Arianna “Nasaan tayo?” Sa wakas ay nagawa na niyang magsalita ng hindi umiiyak. Pumasok ang sasakyan ni William sa malaking bakuran at huminto iyon sa tapat ng isang napakalaking bahay. Agad na umikot si William sa gawi niya para pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan at maalalayan siyang makababa. “Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo. Kailangan na gamutin muna natin ang mga braso mo. Bakit kasi ayaw mong magpadala sa ospital?” Sabi ni William. Hawak sa braso ay iginiya siya nito papasok ng loob ng bahay. May isang may edad ng babae ang sumalubong sa kanila. “Wala naman ito. Malayo sa bituka, sayang lang ang pera. Yelo lang ang katapat ng mga ito.” Aniya. “William, kumusta si Lucas?” Nag-aalalang bungad nito sa kanila.

