba. Ngayon ko lang rin napansin na may lalaki pala roon kanina na ngayon ay naglalakad na palayo. I tilted my head. hmm "Keith, 'di ba sa Nuevo Homes ka rin nakatira?" Maayos nang nakapwesto ang lahat dahil nasa harap na si ma'am. Pero itong si Reynalyn ay talagang nilingon pa 'ko. "Huy, makita ka ni ma'am diyan." Cedrick, who' sitting on my left warned her. "Paki mo ba?" Inirapan niya lang ang katabi ko bago muling tumingin sa 'kin. "Sabay tayo uwi mamaya ah? Para may kasabay ako sa tricycle hehe." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero pumayag nalang din. Well, hindi ko rin alam na same subdivision lang kami. Who would've thought. Hapon na. Palubog na ang araw. I want to go home... or not. Hinihintay ko si Reynalyn. I mean, hinihintay naming dalawa si Ragen. Since president siya, siya rin ang naka-assign na maglo-lock ng pinto. Hindi ko alam na mag-aantayan pa muna pala kami bago makauwi. I have no objections, it's just that, Im not used to this. Nandito ako sa hallway, tapat ng room. Halos lahat ng estudyante ay nakauwi na. "Tara na, Keith!" Umangkla si Reynalyn sa kaliwang braso ko at hinila na 'ko papunta sa hagdan pababa. "Oy Ragen a, yung susi baka maiwan sa knob!" "Ingay mo." - Ragen "Reynalyn, di ka ba nauubusan ng boses?" Someone beside Ragen said. Omygod, she's cute. "Hay nako, Loura. Itong boses ko ang charms ko kaya never akong mawawalan ng boses." Reynalyn's laugh echoed here in the hallway. Nakita kong nginiwian lang siya ni Loura. Hanggang sa makababa kami sa grounds ay nakakapit pa rin si Reynalyn sa 'kin. Actually, I haven't moved my arms since she started clinging at me. Hindi naman mabigat ang mga kamay niya. Hindi lang talaga ako sanay. Isa pa, I don't like anyone touching me. But it looks like Im breaking that rule of mine. Nasa likod namin si Ragen at Loura. Tahimik lang akong naglalakad. At ito na yata ang pinakamabagal kong lakad. Kapag ako lang mag-isa ay mabilis ang hakbang ko. "Saan tayo sasakay?" Tanong ko. "Do'n sa terminal. Ikaw, sa'n ka nasakay 'pag ikaw lang?" Pinigilan kong wag mapahinto ng lakad. I just tilted my head dahil sa gulat. Ewan, pero parang ang layo ng terminal mula rito sa school namin. "Do'n sa waiting shed ako." Hmm. Nalampasan na na namin kanina pa. "Ah, matatagalan ka lang makasakay do'n kasi puro punuan na yung mga jeep dadaan." I didn't answer. How long does it take to get in there? Anong oras na kaya ako makakauwi? "Ano pala section mo last year?" "Amber." Sagot ko sa tanong niya. "Magkatabi lang pala tayo ng room. Ba't parang 'di kita nakikita?" Nagkibit-balikat lang ako sa tanong niya at hindi sumagot. "Teacher niyo pala si Sir Zaragosa. Di ba masungit 'yon?" "Sakto lang naman.." Mukha ngang mas malala pa si Ma'am Napoles na math teacher namin ngayon kesa kay sir. Diretso lang ang dinaraanan namin papuntang terminal. May mga natatanaw pa nga akong schoolmate namin na naglalakad din. Like wow, I never thought of walking this far para lang makasakay sa mas maluwag na jeep. Medyo namamangha pa ako hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin. Nakaya kong maglakad ng gano'n kalayo. It took us almost fifteen minutes to went here. "Teka, bibili ako calamares." Ngayon lang bumitiw mula sa pagkakahawak sa akin si Reynalyn. Nakita kong lumapit din sila Ragen at Loura do'n sa maliit na tindahan sa gilid. Calamares pala ang tawag sa gano'ng pagkain. "Gusto mo?" Inalok pa ako ni Reynalyn pero umiling lang ako. Ang calamares ay nakalagay sa plastic cup, ang kalahati ng baso ay may laman na suka tapos naka-stick ang tinatawag nilang calamares. I call it 'deep fried balls' before, pero ngayon alam ko na ang tawag. "Nuevo Homes daw oh." Nagsalita si Ragen na may hawak ring cup ng calamares, si Loura din ay may hawak. "Sakay na kayo mamsh, baka maiwanan." Sabi pa ni Loura. Ahm, she really looks cute and daring to me. "Eh ayoko diyan. Gusto ko do'n sa maluwag." Angal naman ni Reynalyn. "Arte neto." "Sakay na, baka abutin pa kayo ng dilim kakaantay ng bagong dating. Lalaki ang pinaghihintay at hindi tayong mga magagandang dilag!" Loura said. Natawa naman ang katabi ko. Hindi ko rin maiwasang mapangiti. "Tara na. May kasunod na oh." Nginuso ko ang bagong dating na jeep na may sign ng subdivision namin. Nuevo Homes. "Sakay na kayo dali nang makaalis na din kami." "Oo na eto na nga e." Umangkla na naman sa braso ko si Reynalyn at hinila na 'ko palapit sa jeep. "Bye na!" Malakas na sabi niya. "Babu." "Bye~ Ingat sila sa inyo." Nakasakay na kami ng jeep na halos kalahati na rin pala ang pasaherong nakasakay. Sabay naming iniabot ni Reynalyn ang bayad namin sa driver. "Saan nakatira sila Ragen?" I asked curiously. "Malapit lang din dito. Villaroes yata 'yon. Basta malapit lang. Lakad ka pa ng konti mula rito." Tumango na lamang ako. I know that place. Subdivision din. "Sila Ken 'yun ah. Di pa pala sila nakakauwi." Nakatingin sa labas ng bintana si Reynalyn. Napatingin din tuloy ako sa kung saan siya nakatingin. Si Ken at Cedrick nga. Isang grupo silang naglalakad papunta rin sa direksyon ng terminal. May mga kasama silang same ng uniform with us pero hindi ko kilala ang iba. Tatlo sa kanila ay kaklase namin, di ko alam ang pangalan ng isa. Samantalang 'yong dalawa ay iba siguro ang section. Napako naman ang tingin ko sa isang naka grey hoodie. Kumpara sa mga kasama niya ay mas matangkad siya ng ilang centimeters siguro. Halos sing-tangkad niya si Cedrick kung titignan mo sa una. Napansin ko ang kulay pula niyang backpack. Hindi rin nagtagal ng ilang segundo ang tingin namin sa kanila dahil mabilis na ang takbo ng jeep. Buti nalang hindi na ma-traffic. Pagdating sa bahay ay nakakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong mero'n sa lalaking 'yon pero hanggang ngayon ay nasa utak ko pa rin! Nakaka-curious lang because his built seems familliar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD