Chapter 16

1869 Words
Natapos ang buong klase ngayong araw ng wala naman masyadong ginawa dahil first week pa lang naman kaya hindi gaanong nagtuturo ang mga instructor ngayon. Hindi ko na muling nakita si professor Walton matapos ng aming pag-uusap kanina, ngunit nakita kong lumabas sa office niya kanina si Ara ng dumaan ako para kumuha ng libro dahil malapit ang library sa office nito. Yes, alam ko na ang pangalan nito. Ara Carter, kilala siya sa buong unibersidad dahil isa pala itong varsity ng volleyball at usap usapan rin na matagal na niyang pinopormahan ang propesora, ngayon lang siya naging mas active sa pagpapakita ng nararamdaman sa propesora marahil ay dati bawal ang student and Professor relationship pero ngayon ay mas open na ang unibersidad sa mga ganitong relasyon dahil syempre ako ang nag-patupad for future purposes pero iba ang nakikinabang, tss. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo at nakitang mag aalas-sais na pala ng gabi. Kanina pa tapos ang klase pero tumambay muna ako rito sa mini garden at natulog ng dalawang oras. Masarap kasi tumambay rito dahil presko at malilim. Tumayo na ako at nag-inat bago kinuha ang mga gamit ko na nakalapag sa damuhan. Susunduin ko pa nga pala si Ygritte. Bakit nga ba ako pumayag sa dinner na alok nito kanina? Wala naman akong balak na imbitahan siya sa bahay lalo pa at doon din naninirahan ngayon si Coven, ayokong magkita ang dalawa. Hindi kilala ni Ygritte si Coven but that guy knows her. Sumakay na ako saaking sasakyan at pinatakbo ito patungong hospital kung saan pag mamay-ari ni Ygritte. Hindi na ako umakyat sa office niya at hinintay na lamang siya sa lobby. Ang sabi ng secretary niya ay may on going operation raw ito na kanina pa pala nag simula alas tres ng hapon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tapos. Kita ko rin na pawang busy ang lahat ng mga tao sa hospital dahil may mga nurses na kaliwa't kanan na nagtatakbuhan at mukang nagmamadali habang dala dala ang mga importanteng kagamitan ng hospital. May aksidente palang naganap hindi kalayuan sa hospital kaya maraming tao ngayon, dalawang bus raw at halos lahat ng sakay ay sugatan, may iba rin na mga nadamay sa salpukan kaya naman marami talagang mga pasyente ngayon at hindi na ako magtataka kung bakit alas nuebe na ng gabi ay wala pa rin si Ygritte. Inaabala ko na lamang ang sarili sa pag lalaro ng mobile games habang hinihintay siya. Hindi ko ugaling maghintay ng ganito katagal, pero ayoko namang umalis nalang ng wala manlang paalam. Medyo nagugutom na rin ako dahil anong oras na at hindi pa rin ako kumakain. Umangat ang tingin ko ng makitang may nakatayo sa aking harapan. "H-hey." Nahihiyang bati ni Ygritte. Suot pa rin nito ang mahabang white coat niya, magulo ang naka-ponytail nyang buhok, may mga butil ng pawis sa noo, medyo hinihingal pa marahil sa pagtakbo papunta rito, muka rin syang pagod na pagod dahil namumungay na ang mga mata nito. Mukang katatapos lang ng operation niya at pumunta siya agad rito kahit hindi pa siya nakakapag-ayos ng sarili may bakas pa nga ng dugo yung suot nyang coat ngayon. Pero maganda pa rin. Sobrang ganda pa rin. "S-sorry kung pinaghintay kita, hindi na kita nasabihan dahil nagka-emergency. " Kagat nito ang labi ng matapos mag-salita. Nakatitig lamang ako sakanya habang nanatiling naka-upo sa upuan, nag-iwas ito ng tingin saakin. " K-kung okay lang p-pwede bang ituloy pa rin natin ang dinner kahit late na? I already promised that I'll cook for you tonight. " Namumula ang pisnging wika nito, hindi pa rin makatingin saakin ng diretso kaya naman tumayo na ako at hinawakan ang balikat niya upang iharap saakin. " D-don't look. I look so ugly right now. " Agad nitong binawi ang kanyang balikat at tinalikuran ako. Balak pa ata nitong maglakad palayo saakin ngunit hindi ko na pinayagan ito. Hinawakan ko ang braso niya at hinila palapit saakin, dahilan para mapaharap na sya ng tuluyan. " Zen! " Kita ang gulat sa muka nito lalo na at sobrang lapit namin ngayon sa isa't isa. Inabot ko yung panyo ko na nakalapag sa inuupuan ko kanina at dahan dahang pinunasan ang mga butil ng pawis niya sa noo. Tinanggal ko rin ang tali niya sa buhok, at inayos ang pagka-katali nito. Pinapanood lamang niya bawat galaw ko walang salitang lumalabas sakanyang mga bibig. Tinanggal ko rin yung white coat na suot niya at pinasuot sakanya ang jacket ko, bagay naman ito sa dress na suot niya ngayon kaya okay lang. "Let's go." Nang matapos ay hinawakan ko ang kamay nito at nag-umpisa na maglakad ngunit nanatili lamang itong nakatayo sa puwesto niya at hindi naglalakad kaya naman napahinto ako. "What's wrong?" Tanong ko rito at inangat ang muka niya dahil kasalukuyan siyang nakayuko ngayon. "N-othing, thank you." Kita ko ang mabilisang pag-pahid niya sakanyang luha at ngumiti ng matamis saakin ng salubungin na nya ang titig ko. Nabitawan ko ang kamay nito nang mag-umpisa na syang maglakad. "C'mon Zen, let's go! Ipaglu-luto pa kita ng marami, dahil rinig ko na mga alaga mo sa tiyan." Tumatawang wika nito, napatingin naman ako sa tyan ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman, siguro ay tyan niya yung tinutukoy niya. Napapailing na sinundan ko na lamang ito. *** Kasalukuyan akong nagda-drive ngayon pauwi sa mansion, nasa passenger seat naman si Ygritte kanina pa ito kwento ng kwento tungkol sa naging operation niya kanina, tanging tango lamang ang mga response ko sakanya dahil nakatutuok ako sa pagmamaneho. Isa palang dating senator ang pasyente niya at may brain tumor ito, naging successful naman ang pag-opera niya na inabot rin ng mahigit anim na oras kaya pala marami ring men in black na nakapalibot sa labas ng hospital kanina dahil may bigating tao ang nasa loob. "I was so scared during the operation dahil ito ang pinakamalaking nahawakan kong operasyon lalo na't isang kilalang tao ang pasyente ko. Nakakatakot magkamali dahil napapalibutan kami ng mga tauhan niya sa labas ng operating room." " Para bang oras na hindi maging successful ang operasyon, we're all dead. They have guns like what the hell? It's a public institute, a goddamn hospital so why bring guns?" Tumaas ang kilay ko ng marinig ang sinabi nito. " Did they threaten you? " Tanong ko rito na agad niya namang inilingan. "No, I already let them do what they want but I won't let them threaten me. And I can't be threatened, this is my job. I save people, I was trained for this. And I am confident with my work. " I smirked when I heard her response. " That's my girl. " I whispered to myself enough for her not to hear it. " We're here. " Wika ko ng nasa tapat na kami ng mansion Bumaba na ako ng sasakyan at pinag-buksan ito. "I already told my chef to cook our dinner. It's late Ygritte and I know you're tired ayoko na pagurin kapa para lang ipagluto ako." Wika ko rito habang inaalalayan siya maglakad papuntang dining area. "But I told you that I'll cook for you." " You can do it next time. But for now let's just eat. " Nakanguso ito habang pinaghihila ko ng upuan, parang hindi pagod sa trabaho may gana pang magtampo. " Eat Ygritte. " Muling wika ko ng makaupo na ako sa tabi niya at hindi pa rin siya gumagalaw. " I won't feed you." Napatingin ito saakin ng muli akong magsalita. " I didn't ask you to feed me. " Mataray na sagot nito na agad ko namang inismiran. " Don't you like the food? What do you want? I'll ask them to cook it. " Nanatili itong walang imik. " Hindi rin kita susuyuin kung gusto mo magpasuyo. " Agad naman akong nakaramdam ng kurot sa hita ko dahil sa sinabi ko. " Aw! " Nabitawan ko ang hawak na kutsara at hinimas himas ang hita ko na kinurot niya. Ang sakit, potek! "Sabi ko kasi ako magluluto eh!" Hindi pa rin ito tapos at pinagpipilitan pa rin na gusto niya magluto. "And I already told you that you can always do it next time. Marami pang araw Ygritte." "But I want it now." Mahinang wika nito at nag iwas ng tingin. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy nalang kumain. Naramdaman ko namang muli itong humarap sa pwesto ko. "Have you forgot what date is today?" I can feel softness on her voice, kaya naman nabitawan ko ang hawak na tinidor ngunit nanatili pa ring nakatingin sa harapan. Ayokong syang tingnan. "It's our wedding anniversary, Zen." Kinagat ko ang labi ko ng marinig ito. Tila isa isang bumalik lahat ng ala-ala ng nakaraan kung saan masaya at magkasama kaming dalawa. "We're divorce." Tipid lamang na wika ko rito. "I didn't sign the papers, have you forgot?" Tumingin ako sa gawi nito. Sumalubong saakin ang mata nitong kumikinang dahil sa nagbabadyang luha habang may malungkot na ngiti sa labi. " I still remembered how you propose, you were so happy when I said yes. We were so happy." She said while looking directly in my eyes. Memories with her kept flashing through my eyes that I needed to close it just so I can't see it. " You know that I can do everything for you, you know that I am willing to bend my morals for you. You are so damn aware Zen, that I can go against every single little thing that I believe in just for you. " I bit my lower lip as she held my face, caressing my cheeks. " Tell me, tell me what happened to us. " I opened my eyes and saw her tears slowly streaming down on her cheeks. I avoided her gaze at tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko. " Ang lapit mo. Nahahawakan kita. Ang lapit lapit mo lang sakin pero feeling ko ang layo layo mo pa rin. Ang hirap mong habulin Zen, p-pwede bang dahan dahan ka lang oh? Hayaan mo akong habulin ka, h-hayaan mong sabayan kita." Nanatili akong tahimik, ayokong sumagot dahil pakiramdam ko hindi ko na kontrolado ang sarili ko. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon, sobra sobra ang epekto niya saakin. Kumuyom ang kamao ko dahil rinig na rinig ko rin ang mahinang hikbi niya kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at tinalikuran siya. "Zen?" Tawag nito saakin, nanghihina ang boses nito at tila napaos pa. "I'll just cook our dinner, I know you won't eat what my chef prepared but I won't let you cook tonight. You're tired Ygritte, stay there and wait for me." Huling wika ko rito at pumasok na sa kitchen kung saan busy ang lahat ng mga tagaluto sa pagpe-prepare ng iba pang handa. Agad napitingin saakin ang mga cook ko ng maisara ko na ang pintuan. "Ma'am we're almost finish. Look at this cake, does it look good? I'm sure your girlfriend will be happy knowing that you have a surprise for her on her birthday." Lumapit ako rito at tiningnan ang hawak nitong chocolate cake, may naka-lettering rito kung saan mababasa ang mga salitang 'Happy birthday my sweetest doctor'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD