0000002

1805 Words
0000002 First Kiss   "Loislane!" narinig kong katok ni Mommy sa pintuan ng kwarto ko. "Po? Nasa CR ako!" Pasigaw kong sagot sa kanya. "Si CK nasa baba! Bilisan mo diyan." Ha? 6am pa lang. Ang aga-aga kamo mambulabog nun. Ilang minute pa bago ako lumabas ng kwarto at nagtungo pababa nang naka-typical na pambahay. Shorts at shirt. Naabutan ko si Dad at si CK na nasa living room nag-uusap habang yung TV nasa BBC News. Pagbaba kasi sa stairs dadaanan mo muna yung living room bago ang dining area kaya dinaan ko lang sila at hinayaang mag-usap. Mukhang seryoso. Dumiretso akong kusina para kumain ng agahan para makabalik ulit sa pagtulog. Buti na lang wala akong pasok ngayon, I can mope around the house like a sloth. I'm feeling lazy today. Umupo ako sa harap ni Mommy na kasalukuyang nagbabasa ng entertainment section ng newspaper. Napatingin sya sa akin nang kumuha ako ng fried rice. "Bakit hindi ka nakabihis?" bumalik din sya sa binasa nya. "Wala naman akong pasok ngayon, 'My! Thursday ngayon." Ibinalik niya yung tingin sakin saka binaba yung dyaryo. "Kaya nga nandito si CK, diba? Mag-exercise daw kayo. At bakit ka kakain? Mamaya ka na kumain." Nagulat naman ako sa sinabi ni Mommy kaya napabalikwas ako ng tayo at pinuntahan si CK. Nagstop ako sa bungad ng living room and I tried catching his attention by waving my hand but busy sila ni Dad sa pag-uusap. Buti na lang nakatalikod si Dad. Wala tuloy akong nagawa kundi lumapit at mag-excuse. "CK, anong mag-exercise? Wala ka namang sinabi sa akin!" Hinila ko sya papunta sa kabilang side ng room. "Kailangan ko pa bang sabihin? Ilang taon na nating ginagawa to. Kailangan mong mag-exercise. Alam kong galing na naman kayong eat-all-you-can dahil dumating yung Ate mo saka yung asawa niya." Nagulat ako dahil hindi ko alam kung pano niya nalaman yun. Totoo naman, kumain kami kagabi kasi kakauwi lang galing ng US nila Ate Gwen. "Kahit na! Dapat nag-text ka nang hindi ako nagugulantang ako sayo. Nasan si Dallilah?" It's his third day babysitting his niece dahil one week na nasa Hongkong si Kuya Gage. Ganun din yata si Yaya Pearl. "She's with Ate Gwen. Naglalakad-lakad sila. Papasok kasi ako dito nang makita ako nang Ate mo. Kinuha niya si Dalli." Tiningnan naman niya ako nang nakataas ang mga kilay na sinasabing get-ready-or-else Pasalamat talaga siya ang ganda ganda ng mga mata nya hindi ako badtrip. Umakyat ako sa taas at nagpalit ng damit. Nakasuot ako ngayong ng leggings at maluwag na white tshirt. Isinuot ko dun yung rubber shoes ko dahil mahaba-habang takbo na naman to. At oo, ilang taon na naming ginagawa ang pag-exercise not-so-every morning. Four years ago, bagong lipat sa katapat na bahay si Kuya Gage. Ang niya kaya. Naging crush ko nung una naming syang nakita ni Mom na nag-iinstruct sa mga movers habang hawak hawak niya sa arms nya ang natutulog na si Dallilah. One year old lang nun si Dalli and Mom being herself, lumapit sya and nagpakilala - like a good 'ol neighbor. Nasa tabi lang ako ni Mom nun habang nagpapakilala silang dalawa. Nakatingin lang ako dun sa bahay. May kulang kasi. Nagulat na lang ako nang mag-squeal si Dalli, kinuha na pala ni Mom. In short, hiniram nya kasi stressed na daw itsura ni Kuya Gage nun. Parang wala sa sarili kaya nagprisinta syang bantayan muna. Ang rason nya kasi at matagal na daw kasing walang baby sa bahay. Kuya Gage said yes, still looking distraught. I went back to their house after an hour dahil umiiyak si Dalli, nagugutom na pala. Walang sumasagot at walang nagbubukas ng gate kaya naisipan kong bumalik na sa amin. Pero narinig kong nagbukas ng pinto from the inside at dali-daling binuksan ang gate. Kilala niyo kung sino? Si Clarkent Zico lang naman na tuwalya lamang ang tanging nakatakip. On the way pa lang yung malapad nyang shoulder nun at makapal na braso dahil kakastart lang  yang sabayan ang kuya nya sa pag-gym. Galing sya sa pagba-bike kaya ganun ko syang naabutan. Hiningi ko sa kanya yung gamit ni Dalli pero hindi niya alam kung nasaan dahil iniwan lang daw sya ni Kuya Gage don. Ang nangyari naghanap kami nang halos isang oras nasa nursery lang pala. Daldal kasi sya ng daldal nun ilong pinanggagamit sa paghahanap. Daig pa ako. Wala akong masabi dahil nagmamadali ako't baka iyak na ng iyak yung baby. Kasama ko syang bumalik sa bahay dahil nagugutom na daw sya. Hindi ko sya inaya, sumunod lang sya sa akin at nagpakilala kay Mom na uncle ni Dalli. Dahil magkamukha sila ni Kuya Gage, aaminin ko, naging crush ko sya. Crush at first sight. Ang ganda kasi ng lahi nila, I tell you. Yung buhok niya nun darker yung color dahil basa. Ang ganda pati ng kulay ng mga mata nila. If you were to put them side by side mapagkakalaman mo silang kambal. Pero yung glimmer sa mga mata nii CK yung kulang sa mga mata ni Kuya Gage. I don't know what happened pero ang tanging alam ko lang, hindi nila kasama ang Mom ni Dalli. Maybe that's the reason. I don't know. Nagulat ako kinabukasan nun, kumakatok sya sa bahay - ng 6am! Bakit? Mag-bike daw kami. Nakita niya kasing may bike sa labas, he assumed na sa akin yun. Pero hindi, kay Ate Gwen yun. Mapilit sya, naglitanya pa sya about how good exercising is for the body kaya imbes na mag-blabber pa siya pumayag na lang ako. That time, nalaman kong magka-age lang kami and si Kuya Gage ay 3 years older. The routine stuck with us until now. Mas madalang na nga lang dahil sa schedule naming hindi magtugma. "Loislane Amya!" kalabog nung taong nasa pintuan ko. "Ang tagal-tagal mo! Mainit na sa labas, mangingitim ako." Maarteng sabi ni CK na alam kong naiinip na. Binuksan ko yung pintuan at bumungad sa akin ang nakakunot na noo niya. "Ang arte mo. Mangingitim ka eh wala namang araw ngayon." Cloudy kasi yung lagay ng panahon ngayon kaya masarap tumakbo. Narinig kong dumating na rin pala sila Ate. Nagdadadaldal na si Dallin a ngayong 5 years old na. Nilagpasan ko sya saka dumiretso pababa, "If I know, dinaig mo pa ako sa nilagay mong sunblock dyan sa balat mo." Saad ko habang alam kong nasa likod ko lang siya nakasunod. Kumapit sa binti ko si Dalli. "Good morning, Tita Lois." Yumuko ako para ikiss sya sa cheeks. "Good morning, pretty." Ngumiti lang sakin si Ate at kinuha si Dalli. "Ate, bakit ayaw niyo pa kasi mag-anak ni Kuya Phil? Nang-aagaw kayo nang anak ng iba." "Next year sinasabi ko sayo, marami nang mini Gwen at Philip ang nagkalat, okay, Lois?" Sabi ni Kuya Phil habang naka-akbay sa akin. Sya namang ikina-blush ni Ate. "Siguraduhin mo lang, Kuya. Lumalaki na si Dalli, next time pagbalik niyo hindi niyo na mabe-baby yan. Hindi katulad nung uncle niyang isip bata hanggang ngayon." Tiningnan ko saglit si CK. "Be back later! Labas muna kami nitong maarteng to. Baka daw mangitim sya pag nasinagan ng natatakpang araw." Paalam ko sa kanila kasabay maglakad CK palabas. "Ayaw kong maging nognog!" Sigaw niya sa likod ko habang nag-stretching ako at sya pasakay sa mountain bike niya. Inirapan ko lang sya at nagstart mag-jog. "Hindi mo ba alam na mas hot ang lalaki kapag di kaputian? Nagmumukha kasing bakla yung sobrang maputi." I declared matter-of-factly dahil ayaw ko sa sobrang puti. Yung mas maputi pa sa akin yung lalaki. Umismid sya sa akin dahil may mas hot pa daw kesa sa ganung kulay ng balat. Hindi naman sya sobrang puti pero maputi sya. Gets niyo ba? It's like borderline milk chocolate and beige. I really don't know how to describe his color but yeah, ang alam ko lang, mas maputi sya ng ilang color strips sa akin. Nagpatuloy lang kaming tumakbo for nearly an hour and stopped under the shade of a tree. Pawis na pawis kaming pareho at nakikita kong namumula yung mga pisngi niya sa pagod. Umupo ako at sumandal sa katawan nung puno. Hinagis ko sa kanya yung face towel sa kanya para punasan nya yung pawis nya. Hinawi nya yung buhok niyang stuck sa mukha niya saka yumuko at magpagpag na parang aso sa harap ko. Lahat ng pawis niya sa buhok napunta sakin. "CK! Ano ba! Kadiri naman ‘to." Lumapit sya sa akin at pumwesto sag it ng mga binti kong nakatupi. "Punasan mo yung likod ko. Isip bata ako diba?" Paghagis iya pabalik sa akin nung towel. Hinubad nya yung suot nyang jersey tumalikod sa akin.Wala akong nagawa kundi titigan yung nag-flex na back muscles niya dahil nasa yung braso niya nakatungkod sa ground na katapat nung legs ko kung san sya nakapagitna. Damn those back muscles and triceps. "Earth to Amya! Stop staring at my back." Tila naputol yung pagpapantasya ko sa kanya nang marinig ko ang boses nya. Sinimulan ko na lang na punasan yung basa nyang likod and I can't help but feel his damn muscles. "Sabi ko sayo, wag mong titigan yung likod ko. Yung harap dapat dahil nandun yung gwapo kong mukha." Nagulat na lang ako nang makita kong nakaluhod na sya sa tapat ko at nakahawak yung mga kamay nya sa magkabilang tuhod ko. "Itong mukhang to ang dapat na tinitingnan. Sayang kasi." Mas lalo pa nyang nilapit yung mukha nya na naging dahilan para maramdaman ko yung hininga niya sa mukha ko. Ganun kalapit yung mukha niya. Nanlaki yung mga mata ko at napatingin siya sa mga labi ko. Nakita kong nag-iba ang kulay nito. Biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Bago pa man ako makapag-isip, naramdaman ko na lang na lumapat yung labi niya sa labi ko. Napapikit ako. His lips are so soft. Hindi siya gumagalaw hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hawak ko pa din yung towel na kanina lang eh pinangfi-feel ko nung muscles niya. Kinuha nya yung kamay ko para itaboy yung towel yung towel. Dahil hindi ko alam kung san ko ilalagay ang mga kamay ko ipinatong ko lang to balikat nya. Naramdaman ko na lang na umakyat yung kanang kamay niya sa leeg ko na awtomatiko namang hinawakan nung kaliwa kong kamay. He feels so warm. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya itinutulak. Ang tanging alam ko lang ay ang pagkagat niya sa lower lip ko. Biglang napabukas yung mga mata ko at nakita syang nakatitig lang sa akin habang magkalapat pa din ang mga labi. Inilayo niya ng konti ang mukha niya sa akin saka nag-smirk. "Ano? Anong mas hot, yung pagkakaroon ng darker skin tone o yung mga labi ko?" Napaawang lang yung bibig ko sa tanong niya. Kinilabutan. Dahil alam ko ang sagot dun. Pareho. He gave me another peck at tuluyan nang humiwalay sa akin para tumayo. Iniabot nya sa akin yung mga kamay nya para ako naman ang itayo niya. "Angkas ka na sa likod ko. Para makakain na tayo. Nagugutom na ako." Nakatulala lang ako at hindi ko alam kung paano kami nakarating sa bahay nang hindi nahuhulog mula sa likod niya. That was my first kiss!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD