KEITH
It's currently our music period. Actually, this is my favorite lesson. Si Ma'am Baron ang subject teacher namin rito, also, the way she is teaching the subject makes it more interesting. Kung ang ibang mga teacher ay gumagamit ng video samples from internet regarding the topic, itong si Ma'am Baron naman ay hindi. Minsan ay siya pa mismo ang kumakanta.
And she told us that she performed in a theater before, for some reason, she quited, and because she loves music, Ma'am Baron decided to teach related to her passion instead.
Our topic today are all about Maurice Ravel's composition which is 'Bolero'. May dalang speaker si ma'am at kasalukuyang iyon ang pinapatugtog.
"I want you guys to listen to this one and I'll be asking questions later."
Tahimik ang buong klase at tanging tunog mula sa speaker lamang ang maririnig. Honestly, I've heard of this composition before. It's one of the popular most popular. And I love it. Masarap pakinggan. It sounded much lively than Claude Debussy's.
After a couple of minutes, pinatay na ni ma'am Vera ang mini speaker at hinarap kami.
"So, anong masasabi ninyo? Maganda 'di ba?"
Yes.
Nakita kong nagtaas ng kamay si Kara. Sa first row siya nakaupo.
"Okay, Kara, what's your opinion about the composition? How was the mood?" Kara stood up confidently. Hinawi pa nito papunta sa likod ang kanyang nakalugay na buhok bago tuluyang makatayo.
"It was very relaxing to hear po, made my heart somewhat calm." Pagkatapos nito sumagot ay naupo na siya. Kara's one of the attentive student in this classroom. Kilala na siya ng mga guro namin. She's kinda friendly too, pati sa mga katabi naming section ay minsan kong nakita na kinakausap siya.
Although, there's one thing that my classmates doesn't like about her. Ayaw din sa kanya ng president namin, si Ragen. Lahat ng kaibigan ko, ayaw sa kanya.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang ito. Hindi ko rin naman masabi na gano'n din ako.
Kara seems to be a carefree person. Mas dikit siya kina Aron and April kapag nandito sa room. Silang tatlo ang laging magkasama.
"Mmm. Nice to hear that, Kara. So now, we still have fifteen minutes before the time ends, and I'm giving you three-to-five minutes to compose a lyrics using this composition, then you'll sing it infront of the class!" Pumalakpak pa si Ma'am Vera. Namutawi naman ang samu't saring reaksyon mula sa mga kaklase ko.
"Ma'am baka ma-discover kami ah tas lumabas sa TV!" Sabi ng katabi kong si Cedrick. Kaming magkakalapit lang na upuan ang nakarinig no'n kaya napatingin si ma'am sa direksyon namin nang mapansin ang iilan na natatawa.
"Alright. I'll give you an example. Ako muna ang kakanta."
Bagama't may iilan na nagrereklamo kesyo hindi raw sila marunong gumawa ng kanta at magsulat ng liriko, natahimik nalang ang buong klase ng muling mamutawi sa buong silid ang Bolero na sinasabayan pa ng soft na boses ni ma'am Vera, ilang segundo lang nang matapos siya saka nagpalakpakan naman ang lahat.
Isang verse lang ng english lyrics ang kinanta ni ma'am pero napakagandang pakinggan. I really love her voice. Ang Bolero kasi ay bagay sa kahit anong paksa ng kanta. Sad, love, or tungkol pa man sa happiness.
"Ano ba magandang isulat?" Rinig ko pang sabi ni Reynalyn.
"Dapat may inspiration, gano'n." Dagdag pa ng katabi niyang si Andy.
"Time starts now. Let's see kung sino ang may potential dito sa class niyo, Kahit anong theme ng lyrics ang isulat niyo. Okay lang kahit magdala pa kayo sa harap ng kopya niyo mamaya."
Napatingin na lang ako sa notebook na nasa harap ko. Pinatugtog ulit ni ma'am Vera ang Bolero.
"Ano ba isusulat natin, p're?" Sabi ng katabi ko, si Cedrick. Kausap niya si Ken.
"Malay ko.."
"Mas okay sana kung rap eh no?"
"Ba't kasi kailangan pa gumawa neto.." Rinig kong reklamo ni Ken.
Muka namang hindi narinig ni ma'am ang sinabi niya.
"May grades sa akin ang makakapagsulat at kakanta ngayon." Dagdag pa ni maam. Ang ilan ay ginanahan ngunit mas marami pa rin sa klase ang tila nabagsakan ng anong bagay sa paa dahil sa busangot nilang muka.
Do I need a grades? Kung tutuusin ay wala naman talaga akong paki sa mga grado ko. It doesn't define me as a person. But on a serious thought, kailangan kong makapagtapos, kahit papa'no.
"Tapos kana, Keith?" Napaangat ako ng tingin nang magsalita sa tabi ko si Cedrick.
Ibinalik ko ang tingin sa harap bago tahimik na tumango.
Pansin ko ang pagkagulat nito pero hindi nalang nagsalita. I finished first.
Pero wala akong planong kumanta sa harap. Nagkunwari na lamang akong may sinusulat dahil baka mamaya ay mapansin pa ako ni ma'am.
Hay. Sana matapos na ang araw na ito. I just want to lay in my bed all day. Doing nothing. Kaso may dalawa pa kaming subject na natitira. Nauna na rin palang matapos ang math subject kanina.
Syempre ay hindi 'yon magpapahuli.
"Okay class, tapos na daw si Kara... Kara you can come infront now. For those who are not yet done, ipagpatuloy lang, but lend your ears to Kara, okay?"
I saw Kara stood-up confidently. Nakangiti pa itong nakaharap sa buong klase. Wala rin siyang hawak na papel na pinagsulatan niya ng kanyang lyrics— she really did memorize.
Ibinalik mula sa pinakauna ang tugtog na sinundan naman ng kanyang boses.
"Say..."
Nang matapos siya ay agad ding naupo. Well, her voice is kinda like, uhm.. matinis? Parang iniipit niya ang boses niya pero maliban naman doon ay hindi siya sintunado or what. Tugma ang liriko sa Bolero.
"Kara, the lyrics are nice."
"Thank you, ma'am!"
"Also, I heard you're related to Jessa Valeria?"
"Yes po, ma'am. Tita ko po.."
Tumango-tango si ma'am. "I see."
Nag-react naman ang iilan kong kaklase. Nagulat sa bagong nalaman. Kahit ako rin naman ay hindi inaasahan yon, hindi lang halata sa muka ko.
Si Jessa Valeria, ay isa sa mga contestant ng Talent Show na sumisikat ngayon. Siya ang grand winner noong nakaraang season. Napanood ko ang ilan sa mga performance niya. She sang "Titanium" and nailed the part kung saan ay kailangang taasan ang boses. Guess she deserved the win.
Maya-maya pa ay nakarinig kami ng katok kaya lahat ay napatingin sa nakabukas na pinto at gano'n na lang ang gulat ko nang makita siya. Si Dre!
"Hala OMG. Bakit hindi niyo sinabi sa akin na lagpas na pala ang time ko sa inyo?"
Nagtawanan ang iilan nang mataranta si ma'am Baron.
"Osiya. Nandito na ang sundo ko. Iho, pakikuha mo naman itong speaker."
Nakita kong napakamot siya sa batok bago tuluyang makapasok ng room namin at dinampot ang iilan sa mga gamit ni ma'am. Bago siya lumabas ay napalingon siya sa direksyon ko.
Sa akin? I tilted my head.
Katabi ko sa upuan ang mga kaibigan niya. Sila Cedrick at Ken. Malamang ay sila ang tinignan at hindi ako!
Gusto kong batukan ang sarili. Medyo nagiging asyumera na ako. Hindi naman ako ganito dati.
Still, I met his eyes, saglit lang. Nag-iwas kasi agad ako ng tingin!
"Alright, goodbye Luna. See you next week. Sa next meeting ay magtatawag ako ng limang kakanta, okay? Kahit ilan. Kung sino ang willing diyan."
Nang makalabas si ma'am kasama si Dre, ay nakahinga ng maluwag ang ilan.
Wala pa ang sunod na subject teacher, lagi naman 'yong late kaya nagkakalat ang mga kaklase ko sa buong classroom, buti nalang din at hindi gano'n kaingay. Unlike, sa grupo nila Carl, Andy, at Kara na sa harap banda nakapwesto at nangingibabaw ang tawanan.
I sighed out of boredom. I wanna rest. Napasandal nalang ako sa upuan ko at napapikit.
"Iba talaga 'yang si Kara. Napuri pa ni ma'am kanina sa lyrics niya, akala mo naman sa kanya lahat yung idea. Narinig ko siyang nagtanong sa matabi niya kung tama ba 'yung phrase eme!" Dinig kong sabi ni Trisha.
Hindi malakas 'yung boses niya pero sapat na para marinig ko. Tumabi siya kay Reynalyn since nasa harap naman sila Aron na siyang dapat nakaupo sa inuupuan niya.
Narinig kong tumawa lang si Reynalyn.
I sometimes see her hanging out with those three. Sa pagkakaalam ko ay kaklase niya rin ang tatlo last year. Guess they formed a friendship pero minsan ay naririnig ko ang pagrereklamo niya sa ugali nila Kara.
Bida-bida raw.
Mmm. Pansin ko rin na iba ang ugali ni Kara. Si Andy at Carl ay gano'n din minsan. My other classmates hates them because they stand-out. I guess bida-bida nga.
I don't hate them, but I don't like them either. Wala naman akong magagawa sa ugali nila kahit pa dumagdag ako sa mga naaasar sa kanila. Actually, buong klase ay may masasabi talaga sa tatlong 'yon.
Tho, one thing is for sure.
I envy them.
Siguro nga hate ko 'yung part na nagagawa nila ang gusto nila ng walang ibang iniisip. I really envy those people who seems to be free, and are able to do things what they like to. I hope they don't waste those chance..
Samantalang ako, wala na yata akong pag-asa. I love music. I can't explain the feeling but I feel like Im in a different world everytime I listen to some of it.
Also, my mother seemed to dislike everything that I love. Ewan ko, madalas ay nakikita ko ang ilan kong gamit sa basurahan. Hindi ko naman siya magawang tanungin. I really can't read my mom.
I tilted my head to the side. Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip.
Natapos na ang buong klase ngayong araw. Nakaupo lang naman ako maghapon pero pakiramdam ko ay umakyat ako sa bundok sa sobrang pagod. Gusto ko nalang mamahinga.
Nag-bell na, inaantay namin makalabas lahat ng kaklase namin since si Ragen nga ang taga-lock ng pintuan. Saktong paglabas ko naman ng pinto ay napahawak ako sa dibdib ko ng biglang pagtingin ko sa gilid ay nakita ko siya. Si Dre.
Nakatingala ako sa kanya at dahil matangkad siya ay medyo nakayuko siya sa 'kin. I can't read the emotion on his face. Kumukurap-kurap lang siya, siguro ay nabigla din sa paglabas ko sa pinto.
Ako nalang ang nag-iwas ng tingin at naglakad papunta sa hagdan. Dito ko na lamang hihintayin sila Reynalyn.
Nasa loob pa nga pala ng room ang mga kaibigan niyang sina Cedrick at Ken. Inaantay niya siguro. Oo nga pala, hindi ko nakita 'yung isa nilang kaibigan, yung Lenard.
Napasandal nalang ako sa railings ng hagdan. Ang tagal naman nila. Paubos na ang mga estudyante sa school. Balita ko pa naman ay may sinapian daw na student dito no'ng nakaraan. There's part of me who doesn't care pero baka lang naman kasi diba...
Nakakatakot din.
Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng mga boses. Umayos ako ng tayo at hinintay na makalapit sila sa pwesto ko rito.
"Hindi yata kita nakitang may dalang Dragon Balls, Ragen?"
Boses ni Dre.
"Ah oo, wala na 'kong time sa paggawa. Puro reportings kami, tapos ako pa leader."
"Ah kaya pala.. hirap talaga maging leader. Lahat nakaasa sa 'yo tapos 'yung iba, hindi pa nakiki-cooperate."
"HAHAHAHA 'yung iba talaga gano'n."
Si Ragen at Dre ang tanging naririnig ko na nag-uusap. Kailan pa sila naging close? Parang ang tagal na nilang magkakilala..
Well, wala naman akong paki. But I think I have to act better infront of them, lalo na't mukang friends sila ni Dre. Baka mahalata ako!
But who cares? I think they know naman na Im totally awkward with other people so, even if I freak out while he's here, no one will notice. Yes, ayun na nga.
"Huy nasa'n na si Keith? Biglang nawala kanina." Boses naman ni Reynalyn ang narinig ko. Again, I sighed. Nandito lang naman ako.
Kung binilisan niyo sana ang lakad e, gusto ko ng magpahinga.
"She's wearing headband, right?" Rinig kong ni Dre. Napataas naman ako ng kilay at napahawak sa ulo ko. Im wearing a headband with small beads on it.
Rinig ko ang papalapit na sila kaya naghanda na 'ko bumaba.
"Nauna na yatang makab—"
Muntik na 'kong mapaatras at sa tingin ko ay mahuhulog pa 'ko sa hagdan kung hindi ko napigilan nang bigla na naman siyang sumulpot!
Sino ba naman ang hindi magugulat sa tangkad na ito? Pinigilan kong magpakita ng anumang emosyon sa muka at agad na tumabi kay Reynalyn.
Nasa pinakalikuran kami, as usual.
Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Hindi ko mawari basta ay mabilis ang t***k ng puso ko ngayon. Could it be?
What, may mangyayari ba? Argh. I hate my mind. Mahohold-up ba kami mamaya? No way.
Nasa grounds na kami at palabas ng gate. Parang gusto ko ng lumayo. Bakit kasabay namin sila Dre sa paglalakad?
Ako naman ang napakapit sa braso ni Reynalyn at sinadyang bagalan ang paglalakad.
"Teka, bagalan naman natin. Ang sakit bigla ng paa ko." Idiot. Sa aming dalawa ay ako pa nga ang laging mabilis ang lakad pero mukang naniwala naman si Reynalyn sa palusot ko.
"Ay mero'n kaming all-rounder dito." Rinig kong sabi ni Ragen sabay tingin dito sa likuran, parang may hinahanap.
"Oy, ambagal niyo naman." Huminto siya sa paglalakad. Gano'n din ang ibang kasabayan at hinintay kami ni Reynalyn na makalapit. I bit the insides of my cheeks when I caught him looking at me. dahilan para magkatitigan kami saglit.
Wala yata syang planong umiwas ng tingin kaya ako na ang gumawa.
"Ano ba 'yan, 'te. Pagong lang?" Salubong ni Trisha nang tuluyang na kaming nakalapit. Natawa naman ang katabi ko.
"Ang sakit ng likod ko e." This time, totoo na ang dahilan ko. Ang bigat ba naman ng backpack ko. Eh no choice din.
"Pabuhat mo kay Reynalyn 'yang bag mo." Tatawa-tawa pang dagdag nito dahilan para mahampas siya ng katabi ko.
Muli ay nag-umpisa na kaming maglakad. Kaming tatlo nila Trisha ang magkakatabi. Si Ragen, Cedrick, Ken at Siya ang nasa harap namin kaya hindi talaga ako tumitingin sa harap.
Si Laura naman ay hindi ko na nakita. Malamang ay nauna na 'yon kasama ang kanyang boyfriend—jowa.
Uh, im still learning how to use words.
Naririnig ko ang usapan nila sa harap pero hindi ko iniintindi. Sa halip ay itinuon ko ang atensyon sa mga nadadaanan.
May nakasalubong kaming mga bata, halatang sa kalye nalang ang mga ito nakatira. Naghahabulan sila at naglalaro. Maliit akong napangiti. Good to know that even in their situation, hindi naging hadlang 'yon para ma-enjoy nila ang kabataan.
How nice is it to be a kid.
Not in my situation tho. I'd rather be peacefully asleep.
"Eto nga si Keith, kahit ano sabihin mo diyan." Bigla kong narinig pangalan ko at dahil sa curious kung anong pinag-uusapan nila ay pasimple akong nakinig.
"Di na. Baka marami pinapagawa sa inyong assignment tapos busy." Rinig kong sabi niya. Nangunot ang noo ko. Anong meron?
"Ay diba marami namang girls sa inyo?"
"Ah— ano, may mga videos na yung iba kaya ekis na, tas 'yung iba naman may mga partner na. Medyo alanganin pag magtanong."
"Kailan ba submission niyan, Dre?" Boses naman ni Cedrick ang narinig ko.
"Sa August twenty-seven pa naman.."
"Sus, anong petsa palang ngayon ah? Sa katapusan pa pala eh." —Cedrick
"Syempre, isang linggo sa paghahanap ng partner tapos isang linggo sa pag-practice at sayaw, isang linggo sa pagedit ng video. Three weeks lahat 'yon. "
"Gago, ikaw lang 'yung may ganyang schedule."
Okay. Hindi ko pa rin gets ang pinag-uusapan nila at kung bakit nabanggit ang pangalan ko.
"Itong dalawang babaita naman ay hindi pupwede dahil yung isa, baka magselos ang crush, at 'yung isa... ewan ko diyan." Napalingon na naman sila dito sa likuran.
Dapat bang ako nalang ang magpahuli ng lakad?
"Ano ba 'yon? Bakit? Kung ano man 'yan ay ayoko din, isa akong anak ng mafia boss na hindi sumasali sa mga ganyan. Gusto niyo maheadshot?" Dire-diretsong sabi ni Trisha. Napatawa ang mga nasa harap. Pati si Ken na nananahimik ay gumalaw ang balikat.
Trisha boang.
"Well ewan ko lang dito kay Keith."
I was caught off-guard.
"H-ha?"
"Gaga, etong si Andrei naghahanap ng partner para sa waltz na sayaw nila!" Ilang segundo akong nablangko.
Andrei. Waltz. Sayaw. Partner.
Okay. He's name is Andrei and not Dre.. second, he needs a partner for their waltz dance kemeru. Oh, tapos? Anong kinalaman ko diyan?
"A-ano... magvivideo lang naman! Hindi actual na sasayaw sa harap ng mga tao..." Napatingin ako sa kanya. Okay, I'll stick with Dre nalang, mas madaling bigkasin. Nakahawak siya sa batok at nasa harap na ang tingin.
"Ano, teh? Go na." Nasa kanan ko na si Ragen.
"Inaaya ka na ng sayaw, o. Minsan lang 'yan." Dagdag pa ni Trisha.
"Pogi na 'yang nag-aya sa 'yo Keith! 'Wag mo sayangin ang pagkakataon. Minsan lang naman!"
Napapikit ako. Hindi nakakatulong ang mga pinagsasabi nila. Saka bakit naman ako? eh ang dami daming estudyante sa school namin. Sunod-sunod na senaryo ang mga pumasok sa utak ko habang iniisip ang posibleng mangyayari kung sakaling pumayag ako.
Napahawak ako sa magkabilang tenga. Ang init!
"T-tignan ko pa... baka kasi busy t-tapos maraming ipagawa nga..." I really tried my best not to stutter but then I failed. Dang, these people, pa'no pa kaya 'pag nalaman nilang hinahangaan ko ang lalaking nasa harap namin!
"Uy Andrei, rinig mo 'yon? Undecided pa 'to..."
Umiwas ako ng tingin nang lingunin niya kami rito sa likod.
"Okay lang naman. Ah— hintayin ko response mo, sa susunod..." I tried looking at him and nodded. Umiwas din ako kaagad ng tingin habang siya ay diretso na ang tingin sa harap.
Ang ingay ng dalawang katabi ko sa gilid pero wala roon ang atensyon ko.
I just had a convo with my c-crush...
Was that even—? Siya lang naman ang nagsalita.
Well, then, he talked to me.. and even asked me to be his partner. What the hell. Luck is on my side this time, ha.