Chaapter 17

1632 Words
'Happy birthday my sweetest doctor'. Yes, it's her 27th birthday. Ikinasal kami sa mismong araw ng kaarawan niya. Hindi manlang niya naalala na birthday niya ngayon pero ang wedding anniversary namin ay hindi manlang nawala sa isip niya. "It's great." Tipid na sagot ko rito na nakapag pangiti sa mga tauhan ko. "It's okay now, stop what you are all doing."Napatingin naman saakin ang mga ito ng marinig ang sinabi ko, may pag-aalala sa mga muka nila, ngitian ko nalang ang mga ito. "I'll be the one who will cook for our dinner, so it's fine." Nakangiting wika ko sa mga ito, napatango naman sila at hinayaan na ako. Nag-umpisa na akong mag-luto tatlong putahe lamang ang lulutuin ko dahil ayoko namang patagalin pa dahil anong oras na at alam kong gutom na iyon, idagdag pa na pagod sa trabaho pero matigas pa rin ang ulo. Pinapanood lang ako ng mga tauhan ko, hindi ko sila hina-hayaan na tulungan ako dahil gusto ko na ako mismo ang magluto nito. Ramdam ko na ang tagaktak na pawis ko dahil sabay sabay ang ang ginagawa ko, naging taga punas ko pa nga ng pawis yung head chef ko. Nang matapos na ako at ready na ang lahat nakangiting humarap saakin ang mga tauhan ko habang naka-thumbs up. Nginitian ko lamang sila at inayos na ang mga putahe para ihanda sa table kung saan ko iniwan si Ygritte. Tinulungan ako ng mga tauhan ko na buhatin ang mga niluto ko papunta sa dining room, habang naglalakad palapit tila sumikip ang dibdib ko at unti-unting bumagal ang lakad ko ng matanaw ko na si Ygritte na nakaupo pa rin sa puwesto niya kung saan ko siya iniwan kanina ngunit sa harap nito ay nakaupo si Coven habang sumisimsim sa hawak nitong wine glass. Tuluyan na akong nakalapit ngunit tila hindi pa rin ako napapansin ni Ygritte dahil nanatili lamang ang titig nito kay Coven. "Oh hey Avice! What did you cook?" Napatingin lamang saakin si Ygritte ng marinig nito ang pagtawag saakin ni Coven. Umigting ang panga ko at kumuyom ang kamao ko ng makita ang muka nito. Namumula ang gilid ng kanyang mga mata marahil sa pag-iyak kanina ngunit napadako ang tingin ko sa kamay nito na nakapatong sa lamesa na agad naman niyang itinago sa ilalim ng mesa. May maliit ito na sugat sa daliri, wala ito kanina kaya naman napatingin ako sa lapag kung saan may basag na wine glass at may maliliit na patak ng dugo. "What happened?" Mariing tanong ko kay Ygritte habang titig na titig sakanya. "Oh your girlfriend are being careless, nalaglag nya yung baso sabi ko wag na pulutin pero pinulot pa rin." Napatingin ako kay Coven ng magsalita ito. Ibinalik ko ang tingin kay Ygritte naging malikot ang mga mata nito. " T-that's right." Nautal pa ito ng magsalita kaya naman napa-kunot ang noo ko. "Uhm, I'm going now Zen. It's getting late and I still have some work I left in the hospital, I need to go sorry." Nagmamadaling tumayo ito, maglalakad na sana ito paalis ng pigilan ko ito. " Ihahatid na kita. " Alok ko na agad naman niyang inilingan. " I already called my driver. It's fine Zen. " Ngumiti ito saakin, pero pansin ko na may nag-iba sa ngiti nito. Binitawan ko siya ng marinig namin ang tunog ng sasakyan sa labas marahil ay ang sundo na niya. Ngumiti lamang ito bago nagpaalam saakin at naglakad na palabas. Pinanood ko lamang ang kanyang likod paalis hanggang sa mawala na sya sa paningin ko at marinig ko na ang tunog ng sasakyan paalis. Nang masiguradong nakaalis na siya ay muli akong tumingin kay Coven, nanatili itong naka-upo sa upuan habang nakatitig sa wine glass na hawak niya. "What did you tell her?" Umangat ang tingin nito saakin at binigyan ako ng matamis na ngiti. "I didn't tell her anything." Wika nito bago muling nagsalin ng wine sa iniinuman niya. Naglakad ako palapit rito at kinuha ang wine glass na hawak niya dahilan para mapatayo ito at humarap sakin. "I am asking you Coven. What did you tell her?" Nagtitimping wika ko ngunit binigyan lamang ako nito ng isang ngisi na mas lalong ikinainis ko. "It's my honor to finally met the unnamed wife of the great ruler of the Sebroféì Empire." Napapantastikuhang wika nito at muling kinuha saakin ang wine glass niya at uminom rito. "What did you say?" Hinawakan ko ang kwelyo nito kaya naman nabitawan niya ang hawak na wine glass dahilan para mahulog ito at mabasag. Paano niya nalaman ito? Walang nakaka-alam ng kahit sino ang tungkol sa kasal dahil tago ang nangyaring kasal tanging kami lamang dalawa ni Ygritte ang nakaka-alam at ang pari na nag kasal saamin. Pero usap-usapan sa emperyo na kasal na ako dahil halos lahat ng inirereto saakin ay tinatanggihan ko, maraming haka haka tungkol sa sinasabi nilang asawa ko na kahit kailan hindi nakita ng kahit sino man sa emperyo. Muli akong tumingin sa lalaking kaharap ko, hindi ako natutuwa sa mga ngising lumalabas sa labi niya. "I'm saving you Aviannah." Wika nito at tinabig ang hawak ko sa kwelyo niya kaya naman nabitawan ko ito. "Saving me from whom? I don't need saving Coven!" "You are showing emotions! Pumunta ka ng Pilipinas para sa isang misyon! Isang misyon lang Aviannah! Pero oras na malaman ni Inang ang ginagawa mo hindi mo magugustuhan ang kaya niyang gawin!" Tila naubusan na rin ito ng pasensya. " I am very much aware what my grandmother can do Coven. You don't need to remind me, I am doing what I need to do! " " Doing what you need to do?! Eating dinner? Cooking dinner for the woman you should be killing?! Damn it Aviannah! Hindi mo ba alam na nanganganib na ang posisyon mo sa emperyo? Maraming gustong patalsikin ka!" Muling sigaw nito tila hinihingal pa sa sunod sunod na pagsasalita. " Maraming nagtangkang patalsikin ako pero ni-isa walang nagtagumpay! Dahil walang may kakayahang kalabanin ako! " " Dahil malakas ka. Alam ng lahat na wala kang kinatatakutan! But seeing you now? Where's the Aviannah that ruled the 7 powerful families?! You've become vulnerable! Wala ka pang isang buwan sa Pilipinas pero talo kana! Talong talo kana Aviannah! That f*****g woman will be your downfall! " Nagdilim ang paningin ko ng marinig ang sinabi nito. Tila napigtas ang sipi ng pasensyang kanina ko pa pinipigilan. Natagpuan ko na lamang ang sariling hawak hawak ito sa leeg habang mahigpit niyang hinahawakan ang mga braso ko tila pinipigilan ako pero hindi ko pinabayaang mabitawan sya, bagkus lalo ko pang diniinan ang pag-sakal sakanyang leeg. " Shut the hell up Coven... You have no rights to call her like that... " "She is your Queen, my wife..." " The unnamed Queen of my empire.... You f*****g servant." Malamig na wika ko rito, bawat salita ay may diin sinisugurong tatak ito sakanyang isipan. Kita ko kung paano unti-unting dumaan ang takot sa mga mata niya. Walang emosyon ko lamang siyang pinanood habang paulit ulit niyang tinatapik ang mga braso ko para mabitawan siya. "I-I'm not j-just your servant A-Aviannah. I-I'm your f-friend, and I-I'm telling you all of this just for you! To s-save you!" Nahihirapang wika nito, dahilan para mas diinan ko ang hawak sa leeg niya. "Kring.." Naagaw ng pansin ko ang cellphone na nasa lamesa ng bigla itong tumunog indikasyon na may tumatawag, kita sa screen ang pangalang Ygritte. Nagtitimping pumikit ako bago binitawan ang leeg ni Coven at itinulak siya dahilan para mapa-upo siya sa semento at paulit ulit na umubo habang hinahabol ang hininga. Huminga muna ako ng malalim, tila pinapakalma ang sarili bago ko inabot ang cellphone ko at sinagot ang tawag. "Hello Ygritte?" Mahinang bungad ko, ramdam ko ang mga nakakatusok na tingin saakin ni Coven sa likuran ko marahil nagtataka sa biglaang pagbabago ng boses ko na maski ako ay hindi maka-paniwalang kung kanina lamang ramdam ang galit sa mga salitang binibigkas ko ngayon naman ay sobrang lambot na nito akala mo walang sinakal ngayon ngayon lang. "I just called to say that I'm here na sa hospital, hindi kasi ako nakapagpaalam ng maayos kanina." Her voice is so sweet that I can feel myself melting. "That's good. Eat dinner there, I know hindi ka nakakain kanina." Bumalik ang tingin ko kay Coven ng mapansing nakatayo na ito sa gilid ko, may mapaglarong ngiti sa labi nito. "I will, I'm sorry kung hindi ko nakain yung niluto mo. M-may emergency kasi." "It's fine." Tipid na sagot ko habang nanatili pa rin ang titig kay Coven. "Uhm, I gotta go na. You should sleep now Zen, it's late. " " Yea, I will." Hanggat maaari ayokong pahabain ang mga salitang lumalabas sa bibig ko dahil sa mariing titig ni Coven at tila pinapanood bawat galaw ko. " Okay, good night love. " Malambing na wika nito sa kabilang linya dahilan para kagatin ko ang ibabang labi pinipigilan ang sarili na sumilay ang ngiti. Narinig ko ang pagpatay nito sa tawag kasunod nun ay ang nakabibinging halakhak ni Coven na bumalot sa buong dining room. "You're doomed, Aviannah!" " YOU. ARE. f*****g. DOOMED!" Sigaw nito at sinipa ang katabing upuan bago marahas na tumalikod saakin upang umalis na. Naiwan akong mag-isa sa dinning area, nanatili lamang akong nakatayo habang nakatingin sa mataas na ceiling. Hindi ko na kontrolado ang sarili. Simula bumalik ako sa Pilipinas alam ko na naging padalos dalos ako sa mga desisyon ko. Mas pinapairal ko na din ang emosyon, malayong malayo sa nakagawian ko sa Europa. Bumuntong hininga na lamang ako at pumikit na lamang ngunit agad ring dumilat dahil muka lamang ni Ygritte na umiiyak kanina ang nakikita ko. And then realization hits me. Coven's right. I'm f*****g doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD