“Finally, nakarating din kayo!” Faye exclaimed, even rising up from her seat as she eagerly welcomed the newcomers. Thankfully, no one seemed to notice her clever escape from that topic. Dahil maging sina Kaeley at Kaevyn ay mukhang natuwa rin nang sa wakas ay dumating na ang iba pa nilang kaibigan. Honestly speaking, kanina pa talaga nag-aabang si Kaevyn sa pagdating ng iba at napansin iyon ni Faye kanina dahil sa panaka-nakang pagsilip ni Kaevyn sa kanyang wristwatch. At laking pasasalamat talaga ni Faye dahil sa biglang pagdating ng mga kaibigan na naging dahilan niya para makatakas sa kung ano pa man ang maaaring itanong sa kanya ng pinsan. “Nagpadaan pa kasi itong si Hanelle sa amin para daw sabay-sabay na kaming pupunta. Hindi naman namin alam na marami pa pa lang kailangang asik

