Arianna “Para kang bata, huwag mong paglaruan yan.” Saway ni William sa pagbukas-sara niya sa bintana ng kotse nito. Natutuwa kasi siya na kapag pinindot niya yung… hindi niya alam kung ano tawag dun, basta kapag pinindot niya, taas baba ang salamin ng bintana ng kotse nito. Ang galing! “Nakakatuwa kasi automatic noh? Sana ganito din ang bintana ko sa bahay.” Nakangiting nilingon niya si William na nagda-drive. Halata sa paggalaw ng balikat ni William na pinipigilan lang nito ang pagtawa. “Tama na nga ang pagpapatawa. Ang sakit na ng tiyan ko sa iyo kanina pa ako kinakabag.” “Naku, huwag mong pigilan yan baka mautot ka. Babaho dito sa loob ng sasakyan mo, aircon pa naman.” Babala niya rito. Hindi na nito napigilan at tumawa na ng malakas. “Lahat na lang ng sabihin mo

