0000003

1917 Words
0000003 Kryptonite   That was my first kiss. That....what the hell did just happen? Nang makarating kami sa bahay, nakangiti syang sinalubong si Dalli na tumatakbo papunta sa kanya. "Uncle CK! Let's go home.” "Wala pa siya, Dalli. Mga next bukas nandito na sya." Pagkarga niya dito. Nakatingin lang ako sa kanila na mag-uncle. Nasa likod ko pala si Mom kaya inaya niyang kumain si CK. "CK, kumain ka muna dito." "Hindi na po, Tita." He refused politely and smiled brightly. "May pasok pa po kasi ako. Idaan ko na lang po yung mga gamit ni Dalli before ako pumasok." Saad niya habang ibinaba si Dalli at nag-squat sa harap nito para maging magkalevel sila, "Dalli, dito ka muna sa kanila ha? You can go play with Tita Amya -" "Who's Amya, uncle?" Napatingin sa akin si CK at napatawa sandal. "I meant Tita Lois, okay? I promise pag uwi ko may pasalubong ka ha?" kinurot niya yung chubby cheeks ni Dalli and he kissed her cheeks. Namula yung mukha ko dahil naalala ko na naman yung halik na ibinigay niya sa akin kanina. Can you please calm down, Loislane? "Okay, Uncle CK." And Dalli returned his kiss with sounds pa. Alam mong may laway yung kiss nung bata. "Oops, sorry, uncle. I lab you." Napatawa sya at napangiti naman ako dahil pinunasan ni Dalli yung laway niya sa pisngi ni CK gamit yung t-shirt nyang suot. "It's alright, baby. Uncle loves you, too." He kissed Dalli's forehead and my heart melted. He's so good with Dalli. "Una na ako, Tita." Nagbeso sya kay Mom at pumunta sa harap ko. "See you later, Amya." Saka nya ako niyakap saglit at hinalikan sa noo. Naestatwa ako. Anong petsa ba ngayon? April Fools? "Bakit parang ang saya yata ni CK ngayon, Loislane?" tanong ni Mom habang hawak hawak sa kamay si Dalli papasok. "H-ha? E-ewan ko dun." I cleared my throat, "Alam mo namang puro kalokohan yun, Mom." "Sabi ko sayo lagi kang mag-exercise every morning. Para gumanda din yung mood mo. Katulad ngayon, namumula-mula yang pisngi mo." Lalo namang uminit yung mukha ko. Buti na lang nakatalikod na si Mom at patungo na ulit sa kitchen. "It's good to sweat time to time." At tuluyan na silang nawala sa loob ng bahay. Ang pamumula po ng mukha ko ay hindi dahil sa exercise namin. Dahil yun sa.... Sa..... Ay ewan. Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko. I opened my messenger and started typing: Girls, tama ba ito? Si CK.... ✔ Seen by Anne, Pao, Thea, Teyah Nice talking. Kung kalian kailangan ng kausap. Na-seen zone pa ako. I took a bath and played with Dalli for a few hours bago siya kunin uli sa akin ni Ate Gwen para ipasyal. "Sinasabi ko talaga sayo, Ate mag-anak ka na. Bigyan mo na ako ng pamangkin! Gusto ko yung kasing-cute ni Dalli!" sigaw ko sa kanya habang palabas sila. "Manghingi ka kay CK. Para kamukha ni Dalli. O kaya ikaw magbigay ng little Dalli kay CK." Pang-aasar nya sa aking sagot. Naramdaman kong uminit na naman ang mga pisngi ko. "GWEN STACY! Kung anu-ano sinasabi mo sa kapatid mo. Pag yan naunahan ka, ewan ko na lang." sigaw ni Mom galing sa garahe. "'My! Syempre ako muna. Paki-remind si CK na gumamit ng proteksyon kung sakaling -" binato ko nga ng throw pillow mula sa sofa dahil hiyang hiya na ako. Buti wala si Dad. Narinig ko pagbuga nya ng tawa kahit na nakasara na yung pinto at paakyat na ako sa kwarto ko. "Loislane, tama naman yung ate mo. Kailangan ng proteksyon dahil mahirap na baka -" Hinarap ko si Mommy na may hawak hawak na flower vase at sinimangutan. "MOMMY! Pati ba naman ikaw? Paano kung may makarinig? Saka bakit kailangan naming ni CK yun? Buti na lang wala si Dad dito." Dire-diretso kong depensa. "Anak, ganun din ang sasabihin ng Dad mo. Kung ayaw mo naman, sige. Susuportahan ka namin kung ano man ang desisyon mo." Napanganga na lang ako sa sinabi ni Mom. Unbelievable. Narinig kong tumawa si Mom pabalik sa pag-aayos ng garden nya sa harap. Humilata ako sa kama. Kinuha ang unan at ibinaon ko sa mukha ko dahil kailangan kong sumigaw - nang malakas pero hindi dapat marinig. Damn your lips, CK. I can still feel it. Inalis ko yung unan dahil hindi ako makahinga. Napahawak na yung mga kamay ko sa mga labi ko dahil.... Naalala ko na naman kung pano kinagat-kagat ni - Get a grip, Loislane. It's just CK. Nagising na lang ako sa sunud-sunod na pagpasok ng mga tao sa kwarto ko. Kasunod nun ang pagsara at paglock ng pinto. Mukhang nakidnap na ako. "Anong meron kay CK? May ginawa ba syang gulo? Ano? Ano?" sabay-sabay na tanong ng nagkakagulong mga kaibigan ko. Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa alarm clock ko: 4pm "Bakit si CK yung tinatanong niyo? Diba dapat ako?" natahimik silang kumuha ng kanya-kanyang pwesto. Si Paoline nasa may bintana nakasandal; Si Anne nakadapa yung dulo ng bed ko; Si Kiel nasa swivel chair; Yung kambal naka-indian sit sa pinto ko nakasandal; at si Leia na nakahiga sa sahig. "Ano bang ginawa ni CK?" tanong ni Paoline. "Ah...hmmm...kasi..." pag-iisip ko kung pano ko sasabihin. "Dali! May exam pa kami bukas." Pagmamadali ni Kiel. Yung apat nakatitig lang din sakin hinihintay akong mag-spill. Huminga ako ng malalim. "HinalikanakoniCKkaninapagkataposnamingmagmorningrun" mabils kong sabi saka nagtago sa ilalim unan kong malaki. Narinig ko ang tilian nila na naramdaman kong malapit sa akin. Sumilip ako ng kaunti sa unan para makita kung bakit biglang may nakapalibot sa akin. Nakita ko silang nakapalibot sa kama ko, nakangiti. Sabay-sabay silang sumigaw ng, "Finally!" at bumuntong hininga na akala mo matagal na nilang hinihintay. "Uhh, girls? Bakit ganun yung reaksyon niyo?" Pagbulong ko nang hindi maintindihan dahil nakapating pa din sa mukha ko yung unan, pero hindi na madiin. Bigla namang hinablot ni Teyah ang unan at hinampas ako. "Tinatanong mo? Eh since nakilala namin yang si CK hindi na nawala yan sa tabi mo!" "Kasi magkaibigan kami?" hinampas din ako ni Anne. "Manhid ka ba o manhid ka talaga?" "Ako na naman. Ano bang ginawa ko?" Bago pa man nila ako masagot. Narinig ko si Mommy sa baba. "Loislane! Bumaba na kayo dyan, nandito na si CK!" Nagkatinginan yung mga kaibigan ko at sabay-sabay na lumingon sa akin at ngumiti nang nakakaloko. Sabay sabay silang tumili at isa-isa akong dinaganan. "Dogpile!" Patong-patong kami sa higaan at hindi ako makahinga dahil anim silang nakadagan sa akin. Narinig ko si Thea at Leia, "Tama na. Tama na!" "Baka hindi na siya makilala ni Superman kapag naflat syang parang paper. Sabay-sabay kaming bumaba at naabutan si CK na kausap ulit si Dad sa harap ng TV habang nasa Disney Junior yung channel. Nakita ko si Dalli na karga karga ni Dad. Napatingin sa amin si CK at nagtama ang mga tingin namin. Hindi na naman nagpaawat yung init na gumagapang simula sa leeg ko papunta sa mga pisngi ko. "Wag kang pahalata, namumula yung tenga, mo Ate Lois." Bulong ni Teyah sabay tulak papunta kay CK na papalapit. "Pwede bang mag-usap muna tayo?" tanong niya sa akin habang hinahaplos nya yung batok nya. Kinakabahan sya? Bakit! "Ha. Oh sige." He led me down the hallway papunta sa kwarto kung san nakalagay yung gamit ni Dalli. Sinimulan kong ligpitin yung mga nagkalat na damit at laruan ni Dalli para ilagay sa bag nya nang magsalita si CK. "Amya," bulong nya sa likuran ko. "Bakit?" Hindi ako lilingon. Ayaw kong lumingon. Umikot ako para lumabas at magtungo sa sa katapat na bathroom para kunin yung favorite rubber duck ni Dalli kapag naliligo nang may biglang may kumabig sa braso ko dahilan para mapasandal ako sa pader. "C-CK..." I trailed while feeling his breathing inches away from my face. "Loislane..." bigkas niya nang nakapikit. "A-anong problema?" Hinaplos ko yung pisngi niya dahil tila nahihirapan yung expression nya. Isiniksik naman nya lalo yung mukha niya sa palad ko. "Naalala mo pa ba kung bakit Amya ang tawag ko sayo?" naramdaman kong nasa leeg ko na naman yung right hand nya. I can feel his thumb caressing my jaw. I can't help but melt with his touch. Oo, naalala ko pa pero hindi ako makasagot kasi natatakot akong gumalaw. We're inches away from each other's face. "....kasi sabi mo nun ang tatawag sayo dapat ng Loislane ay yung matatawag mong Superman mo..." Lumiwanag yung harapan ko dahil inilihis niya yung mukha niya papunta sa leeg ko. Nakalapat yung ilong nya sa puno ng tenga ko at inaamoy-amoy ako. Hindi ko mapigilang mapaawang ang bibig ko at makagawa ng sound. Napatakip ako ng bibig. Did I just moan? Really? Hindi ako makapagsalita. Nanghihina ako. Bumaba yung mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ko. Naramdaman kong inilapat niya doon yung mga labi niya. Nagpatuloy sya sa paghalik pataas hanggang makarating sa gilid ng labi ko. He lingered there for a while bago humiwalay. Humiwalay yung mukha niya pero idiniin nya yung katawan niya sa katawan ko. I'm squished between the wall and him. Wtf. Napadilat ako dahil naramdaman kong tinititigan nya ako. "Loislane, can I be your Superman, then?" Hindi niya ako hinintay makasagot - he covered my mouth with his. The kiss was soft, just like what we had this morning. Ipinatong ko yung mga kamay ko sa balikat niya dahil nanghihina na talaga ako. Nagsimulang gumalaw yung mga labi niya. Naipinalibot ko yung mga braso ko sa leeg niya at pumikit ulit. Ginaya ko lang sya at nagsimulang gumalaw na rin. I heard him groan against my lips at ibinaba niya yung magkabila nyang kamay sa sides ko saka kinabig papalayo sa wall. Yung ginawa niyang yun ang naging rason para makagat nya yung lower lip ko na sya namang sanhi ng pag-part ng lips ko. I felt his tongue seeking entrance. He circled his arms around my waist at hinagod hagod ang likod ko. Hinayaan ko lang sya dahil ang lambot ng mga labi niya. Hindi ako nag-aalalang bumagsak dahil nakayakap sya sa akin. I can't even think straight. I didn't even know long we were in that position after he actually started slowing down at unti-unting lumayo. Bumaba yung tingin ko. Nagulat ako nang may makita akong naka-umbok sa pants nya. Nanlaki yung mata ko at napatras konti. Hindi ako nakapagpatuloy dahil yakap yakap pa rin niya ako. Iniangat nya yung mukha ko para makita ko yung nakangiti niyang mga mata. Para bang nahiya sya saka inayos yung pants nya. "See what you do to me, Loislane Amya?" nakatitig lang ako sa kanya dahil.... Hindi din niya alam kung anong ginagawa niya sa puso ko na gusto kong kumawala sa dibdib ko. I turned a shade darker because I felt his thumb skimming over my swollen lower lip. "Aren't you going to say something, Amya? Did I scare you?" nag-aalala niyang tanong sakin. Sinubukan kong magsalita pero nanunuyo yung lalamunan ko. "Amya..." he trailed. "Tell me, please. Can I be your Superman? You're Loislane, I'm Clarkent. Let's make a whole new Superman story." Bakit parang mas lalo syang pumogi ngayon? Mas naging matangos yung ilong niya, yung jawline nya mas naging prominent, yung labi niya mas pumula. Sa bawat parte ng mukha niyang pinansin ko, lahat yung pinadaanan ko ng daliri ko. Ganito na ba talaga ang manligaw ngayon? Isang bagsakan at idinadaan sa mga salitang ni hindi mo maintindihan dahil sa naging jelly ace din yung utak mo, hindi kinayang icomprehend. "Loislane, can you be my kryptonite?" Hindi ko mapigilang mapangiti at tumango. Nalunok ko na rin yata pati yung dila ko dahil hindi ko talaga kayang makapagsalita. Nang makita nya yung galaw ng ulo ko, niyakap na lang nya ako bigla at inikot ikot. Itinatapat nya yung bibig nya sa tenga ko at sinabi, "Thank you, Loislane. Thank you." At saka hinalikan yung noo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD