"W-Wag please wag! B-Babayaran kita! Babayaran kita ng malaki!-"
Pagmamakaawa sa akin ng lalaking nasa harap ko. Punong-puno ng takot ang mga mata niya.
Nakatutok ngayon sa ulo niya ang b***l ko at hinihintay ko na lang ang signal para kalabitin ang gatilyo.
"P-Parang awa mo na-"
Hindi na ito natuloy ang sasabihin nito nang tuluyan na tong barilin ng kasama ko.
"Tsk! Liev anong ginagawa mo?!" Sambit ko. Kunot noo akong napatingin sa kaniya. Wala pang signal na barilin ang target namin!
"We have no time left. Umalis na tayo."
Napaismid na lamang ako bago ko ito sundan sa pagtalon sa bintana.
"Hanggang diyan na lang kayo!" Rinig kong sambit ng isang lalaki.
Bago ako makatalon ay naramdaman ko ang pagtutok ng b***l ng mga lalaking kakarating lang sa silid. They must be the useless bodyguards.
"I-Itaas mo ang kamay mo! Kung hindi babarilin kita!" Nauutal na sambit ng isa sa kanila.
Kumurba ang isang ngisi sa labi ko sa sinabi nito. "Then shoot me."
Kahit nanginginig ang mga kamay, nagawa akong barilin ng isa sa kanila.
"Scarlet!" Liev shouted.
I felt my eyes changed. And the next thing I knew, nanginginig at napaluhod ang mga bodyguards sa nakita nila.
"U-Ung bala, t-tumagos ung bala!" Hindi makapaniwalang sambit ng isa sa kanila.
Hindi ko mapigilang matawa sa mga reaksyon nila. Kasabay nun ay ang pagapoy ng buong katawan ko.
"H-Halimaw! Halimaw!" Sabi ng isa.
"Ouch, masakit yun ah." Nagawa ko pang hawakan ang puso ko na parang bang kumikirot ito.
"Tsk! Scarlet tara na!" Rinig kong tawag ni Liev.
Nakita kong tumatakbo na ito sa hindi kalayuan. Tsk. Grabe hindi man lang ako inintay.
Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras at umalis na rin ako. Kasabay ng pagtalon ko sa bintana ay ang paghampas sa akin ng hangin. I flew towards Liev.
"Tsk! Anong ginagawa mo?! Bakit mo pinakita ang gift mo sa kanila?!" Naiinis na sambit sa akin ng kasama ko.
"So what? Do you think someone will believe them if they tell it?" Sarkastikong sagot ko.
Hindi na nakasagot sa sinabi ko ang lalaking kasama ko at nagpatuloy na lang kami sa pagtakbo.
I smirked. I won the argument, as always. Totoo naman ang sinabi ko. Walang maniniwala sa kanila kahit sabihin pa nila yon.
Who would believe them if they said that they saw a phoenix?
"S03! L04! Welcome back! As usual nagawa niyo nanaman ung mission niyo."
Sinalubong kami ni Liev ng mga bati nang makarating kami sa base namin. Lagi na lang nila kaming inaabangan kapag galing kami sa misyon. Dahil na rin siguro na kami ang tumayong mga ate at kuya sa kanila.
Other than Papa and the nannies, kaming mga code 1-9 ang mga nakakatanda rito. Or known as the one digit codes.
Every one of us have our own codes. First letter ng name mo at ang number mo. Most likely, mas maliit ang number ay mas malakas ang gift. And my number is 03.
"Scarlet! Kwentuhan mo naman ako kung anong nangyari sa mission niyo!" Sambit sa akin ng isa.
Code W28, wyatt. 7 years old. Heir of Apollo.
I smiled as I walked towards him. "Sige, mamaya ha? Pupunta lang kami kay Papa." Sagot ko.
Hindi ito umangal bagkus ay nginitian ako nito. "Okay!"
Nagpaalam na kami ni Liev sa mga batang nag-abang sa amin sa bungad ng base at nauna na kaming pumasok sa loob.
This is the place where we grew up. Ang lugar na tumayong tahanan namin. Kung saan lahat ng kasama namin dito ay tinuturing naming kapatid.
Dito na ko nagkaisip kaya ito na rin ang tinuring kong tahanan.
Malaki ang pasasalamat namin kay Papa, ang lalaking tumayong magulang sa aming lahat. Binigay niya ang pangangailangan namin at minulat ang mga mata namin sa lahat.
We were told that we were abandoned when we are still a child. Because they are scared of our powers. Our gift.
But this is not an orphanage or something.
Hindi kami pinalaki rito para mapunta sa kung kaninong pamilya. Papa trained us. Taught us our gifts and how to use them. And in order to pay him and show him our gratitude, we work for Papa.
We were raised as an assassins. To kill anyone who our client told us to kill. Pati na rin ang mga taong sagabal sa plano ni Papa. Ang plano niya para sa aming lahat. Gagawa siya ng future kung saan tatanggapin kami ng lahat at hindi kami katatakutan sa mga kakayahan namin.
"Oh my children! Welcome home!" Bungad sa amin ni Papa nang makarating kami sa silid niya.
Gaya nang nakasanayan ay nireport namin sa kaniya ang lahat ng nangyari sa trabaho namin. We successfully killed our target without any problem.
"I know you can do it. Kaya nga sa inyo ko binigay ang trabaho." Nakangiting sambit sa amin ni Papa.
"Magpahinga na kayo mga anak ko." Dagdag nito.
Sinunod namin ang sinabi niya at nagsimula na kaming umalis sa silid. Naunang lumabas si Liev at nung ako na ang palabas ay nahinto ako sa sinabi ni Papa.
"Uhm, wait lang Scarlet."
Napatingin ako kay Papa at napansin kong nagdadalawang isip ito sa sasabihin niya. "Bakit po, Papa?"
Huminga muna ng ito ng malalim bago siya nagsalita.
"Alam kong kakagaling mo lang sa trabaho, pero I have a mission for you." Sambit nito.
"Sa'yo ko gustong ipagkatiwala ang misyon na ito." Dagdag niya.
Nanatili akong nakinig sa sinasabi niya. "Anything for you, Papa. Kanino galing ang misyon? Who do I need to kill?"
"Its from me, Scarlet."
The atmosphere suddenly changed. Naging seryoso ang ekspresyon ni Papa sa sinabi niya habang natigilan ako.
"So I'm going to kill a gifted huh?" Sambit ko.
Tumango sa sinabi ko si Papa.
"Kung hahadlang siya sa plano niyo ay kaylangan ko talaga siyang patayin."
Kumurba ang isang ngiti sa labi nito sa sinabi ko. "Gaya ng inaasahan ko, maipagkakatiwala ko talaga sa'yo tong plano na ito."
Lumapit si Papa upang yakapin ako. "But she's not an ordinary gifted Scarlet. Natatakot ako dahil baka hindi mo siya kayanin."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Wala po ba kayong tiwala sa akin?!"
Umiling si Papa sa sinabi ko. "Hindi sa ganon anak,"
Nabigla ako nang bigla na lamang nagpunas ng luha si Papa. Agad kumulo ang dugo ko sa taong gustong ipapatay niya sa akin. Sino ba siya at bakit ganito na lang ang nararamdaman ni Papa sa kaniya?!
"Ayoko lang maulit ang nangyari kay Addi, Scarlet."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Natigilan ako nang banggitin ni Papa ang pangalan ni Addi. "A-Ang ibig niyo po bang sabihin?-"
Hindi pako natatapos ay tumango na agad ito sa sinabi ko.
"Binigay ko ang misyon na ito kay Addi pero hindi na siya nakabalik pa. T-This woman killed Addi!"
My eyes blazed with anger. Nagkaroon pa lalo ako ng dahilan para patayin siya. Addi was one of us! She's A08! And its been a month since she disappeared!
Kung ganun ay napatay pala talaga siya sa misyon. Hinding-hindi ko mapapatawad ang pumatay sa kaniya.
"S-Sobra kong sinisisi ang sarili ko Scarlet. Sagabal siya sa plano natin kaya gusto ko siyang mawala! Pero hindi iyon nangyari at kinuha niya pa sa atin si Addi!"
Nagsimula ng maluha si Papa. Habang hindi naman ako makapaghintay na patayin ang taong nasa likod ng lahat ng ito.
"Ako na ang bahala Papa. I will finish Addi's job. Hindi na siya sasagabal sa plano niyo." Seryosong sambit ko.
Nagawang makangiti ni Papa sa sinabi ko. He patted my head and he gave me a proud look.
"Very well Scarlet, kill this person. Para sa future ng lahat. Kailangan niyang mawala."
"Kill Helena, the principal of Lunar Academy."
•••