0000001

2397 Words
0000001 Damsel in shining armor   "Hi, Miss. Can I get your number?" Sambit ng baritonong boses mula sa aking likuran. Naramdaman ko namang may tao sa likod ko dahil may aninong mas matangkad sa akin at ramdam ko yung init na nagmumula mula sa katawan niya. "Kung sino ka man, lumayo ka sakin. Hindi maganda gising ko." Bugnot kong pagbabanta habang patuloy lang akong nakatingin sa malayo. "Miss, kaya nga ako nandito para pagandahin ang araw mo." Mahanging sagot ng kung sinumang unggoy ang nasa aking likuran. Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. Yung nanlilisik. Isinagot niya sa akin ang mga nakangiting mga mata niya na aakalain mong kumikinang. "Mukhang hindi nga maganda gising mo, woke up on the wrong side of your bed?" Umalis ako at lumipat sa ibang bench. Kasalukuyan kasi akong nagpapatay ng oras dito sa grounds hanggang magsimula ang aking morning class. Nag-settle naman ako two benches and one post away from him. "You can wake up on mine if that would make you feel better." Pero hindi yata nakakaintindi itong isang ito na gusto ko ng matahimik ng umaga. "I would feel better if I'm alone." Tiningnan ko syang muli. "Get it? Alone? Yeah, shoo." Nakatingin lang siya sakin with his amused face. Eyes, as I said, are gleaming with amusement. Alam mo, Amya... hindi bagay sayo yung nakasimangot." Sya namang pag-usog nya para mabawasan yung distansya sa pagkakaupo naming dalawa. "Alam mo, Biko..." inilingon ko yung ulo ko para tingnan sya. Pinandilatan naman nya ako nang marinig niya yung tawag ko sa kanya. "Yung kakulitan mo yung magpapahamak sayo. Saka may klase ka, hindi ba?" Bumalik lang yung tingin ko sa harap ko. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na umikot sya sa pagkakaupo niya. Ang itsura niya ngayon ay nakaupo siyang paharap sakin at yung kanang binti niya ay nakatupi sa harap niya. "Nagc-crave ka ba sa biko?" Ginulo nya muna yung buhok nyang kanina'y nakasuklay palikod at saka nangalumbaba sa ibabaw ng bag niyang wala namang laman. Inilingon ko lang ng kaunti yung ulo ko pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. "Wag kang mag-alala, bibilhan kita mamaya." Pag-conclude pa niya sa tanong niya. Napakagaling talaga ng lalaking ito, tanong nya... sagot nya. "Pero..." lumapit pa siya lalo sa akin at sumeryoso ang mukha. "Ilang beses ko bang sasabihing Zico ang middle name ko? Z-I-C-O?" Paglilinaw nyang giit sa kung anuman talaga ang pangalan nya. "Well, wala akong paki, Siko." Saka ako umakmang sisikuhin yung mukha nyang mas lalo pa yatang lumapit. "It's Zico, you monkey!" bigla naman nyang ikinulong yung ulo ko sa braso nya. Yung tipong hineadlock niya ako saka ginulo yung kalmado kong buhok. "Biko!" Hirap kong sigaw dahil nakikiliti yung leeg ko "Yung buhok ko, please. Wag mong galitin, mahirap pakalmahin yan!" Binitawan nya yung ulo ko pero dumiretso yung kamay nya batok ko. Shít! "Ano yung ginagalit at mahirap pakalmahin, Amya?" Hindi ko sya malingon dahil dun sa kamay nyang malapad na nakalapat sa batok ko. "Shít ka, yung buhok ko!" Impit kong sigaw sa kanya dahil nahihirapan akong sumigaw dahil tawa ako ng tawa at nakasapo yung mga ulo ko sa kamay kong nakapatong sa legs ko. "May alam kong madaling galitin, masarap pakalmahin." Mahina nyang bulong habang nakalevel yung mukha nya sa pagkakayuko ko. "Bitawan mo na ako! Susungkitin ko yang kulay tsokolate mong mga mata!" napahalakhak sya sa sinabi ko na dahilan naman para lumuwag ng kaunti yung grip niya. Agad akong tumayo at ambang hahampasin ng libro. "Amya, hindi mo makakain yung mata ko. Alam kong favorite mo yung chocolates but please spare my soulful eyes." Awtomatiko namang nag-play sa utak yung Brown Eyes ng Destiny's Child "Alam mo ikaw -" pagsisimula ko habang pinanduduro ko yung libro, "Gwapo." Singit naman nya. Nakanamputs! "Napakamanyak mo talaga! Pumunta ka dun sa mga babae mo." Nag-soften naman yung mga expression ng mga mata nya. "Mga babae? Dalawa lang kaya babae sa buhay ko." Napatingin ako sa kanya, "Akala ko ba playboy ka?" "Playboy nga. Pero si Mama pa din ang nangunguna dito." Nawala yung init ng ulo ko dahil sa sinabi niya. Mama's boy. "Pero hindi ako Mama's boy, ha? I just love her." "Sino yun isa?" tumayo naman sya sa pagkakaupo nya sa bench saka nya ipinatong yung braso niya sa balikat ko. "Secret muna. Para sabihin ko sayo kung sino, samahan mo ako mamaya, ah? Please?" Pagmamakaawa nyang bigkas while fluttering his long eyelashes. "Yan, dyan ka magaling. User friendly ka! Alisin mo na nga yang braso mong mabigat. Workout pang nalalaman, lalo lang lumalaki yung braso." Imbis na tanggalin, lalo lang nyang hinigpitan yung pagkakapit sakin saka kinabig papunta sa katawan nya. Yung tipong parang shineshake ako. "Dali na. At least friendly! Puntahan na lang kita kila Anne, alam kong dun na naman kayo tatambay." Saka naman nya ako binitawan at kinuha yung flat nyang bag. "Bahala ka. Saka, bakit parang walang laman yung bag mo? Nag-aaral ka ba talaga?" tanong ko habang inaayos yung buhok kong nabusabos dahil sa Zico biko na ito. "Ito? Porma lang 'to. At nag-aaral ako, nag-aaral akong pumukaw ng mga puso." Inirapan ko lang sya dahil wala naman talaga tayong magagawa sa taong napuno na ng hangin ang ulo. "Sige, Summa c*m Laude ka na dyan sa course mo na yan." Pagsang-ayon ko na lang ng wala sa oras dahil papaalis na sya. "Syempre, inspirasyon kita!" banggit nya habang naglalakad na sya palayo sa akin. Nag-half turn sya't nag-mock salute pa sa akin. Hindi ko pinalampas ang pagtama ng araw sa buhok nya habang patawid sya sa university grounds papunta sa building nya nasa kabilang side. Sinabi ko na bang pag natatamaan ng ilaw yung buhok nya lumilitaw yung tunay na kulay nito? Dark chocolate hair Dahil pag walang nakatapat na ilaw ay aakalain mong black but when he's under direct light, especially sunlight, sumasarap yung buhok nya - sumasarap tingnan. Hindi ko alam kung gano katagal but I just looked at his retreating back until he disappears from my vision. Nagulat ako nang biglang nag-ring yung cellphone ko at agad kong tiningnan kung sino. I answered the call, "Stop ogling CK and get your fat butt here." Ni walang hi at hello. Hinanap ko kung nasan sya naroon. May nakita akong kumakaway, mga kaibigan ko pala. "Wow. Thank you for calling, Pao, but I was not ogling CK. No." I ended the call at nag-proceed akong puntahan sila sa isang table sa may pavilion.Nakarating ako at napansin kong pare-pareho silang naka-smirk sa akin. Actually no, Anne and Paoline's we're all red at pinipigilan nila yung kilig nila while the other two guys - Jett and Gray - are the only ones smirking. "Ugh, bakit? Nakakaloko yung mga tingin niyo." Tanong ko. Duh. "Wala. May nakita lang kasi kaming Superman." Sabay na sabi ni Jett at Gray. Bumalik din naman sila sa ginagawa nang matapos nila akong tawanan at asarin nang kaunti. Hindi ko maintindihan yung ginagawa nila kaya hinayaan ko na lang Tumayo naman si Anne at Paoline para pumunta sa magkabilang side ko para hilahin palayo sa table. "Nakita namin yun." Taas-baba yung eyebrows ni Anne habang kinukurot-kurot ako sa tagiliran ko. "ano bang problema niyo. Parang si CK lang yun!" Hindi nila ako pinansin. Lumingon si Anne dun sa naiwang dalawang lalaki. "Pupunta kayo mamaya ha?" Um-oo lang yung dalawa habang tutok pa din sa nasa harapan nila. Magtatanong pa lang ako nang magsalita si Paoline, "Mamaya na lang, please. Male-late na tayo pare-pareho pag hindi pa tayo umalis." Parehong hindi pa din mawala yung ngiti sa mga labi nila. CK: I'll be at Anne's later! Yan yung text niya na nareceive ko right after matapos ng huling klase ko. Hindi ko nireply-an dahil ganun ako katamad. Hinayaan ko na lang. Palabas na ako ng university nang mag-vibrate yung phone ko. Another message from the Biko. CK: Sasamahan mo ako ha? Dahil wala kang choice. Tingnan mo to. Napaka-demanding. Siya na lang magpapasama, ako pa yung walang choice? Itinago ko ang phone ko sa bag ko saka sumakay ng jeep papunta kila Anne. Nang makarating ako, naabutan kong nandun na si Thea at Teyah. Kambal na kapatid ni Paoline. "Asan si Paoline?" tanong ko sa kanilang dalawa na busy sa mga iPads nila. Kilala na kami dito kila Anne at lagi kaming dito tumatambay every other day. Sabay silang tumingin sa akin at nagsalita, "Kasama si Ate Anne, nagpuntang grocery." I just nodded and sat down the sofa adjacent to where they are. "San si Kuya CK?" Bago pa man ko pa man masagot yung tanong niya, "Nandito na ang pinakapogi, pinakamatalino, at pinakamagaling na si CK!" pagmamayabang na pasok ni CK sa loob sabay salampak sa tabi ko. "Speak of the devil." Bulong ko sa sarili ko. "Missed me?" madrama nyang pihit ng ulo nya paharap sa akin. "Tigilan mo ako ngayon, CK. Nagugutom ako." Saktong sakto namang tumunog yung tyan ko. Napaapikit na lang ako. Sana ako lang nakarinig nun. "Kaya nga may dala akong Biko. Alam kong gusto mo to kasi kanina ka pang umaga nagkakamali sa pagsabi ng pangalan ko." Anunsyo nya habang lumiyad sya across the sofa para abutin yung brown paper bag na nakapatong sa side table. Lumiwanag yung mukha ko nang ilapag nya yun sa center table kung san nya pinatong yung legs nya. Tinapik ko yung legs nya para ibaba ulit. "Ayan ang user friendly. Binigyan na ng biko wala pang thank you." Kumuha ako ng isang malaking scoop ng biko saka isinubo. "Thank youuuuu." Banggit ko habang ngumunguya saka ngumiti sa kanya ng pagkalaki-laki. "Tss. Don't talk when your mouth is full." Napatingin ako sa nagsalita. Si Kiel pala na papasok at may dalang isang malaking plastic ng junk foods. Kasunod nya sila Leia, Anne, Pao, Jett, at Gray. "San kayo galing? Buti naman nandito na kayo. Manood na tayo, please. Kanina pa kami dito ni Thea tapos ang gulo gulo nung dalawang to na nasa harap namin." Pagrereklamo ni Teyah na ngingiti-ngiti. "Ops! Sorry, guys. Aalis kami ni Amya." Pag bounce naman nya patayo mula sa sofa na nagging dahilan para mahulog yung sanang isusubo kong piece ng biko. "Sayang yung biko, Biko!!! - este, CK!" I scowled at him. Hindi ba nya alam na maraming nagugutom ngayon? Parami nang parami! Kaya every piece counts. "Bibilhan na lang kita ulit mamaya after mo akong samahan. Dali na, kailangan talaga kita." Pagluhod niya sa tabi ko. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at tinatawanan lang nila ako. "Please, please, please." Paulit ulit nyang bigkas habang nagbabounce. "Samahan mo na yan. Baka umiyak pa yan pag di mo sinamahan." Aniya ni Amelle na kasalukuyang nagtitimpla ng lemon juice. Ek, ew! Ayaw ko ng lemon juice. Nangingilabot ako iniimagine ko pa kang yung lasa. Umasim tuloy yung itsura ko. "Sige na. Bakit kasi lemon juice yung inumin natin ngayon?" saad ko habang tinititigan yung nahulog na biko. "Correction, inumin NAMIN. Aalis kayo ni CK!" bigkas ni Anne habang inaayos yung papanoorin nilang horror. "Bakit horror yung nakaline up na movies?!" gulat kong tanong. Ang sumagot naman sa akin ulit ay si Anne "Ano? Correction nga, namin. Di kayo kasama kaya umalis na kayo ni CK bago ko pa iplay ito." Sinabi pa lang nya yun, natakot na ako. Ipapanood niyo na lahat wag lang horror. "Ito na, ito na. Tara na nga, CK. Pinagkakaisahan ako ng mga kaibigan ko." Hinila ko patayo si CK mula sa sofa at hinila palabas ng living room. "May araw din kayo sakin." Padabog kong sara ng pintuan. "Saan ba kasi tayo pupunta? Bakit ako ang kailangang sumama. Badtrip ka naman eh." "Basta, kailangan ko ng may maganda at malinis na budhi para may pangontra sa masamang ispiritu." Sabi niya habang binubuksan nya yung pintuan ng sasakyan nya. "Dali, sakay na! Hindi dapat pinaghihintay ang prinsipe." Lumakad ako palapit at tumawa Napakakapal ng mukha talaga nito kahit kalian. Umikot sya sa papunta sa side niya saka nag-drive palayo kila Anne. Habang nagd-drive sya, hindi ko maiwasang inspect-in yung sasakyan nya. "Bakit nawala si Mr. Teddy dito?" Mayron kasing cute medium sized chocolate brown bear stuffed toy sa sulok ng passenger's seat nung makailang beses na akong nakasakay dito. "Kinuha ni Dallilah. Baka gusto mong bawiin sa kanya ngayon?" he glanced at me very shortly after nyang sabihin yun. "Ibig sabihin pupuntahan natin si Dallilah ngayon?" Excited kong saad. Tumango lang sya. "Kaya nga kailangan ko tulong mo dahil alam mo naman kung gano kalikot yung bulilit na yun." Si Dallilah ang pamangkin nya sa Kuya nyang si Gage. "Walang magbabantay?" "Wala. May emergency daw ni Yaya Pearl. Eh hindi naman pwede bumalik ni Kuya from Hongkong diba? Kakaalis lang nya kanina kaya nagmamadali ako. Sabi ko kasi puntahan ko agad sila right after class." "Bakit kasi hindi mo sinabi kaagad kanina? Secret-secret ka pang nalalaman." "Ganun talaga." Pinatay naman nya yung makina ng kotse. Dun ko lang namalayan na nakarating na pala kami kila Kuya Gage. "Saka madali ka lang namang makakauwi, nandyan lang yung bahay niyo sa tapat." Oo, magkapit-bahay lang kami ng Kuya nya. Samantalang itong si CK nag-stay sa parents niya mga 4 blocks away from our street. Sila Anne naman nasa kabilang dulo nitong lugar namin. Hindi naman masyadong kalayuan kaya mabilis lang yung car ride. Bumaba na ako at nakita kong nakasimangot si CK. "Dapat hinintay mo akong pagbuksan ka." Nakapout pa sya nyan. Parang batang nag-tantrum. I patted his shoulder "Next time, Mister Chivalrous Knight." And proceeded towards the gate. Bago pa man ako makapag-doorbell nabuksan na ni Yaya Pearl na may dala dalang bag. "Ay nako, CK. Buti na lang nandyan ka na." Natatarantang sabi nya. "Yaya, yaya... kalma ka lang po." Paghawak ko naman sa balikat nya para pakalmahin. "Ah....eh....ikaw pala yan Lois! Sorry, yung anak ko kasi sinugod sa hospital." Niyakap ko si Yaya Pearl at sinabing, "Bakit po? Nevermind. Sige po, una na po kayo. Kami nang bahala kay Dallilah. Ingat po." I smiled and waved my goodbye pagktapos ay isinara ko na ang gate. "hi, Ate Lois!" bati sa akin ng nakakargang Dallilah kay CK. "Hello, pretty lady." We high-fived each other at lumipat sya ng karga papunta sa akin. "Wanna watch something?" tanong ni CK pagkapit sakin ni Dalli. Umiling sya, "Nah. Let's read books na lang Uncle CK!" Natawa naman ako sa palayaw niya. Ayaw na ayaw pa namang nagbabasa nito ni CK. "I'll read for you, little girl." I offered. Mukha namang natanggalan ng tinik sa dibdib tong isa. "Okay, ate Lois. Put me down na, I'll get my fairy tales." Ibinaba ko sya saka sya nagbounce bounce habang naglalakad papasok patungo sa stairs nila. "Thank you, Amya! Alam mo namang...." "Oo, alam ko. Kaya nga sinagip kita. Psh." "Yeah, 'coz you're my damsel in shining armor." Banat nya bago ako akbayan at hilahin papasok ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD