Avice POV
"I'm gonna go fishing Walter, stop following me."
Kasalukuyan kong inayos ang mga gamit ko saaking sasakyan at ang aga aga naiinis ako dahil sunod ng sunod saakin si Walter. As if something will happen to me here, napapaligiran ang lupain ko ng mga tauhan ko tanga nalang ang pupunta rito para pag bantaan ang buhay ko.
Napangisi nalang ako ng maalala ang nangyari kagabi.
That one was stupid, I guess.
"You can't be alone, someone already entered your territory without your permission. I'm afraid it will happen again." Inis na napabaling ako ng tingin kay Walter ng marinig ko ang sinabi nito.
"And that's because of your failure. 4,850? What a joke." Ayoko munang magalit ngayong umaga at alalahanin ulit ang nangyari kagabi dahil naiinsulto pa rin ako pag naaalalang may tumawag saakin na pangit. Damn her, is she blind?! Tss.
"Atleast let me stay by your side ma'am. I'm here for your protection. "
" I don't need protection. " Marinig wika ko rito.
" I know, but--" Natigil ito sa pagsasalita ng mabilis akong kumilos upang makuha ang handgun na nasa bewang niya at marinig ang pag kasa ko ng baril at itinutok sakanya.
"Who am I?" I asked him coldly, I saw how sweats started to form on his forehead as he raise both of his hands as if surrendering.
"Don't test my patience Walter. I'm just being nice, you should know your place." Mariing wika ko rito bago ito tinalikuran at sumakay sa sasakyan. Kitang kita ko pa sa side mirror kung paano ito dahan dahang napaluhod tila nanlambot ang tuhod dahil sa nangyari.
Just one word from me should be enough for him to obey me but seems like he's forgetting something, tss.
Kasalukuyan na akong nag aayos ng mga gamit ko dito sa favorite place ko so that I can start fishing. Dahil maaraw na mas napapag masdan ko ang kabuuan ng lugar, napakaganda talaga. Rinig na rinig ko ang mga huni ng ibon, lagaslas ng tubig, mga nag sasayawang mga dahon dahil sa hangin. This place is so damn wonderful.
Pumikit ako habang dinadama ang preskong hangin na tumatama saaking balat, at napangiti na lamang ako ng muli kong idinilat ng makitang gumagalaw ang fishing rod na isinalang ko kanina.
Agad akong tumayo sa kinauupuan at lumakad palapit rito upang tingnan kung may nahuli ba akong isda, I smiled widely ng makitang meron nga, at napakali nito.
I guess tama ang naging desisyon ko na dito pumwesto dahil mukang marami at malalaki ang mga isda rito. Actually malapit na itong lugar na pinagpuwestuhan ko sa boundary ng aking lupain kitang kita mula rito sa pwesto ko ang pangpang sa kabila, isang tawiran ko lamang at ako naman ang matatawag na trespasser.
Kinuha ko ang isda upang ilagay sa lalagyan , ngunit bago ko pa ito mailagay sa lalagyan may tumama ng arrow rito kaya naman nabutas ito at tumulo ang mga tubig na nasa loob.
Agad kumuyom ang aking kamao ng makita ang nangyari at sinundan ng tingin ang pinanggalingan ng arrow kung saan dahan dahang lumabas ang isang babae sa likod ng napakalaking puno sa kabilang pangpang.
"Oh, I'm sorry my hand slipped." She shouted but I can see a smirk forming on her lips.
Kinuha ko ang arrow na nakatusok sa lalagyanan ko at pinagmasdan itong maigi. It's not a normal arrow, the tip was poisoned.
I looked at her coldly at tanging ang sapa na lamang sa pagitan namin ang pumipigil na malapitan ko siya at isaksak sa nakangisi nyang pagmumuka ang arrow na hawak ko.
I can see how her smirk instantly faded nang makita niya ang pagkuha ko ng handgun na nakatago sa aking bewang.
Binali ko ang kanyang arrow gamit lamang ang isa kong kamay at tinapon sa sapa bago ikinasa ang hawak kong baril
"W-wait! I'm just out here for a hunt. It's not my intention, there's a deer who's running in this direction just a few moment a-go. I didn't know there was someone h----"
Natigil ito sa pagsasalita when I pulled the trigger, sobrang lapit lamang sakanyang mukha kung saan kitang kita ko pa kung pano gumalaw ang kanyang buhok dahil sa hangin at mabilis na pagdaan ng bala na pinakawalan ko na tumama naman sa puno sakanyang
likod.
"Ow, my hand slipped too." I said coldly while looking directly at her eyes.
Imbis matakot tila natuwa pa ito sa nangyari dahil halos ang tawa na lamang niya ang maririnig sa kabuuan ng lugar. Nangunot ang noo ko ng patuloy pa rin ito sa pag tawa at halos napapahawak pa ito sa kanyang tiyan dahil sa sobrang pagtawa.
Tiningnan ko lamang ito hanggang sa tuluyan na itong tumigil, nakita ko pa kung paano niya punasan ang butil ng luha sa gilid ng kanyang mata dahil sa katatawa.
Is she crazy?
Nang macompose na niya ang kanyang sarili, huminga muna ito ng malalim bago binalik ang tingin saakin. She was just smiling widely while looking at me.
"I like you." Hindi ko mapigilang pagtaasan ito ng kilay ng marinig ko ang kanyang sinabi.
"I'm Alessia Armani." Pakilala pa nito, habang unti unti napapalitan ng ngisi ang kanyang ngiti sa labi.
"I want you, are you single? If not, break up with him or her or whatever. I am much better." She said without breaking eye contact with me I can feel it from here, her oozing confidence.
I just tilted my head and didn't say a word, which make her smirk grew more visible I also saw how she bit her lower lip. I followed her gaze that was now locked on my neck.
"I'm willing to go naked here just to taste that sexy neck of yours sweetheart."
Manyak.
I facepalm, hindi ko na mapigilan at napatawa na lamang ako dahil sa narinig.
"You're crazy. " I said as I look at her again.
" Am I? " She asked still smirking.
" Remove your clothes and try to come near me. "
Hamon ko rito na agad naman niyang tinawanan. Akala ko titigil na ito sakanyang mga pinagsasabi dahil sa sinabi ko ngunit natigil na lamang ako ng makita kung paano niya bitawan ang hawak niyang bow at ilapag ang mga arrows na nasa likod niya sa lupa.
Kasunod nun ay ang dahan dahan niyang pag angat ng kanyang suot na pang itaas habang nakatingin sakin.
Kitang kita dito kung gaano kakinis ang kanyang balat ng maiangat na nya ang laylayan ng kanyang damit. Tila nanuyo ang lalamunan ko at napalunok na lamang ako, hindi pa man nya tuluyang naiaalis ang kanyang pang itaas na kasuotan pero parang tuluyan ng nag init ang paligid.
Agad akong napatingin sakanyang muka ng makitang tumigil ito sa ginagawa at ibinaba muli ang kanyang kasuotan. Kung kanina malawak ang kanyang ngisi may mas ilalawak pa pala ito.
"Pervert." Nakangising wika nito bago pinulot muli ang bow and arrow niya sa lupa at tumalikod na saakin upang magumpisang maglakad hanggang sa tuluyan na nga siyang nawala saaking paningin.
Napapikit na lamang ako habang humihinga ng malalim.
Naiinis ako. Sagad na sagad na ang pasensya ko.
Pervert? f**k.
Siya itong kung ano anong sinasabi tapos may balak pang mag hubad sa harap ko tapos ako pa itong sasabihan ng pervert?
Tangina.
"Argh!" Napasigaw na lamang ako dahil sa frustration. I swear to God if I ever saw her again I'll make her kneel before me. That girl.
She's the worst, tss