UNEXPECTED 3

1563 Words
EPISODE 3  SABINA’S POINT OF VIEW. SH*T! Nahihilo ak at nasusuka. Ano bang nangyayari sa sarili ko at bakit ako nagkakaganito? Hindi naman ako uminom ng alak at matagal na rin akong hindi naglalasing dahil wala ako sa mood palagi at busy rin ako sa trabaho ko. Nang dahil dito sa aking nararamdaman ay hindi ko na nakikita palagi ang boyfriend ko na si Aiden dahil nanghihina ako at wala ako sa mood na lumabas, busy rin siya sa kanyang trabaho kaya mas lalong wala na kaming time na magkita dalawa. “Nic, gising ka na ba? Kanina pa kita kinakatok dito sa kwarto mo,” rinig kong sabi ng aking pinsan na si Oceania sa labas ng aking kwarto. Sa iisang condo unit lang kami nakatira ng pinsan ko dahil malapit lang ang unit na ito sa pareho naming pinagta-trabahuan at best friend din kami ni Oceania kaya napagpasyahan na lang din namin na tumira sa iisang bahay para makatipid. Nagpunas ako sa aking mukha at huminga na muna nang malalim bago ko mapagpasyahan na lumabas sa CR at naglakad papunta sa may pintuan upang pagbuksan ang aking pinsan ng pinto. Nang buksan ko na ito ay agad kong nakita si Oceania na nakasimangot habang nakahalukipkip. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita na niya ako at agad niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at itinulak niya ako papasok sa aking kwarto at ako naman ay nagtaka sa kanyang ginawa. “What the hell, Cian?! What’s your problem?” naguguluhan kong tanong sa kanya. Tinitigan ako ni Oceania na mas lalong nagpakaba sa akin. Anong problema ng babaeng ‘to? I know na seryoso talaga na pagkatao itong si Oceania pero iba ang kanyang tingin sa akin ngayon, para bang may kakaiba siyang nakita sa akin. “Namumutla ka, Sabina Veronica,” seryosong sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at inalis ko ang kanyang mga kamay na nakahawak sa aking balikat at tinalikuran ko rin siya. Hinagod ko ang aking buhok at huminga nang malamin bago muling humarap sa kanya at tinignan ko rin siya ng seryoso. “I’m fine, couz,” seryoso kong sabi sa kanya at nginitian siya. Umiling siya habang nakatingin pa rin sa akin. Hindi siya naniniwalang maayos lang ako. Wala akong takas kay Oceania dahil isa talaga siyang observant at kapag nakita niyang hindi ako maayos, hindi niya ako titigilan hanggang sa malaman niya kung bakit hindi ako maayos. “What happened, Sabina Veronica? Isang linggo ka na rin hindi lumalabas dito sa condo unit at hindi ka na rin gumagala. Nag-away ba kayo ni Aiden?” alala niyang tanong sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya at napakagat sa aking labi. Simula no’ng may nangyari sa amin ni Caden ay parang nawalan na ako nang gana na humarap sa ibang tao. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa aking ginawa at kapag nalaman iyon ni Aiden, o ng ibang tao ay sigurado akong pag-uusapan nila ako at tatawagin na malandi. Natatakot din ako na malaman ng ibang tao lalo na nang pamilya ko ang tungkol sa nangyari sa amin ni Caden kahit na sinabi niyang hindi niya sasabihin sa iba ang totoo at kalilimutan na niya rin ang nangyari sa aming dalawa. “Cian, I’m fine!” pinilit kong maging masigla ang boses ko upang hindi siya maghinala sa akin, pero kahit anong gawin kong pagpapanggap ay hindi niya ako tinigilan. Nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay lumapit ako sa kanya at niyakap ng mahigpit ang aking pinsan na si Oceania. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na mapaiyak at ilabas ang nararamdaman ko na matagal ko nang itinatago sa aking sarili.Naramdaman kong natigilan siya sa aking ginawa pero niyakap din ako pabalik ni Cian at hinagod niya ang aking likuran. Marami akong kaibigan pero natatakot ako at nahihiya na sabihin sa kanila ang nangyari sa akin at wala rin akong tiwala, pero rito kay Oceania na pinsan ko ay alam kong hindi niya ako ilalaglag dahil simula bata ay magkasama na kaming dalawa. Ilang minuto rin akong umiyak habang nakayakap sa kanya. Nang tumahan ako ay inalalayan akong makaupo ni Cian sa gilid ng aking kama at umupo rin siya sa aking tabi at hinintay ang aking sasabihin. “I made a big mistake, cous,” panimula ko sa aking sasabihin at nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin pero hindi siya nagsalita. Huminga muna ako ng malalim bago ipagpatuloy ang aking pagsasalita sa kanya. “Last two weeks, Aiden and I had our anniversary in our relationship. I was planning to surprise him in his condo unit, and I decided to give myself to him as a gift. When I was already there, he opened the door, and I immediately kissed him on the lips, and we made love, but when I woke up the next day….” Hindi ko maituloy ang aking sasabihin. Napatakip ako sa aking bibig at muli akong naiyak habang nakatingin kay Oceania. Hinawakan niya ang aking isang kamay at nginitian ako na parang sinasabi na okay lang—na hindi niya ako huhusgahan. Huminga muna ako nang malalim at muli kong pinagpatuloy ang aking sasabihin habang nakatingin sa aking pinsan at nakahawak ng mahigpit sa kanyang mga kamay. “H-Hindi si Aiden ang nakatalik ko, Cian,” mahina kong sabi. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. “N-Nic—” “Si Gideon Caden ang nakasama ko sa gabing iyon, Oceania. Si Caden ang nakauna sa akin! K-Kapag… kapag nalaman ni Aiden ang nangyari sa amin ni Caden ay sigurado akong kamumuhian niya ako, hindi niya ako mapapatawad!” Muli akong niyakap ni Oceania at ako naman ay nanghina sa kakaiyak. Hindi ko na alam ang aking gagawin at hindi maalis sa aking isipan ang mga posibilidad na mangyari. Naniniwala ako na kahit gaano pa kaliit o kalaki ang sekreto mo, malalaman pa rin ito ng ibang tao at hindi ka nito titigilan. “Nic, have you tried to use a pregnancy test kit?” Napakurap ako sa aking mga mata at napatingin sa aking pinsan. Nagsalubong aking aking kilay at nakaramdam ako ng kunting inis sa kanyang tinanong sa akin. “I’m not f*cking pregnant, Oceania!” inis kong sabi sa kanya. Seryoso siyang tumango. “I know, Veronica. Pero naalala mo bang gumamit kayo ng proteksyon ni Caden nang gawin niyo iyon?” tanong niya na mas nagpainis sa akin lalo. “What the f*ck is your problem, Oceania Generoso?! I’m not pregnant nga!” napasigaw na ako sa galit at napatayo na rin habang nakatingin ng matalim sa kanya. Hindi nagpatinag si Oceania sa matalim kong tingin sa kanya, tinaasan niya lang ako ng kilay at napatayo na rin habang nakaharap sa akin. “Are you sure, Sabina Veronica Generoso Santiago?” seryoso at nakakapangilabot na tanong sa akin ng aking pinsan. Napalunok ako sa aking laway at mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. She’s so intimidating. “Nica, walang mawawala sa ‘yo kung mag-try ka! Kailangan lang nating masigurado na hindi ‘yan ang isa sa magiging problema mo, okay? Please, para naman mapanatag din ang loob ko,” rinig kong sabi ni Oceania. Huminga ako nang malalim at muling napatingin sa kanya. Hinay-hinay akong tumango at pumayag sa kanyang gusto. “Thanks, God!” Humakbang siya palapit sa akin at mabilis akong niyakap. Nagpaalam na muna si Oceania na bilhan ako ng PT, ako naman dito ay nakaupo lang sa gilid ng aking kama habang nakatulala. Kanina pa tumatawag sa akin si Aiden pero hindi ko ito sinasagot dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin at ayokong magsinungaling na naman sa kanya na maayos lang ako, hindi ko kayang magpanggap ngayon. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ang aking pinsan at may dala-dala na siyang pregnancy test kit. Binigay niya ito sa akin at kinuha ko naman ito at naglakad na papunta sa may CR upang magamit. Ang lakas ng t***k ng aking puso habang nandito ako sa loob ng CR. Huminga ako nang malalim nang matapos ko ng gawin ang dapat gawin pero hindi ko pa tinitignan ang resulta dahil natatakot ako. Narinig ko ang sunod-sunod na katok ni Oceania sa pintuan ng CR. “Nic, tapos ka na ba diyan?” Huminga ako nang malalim at unti-unti kong inangat ang aking kamay na hawak-hawak ang PT na nagamit ko. Tinignan ko ang result at laking gulat ko nang makita ko kung ano ito. Oh my God. No. Hindi pwedeng mangyari ‘to. “Sabina Veronica! Open this f*cking door!” Napatakip ako sa aking bibig at unti-unti akong naglakad palapit sa may pintuan at binuksan ito. Nang makita ko na si Oceania ay atomatikong naglandasan ang aking mga luha at sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap at umiyak na ako nang umiyak. “N-Nic, what’s the result?” rinig kong tanong niya sa akin. Binigay ko naman ito sa kanya at narinig ko ang kanyang pagsinghap. “Oh my God…” Tumango ako at mas lalong sumiksik sa balikat ng aking pinsan at umiyak nang umiyak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Buntis ako. I have an unexpected baby from Gideon Caden Coleman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD