Arianna
Pinipigilan ko ang pagpikit ng mata. Inaatok na ako pero hindi ako magpapatalo. Pilit ko itong lalabanan. Kailangan na pagdilat ni Lucas ay dilat din ako.
"You can use-" Huminto sandali si Arlene sa pagsasalita. "Kung gusto mo, mahiga ka na lang muna duon sa couch. Ako na lang muna nag magbabantay kay Lucas." Alok ni Arlene.
"Ayos lang ako,” sabi ko sabay hikab. "Hindi pa naman ako inaantok."
"Sige ikaw ang bahala. Lalabas ako sandali at bibili lang ako sa vendo machine ng kape." Paalam ni Arlene. Bago siya lumabas ng silid ay nilingon na muna niya ako. "May gusto ka bang pabili?"
"Mentos, pampaalis ng panis na laway." Kinapalan ko na ang mukha. Okay na yun kaysa naman maging bad breath ako.
Nangiti si Arlene. "Okay sige. Kapag nagising na si Lucas, pakisabi na lang babalik agad ako."
Sumubsob ako sa kama ni Lucas. Naku inaantok na talaga ako. Pumikit muna kaya ako kahit sandali? Idlip lang hindi tulog. Sigurado namang mararamdaman ko kapag nagising na si Lucas. Sandali lang talaga. One minute, two minutes o kahit limang minuto lang.
Noong una ay aware pa ako sa paligid hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Lucas’ POV
Gusto ko pang matulog pero ginigising na ako ng sakit ng ulo. Parang may mabigat na bagay na nakadagan doon. Hinawakan ko ang aking ulo at nakapa ko na may benda ako sa noo. Nagmulat ako pero muling ring napapikit. Ikinurap kurap ko ang mga mata para ma-iadjust ko ang aking mga mata sa liwanag sa kwarto.
Papaanong naging sobrang liwanag ng kwarto ko gayong madalas ay lampshade lang ang gamit kong ilaw? Inilibot ko ang paningin. Even the color of my room was different?
Nasaan ako?
"Zzzzzzz.....hhHHnnGGG.. Ppppwwwhhbbww.. zzzZZZZ"
Ano yun? Napatingin ako sa gilid ng kama at nakita ko na may natutulog nang nakayuko sa kama at napakagulo ng buhok.
"Zzzzzzz.....Kkkrrrouuukkkk.. zzzZZZZ"
Ang lakas naman maghilik nito.
Click.
Then the door opened and I saw my cousin walked in.
"Hi Luke! Kumusta ka na?" Lumapit ang bagong dating sa akin.
Sinubukan kong bumangon pero masakit pati ang katawan ko.
"No, don't move." Ibinababa niya sa paanan ng kama ang dala nitong paper bag at saka pumunta sa kabilang gilid ng kama ko. May pinindot ito sa control panel at unti-unting umangat ang ulunang bahagi ng kama.
"Enough." I said for him to stop.
"Kumusta? Ano bang nangyari sa iyo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam? Nauna ka bang umuwi sa akin? Napaaway ba tayo kagabi?"
Sinagot ko lang din ng tanong ang mga tanong niya.
"Hindi mo ako kasama kagabi." Takang sagot niya.
"Anong hindi? Hindi ba after nating pumunta kila Gyiah, tumuloy tayo sa bar nung kaibigan mo?”
Kumunot ang noo nito. “Ano bang pinainom sa iyong gamot at parang wala ka sa sarili mo?”
“I was totally wasted last night. I don't remember how I ended up having this?” Hinawakan ko ang ulo at dibdib na may benda. “Ang sakit ng buong katawan ko. Saka anong ginawa mo bakit ang laki ng pinayat mo?” Dagdag kong tanong.
Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Arlene.
“Gising ka na?” Tanong ni Arlene pagkakita sa akin.
“Ate, okay lang ba si Lucas?” Tanong ni William. “He can’t remember what happened last night.”
“Normal lang iyon.” Sagot ni Arlene sa kapatid. “Mabuti dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay.”
“Hindi ate. Nasobrahan yata sa gamot si Lucas. Iniisip niyang kasama niya ako kagabi.” Pangungulit ni William.
“Eh baka nga kasama ka niya kagabi.” Pinanlakihan ni Arlene ng mata si William. “Loko ka, iniwan mo ba ang pinsan mo nung sinimulan na siyang bugbugin ng mga bodyguards ni Mayor?”
“Hinda ah!” Mariing tanggi ni William. “Ano ako duwag?”
“Sinong Mayor?” Hindi na ako nakatiis at sumali na ako sa usapan. “Naalala kong naka-iringan natin kagabi William sa bar ay mga ka-edad lang natin eh at mga patpatin din ang katawan eh. Papaanong naging body guards ang mga iyon?”
Arlene gaped at him as if I’ve grown another head.
“I’ve told you he doesn’t remember anything.” Lalong sumingkit ang mata ni William sa pagngiti. He seemed to be enjoying this.
“Remember what? Ano ba talaga ang nangyari kagabi?”
“Wala ka talagang maalala?” Tanong ni Arlene sa akin.
“Wala nga.” Medyo naiinis na ako sa kakulitan ng mga ito. “Ang huli kong naalala ay tumuloy kami ni William sa bar pagkagaling naming sa bahay ni Gyiah. Gusto niyang uminom dahil hindi niya matanggap na niloko lang siya nito. Saka gaano ba ako katagal na walang malay at naging ganyan ang katawan ni William?”
“What?” Nanlaki ng kaunti ang singkit na mata ni William. “Are you kidding me?”
“Sa tingin mo magagawa ko pang magbiro ng ganito ang kalagayan ko?” Napataas na ang boses ko.
“Anong date na ngayon?” All of a sudden ay tanong ni Arlene sa akin.
“Ano ba namang tanong ‘yan Arlene.” Pati ba naman ito ay pagkakatuwaan niya. “You tell me, gaano ako katagal na walang malay?”
“Just answer my question.” Insist nito.
“Yesterday is 27th, today is April 28, 2009.” I answered unsure.
Arlene made a loud sigh.
William sneered. “Artista ka nga, ang galling mong umarte.”
“Artista? Bakit may nag-offer na ba sa atin ng acting project?” I can’t help but to be excited. Nagsasawa na rin ako ng puro commercial at modeling lang. Gusto ko naman na subukan na mag-artista lalo na kung ipapareha ako sa mga mestisang artista.
“Lucas! Mahal ko! Salamat at gising ka na!”
“Aray!” Nagulat ako ng bigla na lang akong yakapin sa dibdib ng babaeng natutulog sa gilid ng aking kama.
“Naku sorry mahal ko nasaktan ba kita? Masaya lang ako dahil ligtas ka na.” Maingat na idinampi niya ang kamay sa dibdib ko.
Napatingin ako sa babaeng pangahas. Magulo ang buhok, namumula ang mata at may bahid pa ng tulo laway sa gilid ng kanang labi.
“Sino ka?”
“Girlfriend mo.” Sabi ni William.
“Anong girlfriend?” Papaanong magiging girlfriend ko ‘yan? “Pwede ba William huwag mo nga akong pinagloloko.” Babala ko.
Nakita kong namula ang mga pisngi ng babaeng magulo ang buhok.
“Alam ko na hindi tayo bagay pero mahal na mahal kita… ohhh mahal ko.” Makabagbag damdaming sabi ng babae. May namumuo pang luha sa gilid ng mga mata.
“William, tawagin mo nga ang doctor ni Lucas.” Utos ni Arlene sa kapatid.
“Naku huwag na nakakahiya sa doctor niya. Hoy Lucas umamin ka na nga pati si Ate nag-aalala na sa iyo.”
“Bilisan mo na! Puntahan mo na sabi eh.” Halos itulak na palabas ni Arlene ang kapatid.
“Lucas, mahiya ka. Iiyak na ‘yang girlfriend mo. Nabugbog ka lang nakalimutan mo na.” Hirit pa ni William bago lumabas.
Napatingin muli ako sa nakatulalang babae sa harapan ko.
Papaanong magiging girlfriend ko ang babaeng ito samantalang ngayon ko lang siya nakita?