Chapter 15

1137 Words
Lunch time ngayon at kasalukuyan akong nasa isang fine dining restaurant. Tumawag saakin kanina si Alessia dahil gusto nitong makipag kita at may pag uusapan raw kami about sa gaganaping party ng kanyang Ina. Dito namin napag-usapang magkita dahil malapit lamang itong restaurant sa kanyang pinagta-trabahuhan at eto din ang pinakamalapit na restaurant sa unibersidad. Sumimsim ako sa wine habang iginagala ang tingin sa paligid, napadako ang aking tingin sa babaeng eleganteng naglalakad palapit saakin. Nakacorporate attire ito hindi katulad ng mga una naming pagkikita. She looks professional right now, at hindi maitatanggi na napakaganda nito sa suot nito ngayon. "Hey sweetheart." Nakangiting bati nito saakin bago humalik saaking pisngi at umupo sa upuan sa harap ko. "Hey, I already ordered our lunch but you can still add some if you like, it's on me." Wika ko rito, ngumiti lamang ito at nagpasalamat. "Sorry if I am such a bother I just want to talk about what we should wear for the party." "You're not a bother, but I think you can just tell it to me over a phone call." " I actually want to see you." I bit my lower lip as I heard what she just said. Tumatango-tangong ibinaling ko ang tingin sa mga waiter na kasalukuyang inilalapag ang inorder kong mga pagkain sa table namin. "So, what are we gonna wear?" "You're my date. So I want us to wear a matching dress." Mabilis na napabaling ang tingin ko rito at tinaasan ito ng kilay. "I don't wear dresses." Tipid na wika ko rito. I heard her giggle at my sudden response. " My bad, I mean the color. You know? Uhm, gusto kong magkasama tayong bibili ng susuotin natin para sa party. " Agad na bawi nito. " That's fine with me, so when is it? " " Friday night? " " Sure I'm in. " " Great! But if you'd like I want it to be color black, it's my favorite color" Masayang wika nito . " That's fine with me, it's also my favorite color. " " Really? That's good then, I can't wait for Friday night. You'll be my judge on what dress will look better on me. " " Everything look good on you. " " Just good? " Nakangusong wika nito. " Pretty good. " Napapailing na wika ko rito, na agad namang nagpatawa sakanya. " I know right, by the way let's eat. I don't want you getting late on your class." Wika nito. Nag-umpisa na kaming kumain, tahimik lang kami habang kumakain. Pinagmamasdan ko itong kumakain habang tahimik na sumisimsim sa aking wine ng mahagip ng tingin ko ang taong naka-upo sa di kalayuan sa table namin. It was Ygritte. Nag-iisa lamang ito sa lamesa habang hawak ang cellphone nito na nakadikit sakanyang tainga. Kita ko ang maliliit na pag-galaw ng labi niya indikasyon na may kausap ito sa telepono. Hindi rin nagtagal ibinaba na niya ang cellphone niya, kasunod naman noon ay ang paglapit ng isang lalaki sa puwesto niya. Agad nangunot ang noo ko ng makita ang paghalik ng lalaki sa pisngi ni Ygritte at umupo ito sa harapan niya dahilan para hindi ko na makita ang reaksyon ni Ygritte dahil natatakpan na ito ng likod ng lalaki. Nanatili ang titig ko sakanila, pinapanood bawat galaw ng lalaking kausap niya. Hindi ko nakita ang itsura ng lalaki dahil nakatalikod ito ngunit pamilyar ang tindig nito. Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng mensahe para kay Ygritte. Me Where are you? Napansin ko ang kamay ni Ygritte na kinuha ang kanyang cellphone na nakalapag sa lamesa. Hindi rin nagtagal at nakatanggap ako ng mensahe mula sakanya. Ygritte: I'm at a restaurant right now, hmm. Why? Me: With whom? Ygritte: A patient of mine we're just discussing about his condition. Me: You're meeting your patient at a restaurant, not to your hospital? Such a caring doctor huh. Ygritte: You sound jealous love, haha. He's also a friend of mine. "Are you okay?" Nabaling ang atensyon ko kay Alessia ng magsalita ito. Inilapag ko ang cellphone ko at muling sumulyap ng tingin sa pwesto nila Ygritte bago muling tiningnan si Alessia. "I'm fine, you done?" Tanong ko rito at tumingin sa plato niya na wala na ngayong laman. "Yes, thank you for the meal sweetheart." Nakangiting wika nito. Saglit pa kaming nagkwentuhan bago napag-pasyahang umalis na sa restaurant. Balak ko pa sana itong ihatid sa workplace niya ngunit tumanggi na ito dahil dala din daw niya ang kanyang sasakyan at masyado na raw syang nakakaabala saakin which is hindi naman. Pinanood kong umandar paalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa sasakyan ko at muling tinanaw ang loob ng restaurant kung saan kitang kita ang pwesto ni Ygritte at ng kasama niyang lalaki. Malayo sila kaya kahit nakaside view na ito hindi ko pa rin makita ng maayos ang muka pero pakiramdam ko talaga ay kilala ko ito. Naghintay pa ako ng ilang minuto habang pinapanood sila hanggang sa marinig kong mag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakitang si Ygritte ang tumatawag kaya naman muli kong ibinalik ang tingin ko sakanya sa loob ng restaurant, naka upo lamang ito habang hawak ang telepono sakanyang tainga, wala na ang lalaking kasama nito kanina kaya naman mabilis kong iginala ang aking tingin sa paligid hinahanap ito ngunit wala na ang bakas nito. Napabuntong hininga na lamang ako at sinagot na ang tawag. "What took you so long?" Bungad nito saakin ramdam ko pa ang pagkainip sa boses nito at nakakasigurado akong nakanguso ito ngayon. "I was driving." Tipid lamang na wika ko rito habang nakatingin pa rin sakanya sa loob ng restaurant. "You have class?" Nagbago ang tono nito, tila naging malambing. "I have." "Uhuh, can I go to your house later after your class?" "Why?" Tanong ko rito, kita ko kung paano niya mabilisang ininom ang wine na hawak bago muling nagsalita. "Uhm, to eat dinner?" May pag-aalinlangang tanong nito kumunot naman ang noo ko dahil rito. Is she shy? "You'll cook for me?" "Can I?!" Tila biglang sumigla ang boses nito na agad namang nakapag pangiti saakin. "Just don't put poison on it." I can hear her sweet giggles on the other line. "Airhead! So we'll eat dinner together later then? Should I fetch you in your school?" Ramdam ko ang ngiti nito sa labi habang nagsasalita kahit malayo ito saakin. "No, I'll fetch you instead." "Hmm, okayy." I laughed at her response. "Why are you laughing?!" Rinig ko naman ang inis nito sa boses niya, napapailing na lamang ako at inumpisahan ng paandarin ang sasakyan. "Nothing, I'll gotta go now. I'll see you later." "Yes, see you later Zen." Mahinang wika nito sa kabilang linya. "Yeah, take care Ygritte." Huling wika ko rito bago pinatay ang tawag at nagmaneho na pabalik sa unibersidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD