Arinna’s POV Naalimpungatan ako ng makarinig ko ang mga boses na nag-uusap. Pagmulat ko ng mata, pinunasan ko ang basang pisngi. Tumulo pala ang laway ko. Nang mag-angat ako ng tingin, tumigil ang pag-ikot ng mundo. Napaawang ang labi ko. Kasabay ng pagkurap ng mata ko ay ang pagkabog ng dibdib ko. Si Lucas nakatingin sa akin. Huwag na muna sana akong gisingin ni Maddie. “Lucas! Mahal ko! Salamat at gising ka na!” Madamdaming niyakap ko siya sa dibdib. “Aray!” “Naku sorry mahal ko nasaktan ba kita? Masaya lang ako dahil ligtas ka na.” Umayos ako ng upo at maingat na idinampi ko ang isang kamay ko sa dibdib niya. “Sino ka?” Tanong ni Lucas ng mapatingin sa akin. “Girlfriend mo!” Narinig kong sabi ng konsensya ko na boses lalake. “Anong girlfriend?” Gulat na bulalas ni Lucas.“Pwed

