UNEXPECTED 2

1070 Words
EPISODE 2 SABINA’S POINT OF VIEW. No f-cking way. I slept with my boyfriend’s twin brother! Anong ginawa niya sa condo unit ni Aiden? Bakit si Caden ang nakasama ko?! “Baby.” Napatigil ako sa aking iniisip nang marinig ko ang boses ni Aiden. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at hindi ko mapigilan na mainis dahil kahit ano talaga ang may malaking kasalanan ngayon sa aming dalawa, sinisisi ko rin si Aiden dahil hindi siya ang nakasama ko kagabi. Hinawakan niya ang aking mga kamay at lumuhod siya sa aking harapan. “Baby, I’m really sorry if I didn’t show up last night. I have an emergency in the studio, and I cannot just leave it alone. I know it’s our anniversary, so even it’s already late, I came to your unit, but you’re not there.” Napakunot ang noo ko nang sabihin iyon ni Aiden. Pumunta siya kagabi sa condo unit ko? Syempre wala ako roon kasi nasa unit niya ako! At... at kasama ko ang kakambal niya na akala ko ay siya! “Saan ka natutulog ngayon?” seryoso kong tanong sa kanya. “I have a new condo unit near in the studio, Baby. It’s a new purchased so hindi ko pa nasabi sa ‘yo ang tungkol do’n,” sagot niya sa aking tanong kahit naguguluhan siya. Lumakas ang t***k ng aking puso at napakagat sa aking labi. Huminga ako nang malalim at pinakalma na muna ang aking sarili bago muling mag tanong sa aking boyfriend. “Sino na ang nakatira sa condo unit mo ngayon?” I asked him again. “Si Caden, Sab. Malapit din kasi ang kompanya roon sa dati kong unit kaya siya na ang nakatira ro’n. Bakit, pumunta ka ba ro’n kagabi?” Mabilis akong umilis at tumalikod sa kanya. “H-Huwag na muna tayong mag-usap ngayon. Hayaan mo muna akong mapag-isa. Naiinis pa rin ako dahil hindi mo ako sinipot kagabi,” malamig kong sabi at nagmadali akong lumabas sa kanyang opisina. “Sabina!” Tumakbo ako palabas at agad na sumakay sa elevator upang hindi ako masundan ni Aiden. Hindi ko siya kayang makausap at lalo nang hindi ko siya kayang matignan sa kanyang mga mata. Oh, God! I slept with his twin brother and it’s not good! I fvcking cheated on him! Hindi ako makapaniwalang si Caden ang makakauna sa akin at kapag nalaman ni Aiden na may nangyari sa amin ng kanyang kakambal ay sigurado akong masasaktan siya at hindi niya kami mapapatawad ni Caden. I need to talk to Caden. Kailangan ko siyang makausap at masabihan na wala dapat siyang pagsasabihan sa nangyari sa aming dalawa, hindi dapat ito malaman ng boyfriend ko. Mabilis akong nag-drive papunta sa kompanya ni Caden. He’s a businessman but he’s also part of a band with Aiden and their cousins. Alam kong nasa office siya dahil wala silang schedule para sa band. Kung wala silang schedule sa band, busy sila sa mga negosyo nila. Madali lang akong nakapasok sa loob ng kanilang kompanya dahil kilala na nila ako and I’m a Generoso and a Santiago, everyone knows me. “Where’s Caden?” tanong ko sa kanyang secretary nang makasalubong ko ito sa daan nang makarating na ako sa floor kung saan located ang office ng kambal ng boyfriend ko. “Miss Sabina! Kayo pala. Nasa loob po si Sir Caden at may pinipirmahan lang po siya na mga papeles,” sagot nito sa aking tanong habang nakatingin. Tumango naman ako at nagsimula nang maglakad papunta sa office ni Caden. “I need to talk to him at ‘wag niyo muna kaming istorbohin,” malamig kong sabi at tinalikuran na ito. Wala nang nagawa ang secretary ni Caden kundi ang pagbigyan ako dahil kilala naman ako ng lahat dito. Pagkapasok ko sa loob ng opisina ni Caden ay agad ko siyang nakita na nakatutok sa mga papeles na kanyang hawak. Malakas ko na isinirado ang pintuan upang mapatingin siya sa akin. Kita ko ang gulat ni Caden nang makita ako at napatayo rin siya at hinubad ang kanyang suot na salamin. “Veronica! What are you doing here?” he asked. He looked so tense right now. “Let’s talk about what happened to us last night,” seryoso kong sabi at naupo sa kanyang couch dito sa loob ng kanyang opisina. Sumeryoso ang kanyang mukha at tumango. Umupo siya kaharap ko at nakatingin lang siya sa akin at naghihintay sa aking susunod na sasabihin. I hate Caden so much. Wala naman siyang ginawang masama sa akin pero naiinis lang ako sa aura niya, masyado siyang intimidating. Hindi siya kagaya ni Aiden na palangiti at nakaka-good vibes kasama. God! Naaalala ko naman si Aiden at mas lalo lang akong nasasaktan sa mga nangyayari ngayon. “Walang pwedeng makaalam sa nangyari sa atin kagabi, Caden,” malamig kong sabi sa kanya. Hindi ko mapigilan na mainis dahil wala akong nakikita na pag-aalala sa ekspresyon sa mukha ni Caden. Para siyang walang pakialam kung malaman man ni Aiden ang totoo sa nangyari sa aming dalawa. “Caden!” sigaw ko sa kanyang pangalan at napatayo na rin ako sa sobrang inis. Tinignan niya naman ako at napakurap siya sa kanyang mga mata. “Iyan ba ang inaalala mo, Sabina Veronica? Okay.” Nagsalubong ang aking mga kilay nang sabihin niya iyon sa akin. “Anong okay ka diyan? Para saan ang okay na iyon?” paninigurado ko. Tumayo na rin si Caden at humalukipkip siya habang seryoso na nakatingin sa akin. “Walang makakaalam sa nangyari sa atin—lalo na si Aiden. Hindi niya malalaman ang totoo kaya wala ka nang dapat ipag-alala diyan,” sabi niya. Nakahinga ako ng maginhawa nang sabihin niya iyon sa akin. Tumango ako at bahagyang ngumiti sa kanya. “G-Good! Kalimutan mo na ang nangyari sa atin kagabi. Isipin mo na lang na walang nangyari at hindi na rin kita gagambalain. Good bye, Caden.” Lumabas na ako sa office niya na may ngiti sa aking labi. Lahat ng nangyari kagabi ay isa lamang aksidente. Hindi ko iyon ginusto at hindi ko alam na si Caden ang aking kasama. Kalilimutan ko na ang nangyari kagabi at ipaparamdam ko sa aking boyfriend na mahal na mahal ko siya. Si Aiden lang ang mahal ko, siya lang ang lalaki sa buhay ko. Hinding-hindi ko siya ipagpapalit sa ibang lalaki... kahit kambal niya pang si Caden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD