0000000

669 Words
0000000   Nag-iisa ako ngayon na palabas ng simbahan dahil naiwan sila Mommy sa loob dahil may kausap pa sila for their renewal of vows nila ni Dad. Hindi pa man ako nakakalayo sa huling hakbang ng hagdanan, may pumigil na sa mga braso ko. Nilingon ko kaagad kung sino ang may gawa nun at nagulat ako nang si CK ang makita ko. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niyang nakapalibot sa akin. "Anong kailangan mo?" saka ko siya tiningnan sa mga mata niyang walang emosyon. Binitawan niya ako bigla na para bang napaso sa pagkakahawak sa akin.Nakatitig lang siya sa akin na para bang may gustong sabihin. "If you don't have anything to say, please excuse me." tinalikuran ko siya at nagpatuloy maglakad, pero muli na naman niyang hinila ang mga braso ko. I'm an arm's length away from him and I don't know why my heart started to beat frantically. "Ano ba talagang kailangan mo? Kung wala kang magawang matino, wag kang manggulo ng ibang tao." Pilit kong binabawi ang mga braso ko mula sa kanyang pagkakahawak pero ayaw niyang tuminag. "Lois," mahina niyang sambit, "I'm sorry.” Napatigil ako at hindi alam ang gagawin. I was taken aback. Bakit siya humihingi ng patawad? Kasalanan ba niya? Maybe.Maybe not. "I hope you're happy." This time, ako naman ang mahinang nagsalita habang pinipigilang tumulo ang mga luha. Tila ba natauhan siya sa narinig at naging seryoso ang mukha. Wala na ang halos nagmamakaawa niyang ekspresyon kanina. "I am,” monosyllabic niyang tugon. Umiwas siya ng tingin kaya alam kong nagsisinungaling siya. He can't look at me and he's standing stiffly. "I know when you're –" humigpit ang hawak niya sa akin. "I am. Please don't make it harder for me." Umiling-iling siya at umigting ang panga. Napaatras ako dahil hindi ako makapaniwala. Ako pa ngayon yung nagpapahirap sakaniya? Gusto ko na lang matawa. I'm clenching my fists very hard that they feel numb and cold. "If that floats your boat, then keep sailing." Pabalibag na tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Nagsimula na akong humakbang ng malalaki at mabilis para maiwanan ko na siya kung saan man siya nakatayo ngayon. Wala pang ilang segund, naramdaman ko na lang na basa na pala ang aking mga pisngi. Damn you, tears. I can't help but hold onto my chest - where my heart sits achingly. What are you even doing to me, CK? "Damn you, CK. Damn you to hell." Inis kong bulong sa sarili. "Loislane!" I stiffened when I heard Mommy’s voice. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at saka lumingon kung saan nanggaling ang boses. Sakto naman na nandun din pala si CK na may kasamang babae. Pareho silang nakatalikod dahil kausap sila ni Mommy. No. No, this is not good. Nagsimula akong mag-panic at mukhang tangang naghahanap kung saan lugar tatakas. Nakahinga lang ako ng maigi dahil muti na lang hinayaan na sila ni Mommy na makapasok sa loob ng simbahan. Hindi rin naman nakatakas sakin yung pagkapit ng mga braso niya sa bewang nung babae. Ang swerte mo. Samantalang dati, sa akin siya nakaganyan. Nakaestatwa lang ako dun hanggang sa tawagin ako ulit ni Mom. "Loislane! Halika dito. Hinahanap ka ng Daddy mo." Huminga ako ng malalim saka lumapit. "Loislane, nakita mo ba si CK?" pag-aalangang tanong ni Mom. "CK? He's here?" tiningnan naman ako ni Mom nang nagtataka. "You didn't... see him?" I looked at her and smiled. “Nope.” Tumingin ako kay Dad na papalapit. "Huwag na po nating pag-usapan ang nakaraan." Please. Mom half hugged me offering me the comfort I don't really need. Nag-aya na si Dad nang makalapit siya dahil sa iba pa namin na pupuntahan. Inakbayan niya si Mommy at pinauna ko na silang maglakad papunta sa sasakyan. How I wish to be just like them. How I wish to have a love so strong, they can hold onto one another no matter what happens. Hanggang hiling na nga lang ba yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD