Crush

1979 Words
Keith I can feel my energy high and I don't know why. Malikot ako sa kinauupuan ko at paminsan-minsan ay dinadaldal si Trisha na nagsusulat sa tabi ko. Sa kabilang side siya ng room nakaupo pero dahil sa harap at lapag nakaupo si Cedrick na katabi ko dapat ay dito siya sa pumwesto. "Trish, ilang months na 'tong buhok mo?" Tanong ko habang hinahawakan ang ilang hibla ng straight at mahaba niyang buhok. Hanggang bewang niya ang haba nito. "Ah hindi ko na matandaan, pero pinapahaba ko talaga 'yan." Tumango-tango ako habang siya ay patuloy pa rin sa pagsusulat. Gano'n din naman ang ginagawa ko pero may mga oras talaga na gusto kong dumaldal at ngayon na 'yon. "Trish, anong favorite mong color?" "Ha? wala naman. Kahit ano." Napasimangot ako. May mga tao ba talagang walang mapili-pili sa mga kulay? "Akin pink, tapos purple, and then green tapos blue. Red pa pala." Sabi ko naman pabalik. Natawa naman siya sa sinabi ko pero mahina lang. Kung tutuusin ay kami lang ang nagdadaldalan dito sa row namin. Atleast hindi maingay. "Nagbabasa ka ng story, Trish?" "Story sa?" "Sa ano, sa w*****d?" Nakalabi kong tanong. Hininto ko rin muna ang pagsusulat dahil sa sakit ng kamay. Habang hinihintay ko ang sagot niya ay napatingin ako sa notebook niya. Hmp. Ang ganda talaga ng sulat niya. "Oo pero hindi na gano'n kadalas. Ang dami ba naman kasing assignment lagi kaya wala ng oras." Sang-ayon ako sa kanya. Pero kahit patong-patong ang mga pinapagawa ay natatapos at nakakapasa naman kami kahit papa'no. "Anong genre ng mga binabasa mo?" Huminto siya sa pagsusulat at napaisip. Trisha has her small and cute eyes. Singkit. Hanggang tenga ko lang ang tangkad niya. Same sila ni Reynalyn pero kung pangangatawan nila ang usapan e, mas malaman si Trisha, pero hindi naman mataba. Payat lang talaga si Reynalyn. "Yung mga mystery o thriller." "Eh mga romance, nagbabasa ka?" "Oo, dati naadik ako sa mga gano'n pero lately, mystery na nahihiligan ko. Feel ko na ngang mag-asawa ng detective o pulis." Natawa ito pero pinipigilang mapalakas. Napailing nalang ako habang natatawa rin. Nang mag-bell ay agad kong iniligpit ang mga gamit ko sa ibabaw ng desk. Kinuha ko na rin ang maliit kong bag na naglalaman ng p.e uniform ko. Every thursday ang p.e namin. "Tara na, Keith. Bilisan mo! Baka marami ng tao sa cr." Reynalyn said, I even saw her feet tapping the ground. Hindi ko pa nasasara ng maayos ang bag ko nang hilain na niya ako pababa. After that, we went to our usual spot when doing our p.e activities. Under the largest tree in our school. Sa pagkakaalam ko ay puno ito ng mangga, pero wala naman akong nakikitang bunga. Anyway, kami ni Reynalyn ang nauna sa pila ng girls. Si Ma'am Lani na siyang P.E teacher namin ay nakaupo sa bench habang hawak-hawak ang sa tingin ko'y listahan ng mga estudyante sa klase namin. "Salar." Narinig ko ang pagtawag ni ma'am sa apelyido ko. "Ikaw na muna mag-check ng attendance ng mga kaklase mo. Babalik muna ako ng faculty. Manghihiram ng speaker." Iniabot sa 'kin ni maam ang papel na hawak niya kanina pati na rin ang ballpen. Humarap ako sa likuran at tinignan kung sino ang mga nakapila. Pati na rin ang mga nakasuot ng complete uniform at ang mga hindi. Alam ko naman na ang ilalagay ko dahil ilang beses na rin akong pinakisuyuan ni ma'am. Nang makumpleto na ang attendance ay siya ring paglapit ni ma'am sa pwesto namin kaya ibinalik ko na rin sa kanya ang papel. Napansin ko namang wala itong dalang speaker. "Ginagamit pala ng ibang section 'yung speaker. . . Salar, manghiram ka nga muna kay Mingasca ng speaker. Kilala mo ba 'yon? Section Agoncillo. Dali, mag-excuse ka nalang sa teacher nila." Sunod-sunod ang pagkakasabi ni ma'am no'n. Ni hindi na nga ma-process sa utak ko. I hate to say this but does it really have to be me? Nilingon ko ang likuran ko kung nasaan si Reynalyn para sana magpasama pero nasa dulo ito at nakikipagdaldalan sa iba naming kaklase. I bit my lower lip and sighed as I started walking back to our building. Sino naman si Mingasca? At sino naman kaya ang subject teacher nila ngayon? Sana lang talaga ay hindi si ma'am Napoles, lalo na't nabalitaan ko kina Trisha na same lang pala ng math teacher ang section one, at sa amin. OMG section one. Agoncillo. Hindi ko alam pero ang idea na maari kong makita ang kaibigan nila Cedrick at Ken— na si Dre, bigla akong kinabahan. Pasimple akong sumilip sa bintana nila para tignan kung sino ang guro na nasa harap. Nakahinga ako ng maluwag nang makita si ma'am Elena, english teacher namin. Thanks God. Mabait naman si ma'am, masasabi ko ring close kami. Alam kong naghihintay si Ma'am Lani na maidala ang speaker kaya 'di na ako nagdalawa isip na kumatok sa nakasara nilang pinto. Tumikhim din ako para ihanda ang malakas na boses. Rinig ko ang pagkatahimik sa loob dahilan para manlamig ang kamay ko. It's okay. Estudyante rin ang mga nasa loob. You're good. Kinakalma ko ang sarili ko hanggang sa unti-unting bumukas ang pinto. Una kong nakita ang mga nakaupo sa harap at parang gusto ko nalang maging hangin nang makita si Dre na nakatingin din sa akin! Agad kong iniwas ang tingin sa direksyon niya at ibinaling kay ma'am Elena ang tingin. "Good afternoon po ma'am, sorry for enterrupting. . . excuse ko lang po si Mingasca?" Medyo nakahinga ako ng maluwag. Thank you naman. "Yes Salar, why?" Tanong ni ma'am. Malumanay lang ang pagkakasabi niya no'n. "Hihiramin lang po sana 'yung speaker niya, kung okay lang? gagamitin po kasi namin para sa p.e." Hindi ko maiwasang mapangiti ng maliit. That's right. you're good. Ang iniiwasan ko nalang ngayon ay mapatingin sa kanan kung saan ramdam ko ang tingin ng mga kapwa ko estudyante. Lalo na ngayon na, sa harap pa talaga nakaupo si Dre. He doesn't know me but Im reaaaally shy meeting his gaze. "Sige. Okay, where's Mingasca?" Sabi ko nga, hindi talaga maiiwasang mapatingin sa kaniya— kay Dre. Nasa likuran ang tingin nang lahat sa kanila kaya bago pa siya— si Dre magharap ng tingin ay sinubukan ko ring hanapin kung sino man ang Mingasca ang tinutukoy ni ma'am. Parang gusto kong tumawa nang tumayo ang lalaking nakaupo sa likuran. It was Lenard. Cedrick and Ken's friend. So his name is, Lenard Mingasca? Pumunta siya sa harap bitbit ang Bluetooth speaker. Nang iniabot niya ito sa akin ay mahina kong isinambit ang salamat without looking at his face or eyes saka nagpasalamat din kay ma'am. Walang lingon-lingon akong umalis ro'n at halos lakad-takbo na ang ginawa para bumalik sa ilalim ng puno kung nasaan ang mga kaklase. "Thank you." Sabi ni ma'am pagkatapos kong iabot sa kanya ang speaker. Bumalik na 'ko sa pila ko habang medyo natutulala pa. Why does it feel like I spent an hour standing there? Medyo nanginginig pa ang dalawa kong kamay. During our p.e, we just did some exercise. After that, we changed our outfits into our school uniform and went back to our room. Nang magbreak-time naman ay nawala ang pagiging hyper ko. Tahimik na 'ko at si Reynalyn naman ang dumadaldal sa akin. May dala siyang tinapay, gawa raw ng mama niya kaya 'yon ang pinagsaluhan namin. Sakto, wala ring tinda si Ragen ngayon na graham balls. Nagutom ako. Nakalagay sa tupperware ang ilang slice ng bread, dalawa lang ang nakain ni Reynalyn dahil nabusog na raw siya, kaya sa akin niya na ibinigay ang iba pa. At since ramdam ko ang gutom ko ay hindi na ako nag-inarte. Pinuno ko ang bibig ko ng tinapay. Like omg, ang sarap kasi. Problema ko lang ngayon ay tubig. Naubos na kaninang p.e ang tubig namin. Nakatagilid ang upo ko kaya habang may nginunguya-nguya ay hinarap ko ang bag ko na nakasabi sa upuan na nasa harap ko. Binubuksan ko na ang zipper ng bag ko para kunin ang wallet ko nang mag-angat ako ng tingin at saktong papasok ng room namin si Lenard, kasama niya si Dre! Automatic naman na nabulunan ako. Agad akong umiwas ng tingin kahit na inuubo pa at bara-barang binuksan ang bag. Iniabot ko agad kay reynalyn ang wallet habang nakahawak na sa dibdib at sumenyas na bumili siya ng tubig sa canteen. Kahit natatawa sa itsura ko ay kumaripas siya ng takbo palabas ng room. Naninikip pa rin ang dibdib ko. Damn. What are those two doing here? Ramdam at rinig ko ang ingay nila sa likuran ko. Shocks buti nalang ay lumipat ako sa tabi ni Reynalyn! But what the hell. I really need water now. Hindi na 'ko makahinga ng maayos. Mariin akong napapikit. Naramdaman ko ang presensya sa kanan ko but I didn't bother looking. Maingay si Reynalyn kaya agad kong malalaman kung nandiyan na ba siya or wala pa. But then, someone knocked my desk dahilan para mapadilat ako at bumungad sa akin ang isang zest-o. Matagal akong napatingin rito. Who the hell? I feel my chest throbbing kaya agad ko na itong ininuman. Nakatusok na rin kasi ang straw at mukang bagong bili pa dahil hindi pa gano'n kabawas. Babayaran ko nalang ang kaklase ko na nagmamay-ari nito. I sighed in relief when I finished drinking it. "What—pineapple..." Ngayon ko lang nakita kung ano ang flavor nito. I don't like pineapple, but it saved my life. Anyway, this will be the last time I'll drink with this flavor. Nilibot ko ang tingin sa room, maliban sa likuran ko dahil alam kong nandiyan pa sila. But who— maliban sa mga nasa likuran ko ay ako, si trisha na gumagawa ng activity sa kabilang row, at Evian at apat kong kaklase na nasa harap ang narito. Imposible rin na sila ang mag-iwan. "KEIIIITH" Humahangos na pumasok si Reynalyn sa room at tumakbo palapit sa pwesto ko dala ang tubig na pinabili. Tiningala ko lang siya habang hinihintay na maka-recover mula sa pagkahingal. Kinuha ko na rin sa kamay niya ang wallet ko at binulsa, pati na rin ang tubig na nabili niya saka binuksan at saglit na ininuman. "Oh? Sa'n galing 'tong Zest-O? 'Kala ko ba ayaw mo ng pineapple flavor?" Malakas ang boses nito kaya agad ko siyang hinila paupo sa tabi ko. "H'wag ka ngang maingay." Hanggang uwian na talaga ang pananahimik ko. Hindi naman ako galit o ano. Nasa mood naman ako pero wala akong ganang magsalita. Nagba-bye na si Reynalyn bago bumaba ng tricycle na sinasakyan namin—mauuna kasi siyang makababa. Phase one kasi sila, at phase four pa ang sa amin. Tumango nalang ako sa kanya at pinanood siya habang papalayo. Nang kinagabihan ay gano'n pa rin ang nangyari sa 'kin. There's a lot of thoughts floating inside my head like, where the hell did that juice came from? Im thinking of someone but I don't like getting my hopes high. Impossible na siya 'yon. Sobra. And why did I acted like that earlier?! Pa'no pag mapansin niya na dahil sa kanya ay nagulat ako?! No. Ha. There is no way. But that Dre... Is that really his name? I know it's just his nickname. Okay fine. Aaminin ko na. I kinda have a crush on him. Well, it's just because of his looks, duh. You know he's handsome, tall and looks soft. But there is no way that Im gonna tell that to my friends. That Dre. . . What the hell, now that I remember it, there's also someone three years ago that made me like this. He's unbelievably tall too. He made me this curious too. Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya pala familliar. Hais. It's him! I met him again. I guess my eyes will never fail looking for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD