KEITH
Maayos ang mood ko ngayong araw. While having our first subject earlier, the speaker announced that we'll have a shortened classes today because the teacher's will have their meeting after classes, they said.
Sino ba namang estudyante ang hindi matutuwa sa biglaang anunsyo. Kaya ayan, sa ibang subject ay wala kaming ginawa. Sa math naman, ay nag-quiz lang kami and fortunately, I had a good score. Hindi man perfect or highest pero okay na sa'kin.
I also did not forgot to buy Ragen's dragon balls— I mean his graham balls. And it looks like, I don't have to go to our canteen just to have my snacks.
"Keith! Tara na!" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang malakas na sigaw ni Reynalyn.
This past few days, nakita ko nalang ang sarili kong palaging nahihila ni Reynalyn. Gusto niyang kasabay ako pauwi, even tho there's Ragen, Loura and sometimes Trisha na kasabay niya sa paglalakad.
I really can't say no to her because Im enjoying their company!
Uwian na at hindi naman siguro obvious na excited nang umuwi si Reynalyn. Lumabas kami ng room, bumungad sa 'min ang mga nagkakalat na estudyante. Si Ragen, Loura at Trisha ay nasa may pintuan pala. Hinihintay kami.
Tinungo namin ang hagdanan pababa. Medyo masikip ang hallway kasi tumatambay pa ang iilan at naghahabulam pa nga and dang someone just stepped on my shoes. My brows furrowed. I remained my straight face at tingnan ang lalaking nakaapak sa 'kin.
"Sorry ate!" Mas lalong sumama ang loob ko. It was our classmate. The one that I saw with Ken and Cedrick the other day habang nasa jeep kami ni Reynalyn. His name is Ian. Fcking Ian.
Pinigilan kong mapairap at tinalikuran na lamang ito. Nakita ko pa sa gilid ang dalawang lalaki na katabi ko sa upuan na nakangisi. Those three.
Tinabingi ko ang ulo at napabuntong-hininga na lamang. C'mon self. Wala pa kami sa grounds sa lagay na 'to pero may nakabangga na naman sa 'kin.
I can't believe that my good mood can change that easily because of these fourth years. Tss. Isip-bata pa rin ang iba.
Nang makababa kami sa second floor ag maluwag-luwag na. Handa na akong bumaba ulit ng hagdan ng hilain ako ni reynalyn paliko.
"Saan kayo? Dito muna tayo saglit." Natatawa pang sabi ni Ragen sa'min nang mapansing pababa na sana. Nasa unahan namin sila ngayon.
"Si Keith kasi HAHAHAHA"
"Anong gagawin natin dito?"
"Manliligaw." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ragen.
"Weh?" Gusto kong paluin ang sarili dahil sa lumabas sa bibig ko. Natawa naman ang tatlo sa reaksyon ko. Like, nakakagulat naman kasi talaga at hindi ako makapaniwala.
"Susunduin natin ang King ng ating Queen." Agad na sagot ni Ragen.
"King ina."
"Hindi mo pala alam na may bebe 'tong si Loura." Medyo natatawa pang sabi ni Trisha na nasa kabila ko na pala. Pinagigitnaan na nila ako ngayon ni Reynalyn.
"Wala rin naman kasing nagsasabi!" Sumang-ayon naman ako kay Reynalyn.
Sa dulo pa ata ang room ng uh— anong pangalan ng—
"Ayan na pala si Warren." Nginuso ni Trisha ang lakaki na kalalabas lang ng pintuan. He's with the same height like Ragen. Basta'y mas matangkad sila sa amin.
Ayon, Loura and Matt talked a bit, Naghintay kami sa kanila hanggang sa nag-aya na si Loura na bumaba na. Nasa likod namin si Trisha at Ragen, at nasa pinaka likod naman ang magkasintahan.
Kada dulo ng hallways ay may hagdan kaya dito na rin kami bumaba kung saan ang pinakamalapit. Nabawasan na rin ang mga students kahit papaano. I don't want someone bumping me again.
Habang pababa ay nakita namin sila Ken, Cedrick at Ian na nakatambay sa may unang hakbang ng hagdanan. Dahil maingay si Reynalyn at Trisha na nag-uusap ay napalingon ang tatlo sa amin.
"Uy." Tumayo si Ken mula sa pagkakaupo nang sa ganon ay makadaan kami.
"Ginagawa niyo." Ani ni Ragen nang mapansin ang tatlo.
"Tambay kayo ah. Bawal yan dito." Tila nang-aasar naman na sabi ni Loura.
"'Di, inaantay pa namin sila Lenard." Sagot ni Cedrick.
Hmm. Maybe they have friends from the other section.
"Ah gano'n?"
"Hoy Ian, wag kang aabsent bukas ah. Ikaw magrereport sa english."
Dahil mukhang nag-uusap pa sila ay huminto muna kami ni Reynalyn sa paglalakad. Nasa tapat na kami ng unang room dito sa ground floor ng building namin.
"Ba't naman ako aabsent?"
Dito pala 'yong room ng section one— o mas tinatawag na Agoncillo. Mula rito sa labas ay nakikita ko ang iilan pang estudyante na naiwang maglinis ng room. Nagtatawanan ang ilang mga babae sa loob habang nag-aayos ng upuan.
May nagwawalis sa bandang likod at nang dumako ang tingin ko sa harap kung saan may dalawang lalaking nagpupunas ng chalk board ay nangunot ang noo ko.
Ah sila suguro 'yong hinihintay ng tatlo kong kaklase. Napatagal ang pagtingin ko sa isa na walang hirap na naabot ang pinakataas ng board para ibalik ang eraser. Ako nga ay hindi maabot 'yon.
How tall. Sana all.
"Aba, naninigurado lang no'. Alam pa naman ni Maam na ikaw ang mag-rereport."
"Ian 'yong ballpen ko pala?" Iniwas ko ang tingin ko sa loob ng room saka bumaling kay Reynalyn na biglang nagsalita. Si Ian pala ang kausap niya.
Bumalik pala sa pagkakaupo sa hagdan si Ken na may hawak-hawak na cellphone, mukhang may ka-chat, pati rin si Cedrick na nakatayo lang habang nakasandal sa railings na hagdan.
Habang itong si Ian ay prenteng nakaupo sa upuan— sa armchair to be exact. Sira naman na 'yong upuan kaya nalagay dito sa hallway pero mas lalo pa atang masisira dahil sa pagkakaupo ni Ian. Nailing na lang ako.
"Ano tapos na kayo?" Napatingin kaming lahat kay Cedrick nang magsalita. Akala ko ay kung sino sa amin ang kausap nito pero sa iba siya nakatingin.
Napansin ko ang unang paglabas ng lalaking naka-undercut. He's white, at sakto lang ang pangangatawan nito. He has his smirk on his face and he's kinda tall. Probably, one and a half taller inches than me? Ah kasing tangkad ni Ragen. Hanggang tenga lang nila ako.
"Ang aga niyong pinalabas." Anito. habang nakaharap sa tatlong kaibigan.
So, is he Lenard?
"Sa'n na si Dre?" Tanong naman pabalik ni Ian. Saktong lumabas ng room ang isa pang lalaki. Nanlaki ang dalawa kong mga mata at kulang nalang ay malaglag ang panga ko.
Halos nakatingala na ako habang nakatingin sa kanya. Nakangiti ito habang inaayos ang strap ng kanyang itim na backpack. Unlike his friends, he is way taaaaller than them. Mas matangkad din kay Ragen na siyang pinakamatangkad sa aming magkakaibigan.
Kumpara sa lalaki na naunang lumabas kanina, hanggang tenga lang ako nito pero ngayon, sa lalaking bagong dating ay sa balikat lang ako nito umabot. Ngayon ko lang na-realize na siya rin ang lalaki na nakasuot ng gray hoodie noong isang araw.
"Saan tayo?" Rinig ko pang tanong ni Ken.
Naramdaman ko nalang ulit ang paghila sa akin ni Reynalyn. Then, I saw Ragen and Trisha walking infront of us. Kami naman ngayon ang nasa dulo.
Bago tuluyang makalayo sa pwesto ng mga lalaki ay pasimple akong lumingon. Salubong pa ang kilay ko dahil sa likot ni Reynalyn na katabi ko. Nang makalingon ay saktong nagtagpo ang mata namin ng pinaka-matangkad sa kanila pero ito rin ang unang nag-iwas ng tingin dahil kausap nito ang katabing si Ian.
Hindi ko narinig ang pangalan niya kanina. Im sure si Lenard ang lalaking naunang lumabas ng room nila and since they're in section Agoncillo, I guess they have an smart head.
Nag-ayang dumaan sa 7/11 si Loura. Magkatabi pa rin silang naglalakad ni Warren—boyfriend niya. Todo kapit sa akin si Reynalyn habang patawid kami sa kabilang kalsada. Katapat lang kasi ng school namin ang convenience store.
Hindi pala marunong tumawid ang katabi ko kaya nakahinga na siya ng maluwag ng nasa tapat na kami ng 7/11
Kahit walang bibilhin ay pumasok din ako sa loob.
"May bibilhin ka?" Tanong ko kay Reynalyn. Naghiwa-hiwalay na kami rito sa loob. Napadpad kami sa beverages.
"Naubos pera ko kanina sa canteen." Nakanguso pang saad nito kaya natawa na lang ako.
Ako naman ang humila sa kanya papunta sa may mga chicherya. Dumampot ako ng malaking Moby, yung caramel flavor. Plano kong kainin 'to habang naglalakad na kami papunta sa sakayan. Hati nalang kami ni Reynalyn.
Nang pipila na sa counter ay nakita pa namin sila Ragen sa labas ng glass door nitong store. May mga hawak na silang sluurpee habang si Trisha ay maliit na coke ang iniinom.
Hindi pa rin bumitaw sa kaliwang braso ko si Reynalyn kaya sabay kaming pumila habang hawak ang nag-iisang chicherya na binili. Nang matapos ang isang ale na nasa harap ko ay kami na ang sunod. Iniabot ko ang forty pesos sa cashier. Habang nag-aantay ng sukli ay naramdaman kong may pumila sa likod namin pero hindi ko na nilingon.
"Dre, anong bibilhin mo?" Narinig ko ang boses ni Ken sa likod ko.
"Ice cream lang sa 'kin." Hindi ko kilala ang may-ari ng boses nito kaya napalingon ako. Una kong napansin si Ken na nakatingin sa mga nakadisplay sa counter at ang kaibigan nilang matangkad!
Sure na 'kong Dre ang pangalan nito, or maybe his nickname. Hindi ko nalang pinahalata ang pagkagulat. Hindi pa rin naalis sa mukha nito ang maliit na ngiti, even his eyes are both smiling.
"Keith, tara na. Nandito na 'yung sukli mo."
Muli kong ibinalik ang tingin sa harap. Hawak na ni Reynalyn ang sukli at moby na binili namin kaya nagpadala na lamang ulit ako sa hila niya palabas ng mini stop.
Ginulo ko ang buhok sa tuktok ng nakalugay kong buhok. Dang, hindi naman siguro napansin ni Dre na napatagal ang tingin ko sa kanya, 'di ba? Pero alam ko na kahit hindi siya nakatingin ay alam niyang may matang nakatitig sa kanya!
I tapped the top of my head. Hindi naman gano'n kalakas. I usually do it din naman when Im scolding myself.
"Ba't parang ang tagal niyo?" Bungad sa 'min ni Trisha.
"Ewan ko dito kay Keith. Lutang ata."
"HAHAHAHAHA gutom lang 'yan. Tara na."
I just crunched my nose. Nang-aasar na naman sila. But Im not lutang ah. Hindi naman.
Nag-umpisa na kaming maglakad. This time ay nasa unahan na namin si Trisha at Ragen at nasa likuran naman namin ni Reynalyn si Loura at Warren.
Kumpara sa uwi namin nitong nakaraang araw na halos madilim na, ngayon ay maaliwalas ang langit at maliwanag pa. May iilang jeep na lumalampas sa amin pero hindi naman mausok at buti nalang din ay hindi ma-traffic.
Binulsa ko ang sukli ko kanina at binuksan na ang paborito kong moby. I usually don't share but today I feel like doing it, pero hindi ko pa man naaalok si Reynalyn ay nakaano na ang kamay nito sa hawak kong pagkain.
"Hingi ako ah." Tumango na lang ako at kinalabit ang dalawang nasa harap namin.
"Ay ayoko niyan 'te. 'Di ako mahilig diyan."
"Nakain ako niyan pero hindi siya bagay i-partner dito sa sluurpee. Maglalasang gamot siya." Tumango-tango na lang ulit ako at itinuloy nalang ang pagkain. Kami nalang ni Reynalyn ang naghahati.
"Kami hindi niyo aalukin?" Napalingon naman ako sa likuran. Ah si Loura pa pala! Omg. Nahihiya akong ngumiti. Mabagal naman ang lakad namin, saka iniabot sa kanila ang hawak ko.
"'To naman, joke lang eh." Umiling-iling pa ito pero hindi ako nagpatalo hanggang sa wala siyang nagawa kundi kumuha sa chcherya.
"Oki na 'to, hindi naman gutom 'tong si Warren." She took a glance at her boyfriend to see his reaction pero tinaasan lang siya nito ng kilay.
Tatalikod na sana ako sa kanila nang matanaw ko ang grupo nila Cedrick, and of course there's Dre, who looks like a walking tower.
Ilang dipa ang layo nito sa amin pero rinig na rinig ko ang malakas na boses ni Ian habang kausap yung Lenard. Tumalikod na ako at umayos ng paglalakad dahil baka mamaya bumalik na naman ako ng tingin kay Dre, tapos mapansin pa ako! Anyway, I saw him with his ube ice cream na binili niya kanina.
he's cute..