2. Kill the Target

1149 Words
Its been three days since ibigay sa akin ni Papa ang misyon. The mission to kill Helena, the principal of Lunar Academy. Ayon sa mga impormasyon na nakalap ko ay nasa Nocturne Academy si Helena at pabalik na siya ngayon. Nandito ako sa gitna ng gubat kung saan dadaan ang kalesang sinasakyan ni Helena. Sakto pa at madilim na ang paligid. Its perfect for ambush. Sa kabila ng paghahanda ko ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan. My heart kept pounding fast. Helena is known for being unbeatable. Sa lahat ng nagtangkang pumatay sa kaniya ay walang nagtagumpay, bagkus ay mga bangkay na lamang nila ang naging patunay na hindi nila napatay si Helena.  She's a Heiress of Cronus, the God of time. Isa sa tatlong gifted na iniiwasan kong makaharap. Pero hindi ito ang panahon upang matakot ako sa kanya. Para ito kay Papa, para sa plano niya. Hindi ko hahayaang maging sagabal si Helena sa plano ni Papa. At isa pa, kailangan kong ipaghiganti si Addi. Sisiguraduhin kong mapapatay ko si Helena. Hindi nagtagal ang paghihintay ko nang marinig ko na ang kalesa na paparating. Hinanda ko na ang sarili ko upang sumugod. Pero labis akong nagtaka nang unti-unti na itong makalapit sa akin. Wala ang kutsero sa harap at tumatakbo ang kabayo mag-isa.  My forehead furrowed. Ngunit sa kabila ng pagtataka ko ay sinimulan ko ng lumapit dito para sumugod. Wala akong panahon para problemahin ang kutsero na iyon. My target is Helena. I felt my eyes changed nang makalapit ako sa kalesa. I was about to open the door when it opened by itself. Kasabay nun ay ang biglaang pagtigil ko. Pati na rin ang pag-andar ng kalesa ay huminto, ang paghampas ng hangin, at ang paggalaw ng mga puno. Fear and panic crossed my face. W-What happened?! "Tsk, tsk, tsk." Tuluyang bumukas ang pinto at bumaba ang isang taong hindi ko inaasahan. A little girl with a blonde hair. Nasaan si Helena?! "I'm Helena." Sambit ng bata. Nabigla ako nang sumagot ang batang babae na para bang nababasa ang nasa isip ko. S-She's Helena?! Helena was a little girl?! Pagkababa nito sa kalesa ay agad niyang nilibot ang kanyang paningin sa paligid. Naguguluhan pa rin ako. P-paano tumigil ang paligid?! Is this her gift?!  P-pero kahit ganon ay paano niya nalaman na nandito ako?!- "Paano niya nalaman na nandito ako?," Bigla na lamang nagsalita si Helena. "Its what you're thinking, right?" Dagdag nito.  Hindi nagalinlangan si Helena na lapitan ako. Kasabay non ay ang paghawak niya sa buhok ko. "I can't help it. Your red hair caught my attention." Tanging paglunok na lamang ng malalim ang nagawa ko. She's mocking me! Bwisit! Kahit ang gift ko ay hindi ko magamit.  Am I really this weak against a heiress of Cronus? "You really think that you can kill me?" Biglaang sambit ng babaeng kaharap ko. Nanatiling nagsasalita si Helena habang pinipilit ko namang gumalaw. Pero kahit anong hirap ko ay hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Para bang wala na kong kontrol dito. "If you really want to kill me, at least bring a hundred of gifteds or something." Mas lalong umiinit ang ulo ko sa mga sinasabi niya. Pinapamukha niya lalo sa akin na wala akong laban sa kanya. "But I commend your bravery sweetheart." Nakangising sambit nito.  I felt the chills when Helena leaned towards me and whispered. "But you're too weak. Better luck next time." Muli itong bumalik sa loob ng kalesa. Nagawa pa niyang kumuha ng isang tea cup at uminom. "Jeez, kung nakakapatay lang ang tingin kanina mo pa ko napatay."  Hindi ko magawang umismid sa sinabi niya. Sobra-sobra ang galit ko kay Helena, pero hindi ko rin maiwasang mainis sa sarili ko. Nakakahiya ang posisyon ko ngayon. Ni hindi ko man lang nahawakan ang target ko maski ilabas ang sama ng loob ko gamit ang mga salita. All my life I've been training to be stronger. Yet, wala akong laban sa babaeng kaharap ko ngayon. Is it just because her gift? Or I'm really just weak? "What a disappointment." Walang kaemo emosyong sabi ni Helena. Para na lamang akong nanghina sa sinabi nito. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Magagalit ba ko o maawa sa sarili ko? Muli akong pinagmasdan ni Helena. She's probably having fun mocking me. "It seems like you still don't have your familiar." Pag-iiba niya. Naguluhan ako sa sinabi nito. Ano yun? Requirement ba yon para maging malakas? Kung ganun nga eh wala pa nga ako non. I'm still weak. "Meteor." Biglaang sambit ng batang kaharap ko.  Sinabi na lamang yon bigla ni Helena na pinagtaka ko. Inaasar niya ba ko?  Nabigla ako nang may narinig akong malakas na dagundong sa gubat. Kasunod non ay ang pagyanig ng lupa. Nang makita ko ang dahilan non ay parang nanlambot ang buong katawan ko. Kung naigagalaw ko lang ito ay paniguradong natumba na ko sa takot. W-Wtf?! A-Anong ginagawa niyan dito?! I thought that they're already extinct! I freaking T-rex just appeared! "You like it?" Imbis na matakot ay nagawa pang ngumiti ni Helena. S-Seryoso ba to? O baka kanina pako pinatay ni Helena. I-Imposibleng magkaroon niyan dito! "He's my familiar." Sambit ng babaeng kaharap ko. Nagawang hawakan ni Helena ang halimaw sa harap ko. F-Familiar?! What the f**k is that? A kind of dinosaur?! Sa kabila ng takot ko ay hindi parin nawawala ang tingin ko kay Helena. So ganito siya kalakas huh? She can f*****g control a T-rex. Ganito ba talaga ang mga gifted sa labas? Ibang-iba sa mga nakalakihan ko. Papa didn't told us that gifteds can control a dinosaur! "You also have your own." Biglaang sambit ng kaharap ko. Nabigla ako sa sinabi ni Helena. She gave me a serious look. "Though I'm not sure kung ano ang sa'yo." Kumurba ang isang ngisi sa labi niya. "Gusto mo rin bang malaman?"  I don't know what she's plotting. Kung bakit niya pa sinasabi yon at bakit niya pa pinakita sa akin yan. Bakit hindi niya na lang ako patayin? Kagaya ng ginawa niya kay Addi. "I like you, kid." Nakangising sambit ni Helena.  "Come to my Academy." Dagdag nito.  Natigilan ako sa sinabi niya. Hinintay kong tumawa siya at bawiin ito pero hindi iyon nangyari. "I'm serious." Walang ganang sambit ng batang kaharap ko.  Gusto kong murahin siya ngayon. Nasisiraan na ba siya? I just f*****g tried to kill her. Anong pinagsasabi niya?! Is she really having fun mocking me?! "Come to my Academy kid." "Summon your familiar." "Join a guild." "And do missions." Sunod-sunod na sabi ni Helena. She's out of her mind! "And malay mo, magawa mo pakong mapatay hindi ba?" I gritted my teeth and I looked at her dead in the eye. Ano ba ang pinaplano niya? "I'll be waiting for you." Nakangiting dagdag ni Helena.  "Come to Lunar Academy, school for the hunters." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD