A week was not that long, and so the awaited gangster festival finally came. Sa nakalipas na isang linggo ay maliban sa araw-araw na training nina Faye at ng buong Ferals ay nakikipag-plastikan— este, nakikipagmabutihan naman si Faye kay Amara na hindi niya alam kung bakit bigla na lang talagang naging ‘bestfriend’ ang turing sa kanya. Kung hindi lang siguro dahil sa papalapit nang papalapit na gangster festival ay baka nabaliw na kakaisip si Faye sa kung ano ba talaga ang binabalak sa kanya ni Amara sa paraan ng pagiging close nito sa kanya. Pinilit na lang ni Faye ang sarili na isantabi muna ang pag-iisip tungkol doon para mas mabigyan niya ng focus ang hinihintay niyang event. So with her thoughts about Amara and her confusing actions, Faye prepared for the coming gangster festival. K

