UNEXPECTED 6

1845 Words
EPISODE 6 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “NICA, masaya ako na nandito ka ngayon sa family dinner namin. Para ka na rin kasing pamilya namin at ang tagal na rin namin na hindi ka nakita at nakausap,” nakangiting sabi ni Tita Kira. Nandito na ako ngayon sa pamamahay ng pamilya ni Aiden. Sa ngayon ay kami pa lang ang nandito at si Chantal, wala pa si Caden at sana ay hindi na lang siya dumating pa para mapayapa ang pagpunta ko rito sa pamamahay ng kanilang mga magulang. “Thank you po, Tita Kira. Masaya rin po ako na makabalik ako dito sa pamamahay niyo. Pasensya na po talaga, masyado kasi akong busy sa trabaho ko,” tugon ko. “Kumusta na pala ang Mommy Sabrina mo, Nic? Ang tagal na rin naming hindi nagkita ni Sab,” tanong naman ni Tito Trevor. Mag best friend kasi sila ni Mommy noong nasa college days pa sila. Isa rin ito sa dahilan kung bakit malaki ang tiwala ni Mom kay Aiden dahil anak ito ni Tito Trevor. “Okay naman po si Mommy, Tito. Opo, sa buwan kasi na ito ay maraming naka lineup na projects ang company kaya busy si Mom at Dad para asikasuhin ang mga ito,” sagot ko sa tanong ni Tito Trevor. Tumango naman ito at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Si Chantal naman ay kanina pa tahimik sa kanyang kinauupuan pero binati niya naman ako kanina. Habang pinagmamasdan ko siya ay parang may malaki siyang dinadalang problema at pinipilit niya lang itong itago upang hindi namin malaman. “Babe, gusto mo ba ang pagkain na ‘to?” Napatingin ako kay Aiden ng magsalita siya sa aking tabi. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Nilagyan niya ng seafoods ang aking plate at nagsimula na rin ako sa aking pagkain. Hindi ko na naman maiwasan na makonsensya dahil sa pinapakitang kabaitan ni Aiden sa akin. He never let me feel jealous. He always takes care of me and he always shows me how much he loves me. And now, I cheated on him… with his twin brother. The worst thing is I got pregnant and my boyfriend is not the father. “Oh! Nandito na pala si Caden. Buti naman at nakarating ka dito sa family dinner natin, Anak. Nandito rin ang girlfriend ng kakambal mo na si Veronica,” narinig ko na sabi ni Tita Kira. Para akong tinakasan ng dugo nang makita ko si Caden na pumasok sa loob ng dining area habang nakasuot pa ng business attire na para bang kagagaling lang sa meeting. Bahagya rin na magulo ang kanyang buhok ngayon pero hindi ito ang nakakabawas sa kanyang kapogian—what the heck am I saying right now?! Did I just compliment Caden? No… Hindi ako pwedeng mapogian sa kanya kahit magkamukha lang naman sila ni Aiden. Si Aiden lang ang pogi, hindi siya kasali. “I’m sorry for being late, Mom, Dad. May tinapos lang kasi kaming meeting sa office,” wika ni Caden at lumapit siya sa kanyang mga magulang at nagmano. Nakita ko rin na lumapit siya kay Chantal at hinalikan niya sa noo ang kanyang kapatid. Nang makita kong papalapit na sa aming pwesto ngayon si Caden ay umiwas na ako ng tingin hanggang sa nararamdaman ko na lang na niyakap niya si Aiden at binati niya ito. “How are you, bro? I missed you! Ang tagal nating hindi nagkita at ngayon ay nagkita na talaga tayo,” sabi ni Aiden sa kanyang kapatid. “Yeah, Aiden. I missed you too. I’ve been busy with my work and… other stuff,” sabi naman ni Caden. Nakayuko pa rin ako at nagpatuloy sa aking pagkain. Bahala siya dyan, hindi ko siya papansinin kahit anong mangyari. “Nnadito pala si Nica!” sabi ni Aiden at inakbayan niya ako. Nanlaki ang aking mga mata at bahagyang nagulat sa kanyang ginawa. Natigil ako sa aking pagkain at unti-unti akong nag-angat ng tingin hanggang sa magka salubong na ang mga tingin namin ngayon ni Caden. Seryoso ang kanyang tingin ngayon at ako naman ay napalunok sa aking laway at naglakas ng loob na batiin siya. “H-Hey, Caden! Nice to see you again,” bati ko sa kanya at bahagyang ngumiti bago umiwas ng tingin. Nakakapanghina ang kanyang titig sa akin. “Hey, Nic,” malamig niyang pagbati sa akin pabalik at pumunta na siya sa kanyang pwesto at umupo. Napakuha naman ako sa aking baso na may laman na tubig at uminom ng bigla akong mauhaw. Hindi ako mapakali ngayon at ang lakas din ng t***k ng aking puso na para na akong aatakihin. Bakit pa kasi siya dumating?! Sana hindi na lang. “Veronica…” Napatingin ako kay Tita Kira nang tawagin niya ang aking pangalan. “P-Po?” Ngumiti si Tita bago magsalita. “Hindi naman sa nanghihimasok kami sa buhay niyo ni Aiden, pero ang tagal niyo na rin kasing magkarelasyon. Wala pa ba kayong balak na magpakasal? Gusto na rin naming magkaroon ng apo.” Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway sa sobrang gulat nang sabihin iyon ni Tita Kira. Naramdaman ko naman ang paghagod sa likod sa akin ni Aiden at binigyan niya ulit ako ng tubig at ininom ko naman ito. Hindi ko mapigilan na pamulahan sa aking mukha at mahiya. “Mom, wala pa ‘yan sa plano namin ni Nica sa ngayon. Pero darating din tayo diyan, ikakasal din kami ni Nica sa tamang panahon,” sabi ni Aiden at hinalikan niya ang aking pisngi kaya napatingin ako sa kanya at nginitian siya. “At isa pa, busy pa si Veronica sa modeling career niya, Mom. Hindi pa siya handang mabuntis at rerespetuhin ko ‘yun,” dagdag ni Aiden at hinalikan niya ang likod ng aking kamay. Muli akong ngumiti sa kanya at hinaplos ko ang kanyang pisngi. Narinig ko naman ang paghagikhik ni Tita Kira at ang kantyaw ni Tito Trevor na mas lalong nagpangiti sa amin ni Aiden. Nakita ko rin na nakangiting nakatingin sa amin si Chantal pero may isang tao lang na nandito na kasama namin sa pagkain na parang hindi belong… si Caden. Napasulyap ako sa kanya at nakita ko siyang matalim na nakatingin sa akin na para bang may ginawa akong kasalanan. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at binaling sa iba ang aking atensyon. Bakit masama ang tingin siya sa akin? Nagseselos ba siya? Wala siyang karapatan na magselos dahil boyfriend ko naman ang kakambal niya at si Aiden ang mahal ko, hindi siya. Wala na sa amin ang focus ng usapan, nasa kay Chantal naman. Kakauwi lang ni Chantal dito sa Pilipinas galing sa kanyang world tour. Isa kasi siya sa mga sikat na Filipina Ballerina at marami rin siyang fans sa ibang bansa. Ngayon ay dito naman siya mag pe-perform sa Pilipinas at plano niya munang magtagal dito. Nang matapos nang sagutin ni Chantal ang mga tanong at usapan tungkol sa kanya at sa kanyang buhay, pumunta naman ang usapan kay Caden kaya muli na naman akong nataranta kahit wala namang dapat ikataranta. “Caden anak, hindi ka ba nahihirapan doon sa dating condo unit ni Aiden? May mas malapit naman na bahay natin doon sa trabaho mo,” tanong ni Tita Kira. Ang condo unit na iyon… ang pahamak na condo unit. Doon nangyari ang isang gabing pagkakamali. “Okay lang naman ako doon, Mom. Mas okay na rin na nandoon ako para makatipid ako sa gastusin,” sabi ni Caden. “Hmm, ano ‘yung nabalitaan ko na may girlfriend ka na raw, Caden? Totoo ba yun, anak?” tanong ni Tito Trevor. Bahagya namang kumunot ang aking noo at napatingin ako kay Caden. Seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha ngayon habang nakatingin sa kanyang mga magulang. May girlfriend si Caden? Edi kapag inako niya ng tuluyan ang batang nasa sinapupunan ko ay madadamay rin ang relasyon niya sa kanyang girlfriend. F-ck. Ano ba ‘tong kaguluhan na pinasok ko. “No, Dad. Busy po ako sa trabaho ko at wala akong oras para magkaroon ng girlfriend,” seryoso niyang sabi at nakita kong napasulyap siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. “Bro, bakla ka ba? High school pa lang ata tayo noong huli kang nagkaroon ng girlfriend eh! Ikakasal na lang ata kami ni Veronica pero wala ka pa ring girlfriend!” natatawa na sabi ni Aiden at inakbayan niya ako. “Hindi ako naniniwalang walang girlfriend si Kuya Caden. Sa pogi mong ‘yan kuya ay wala kang girlfriend? Tinatago mo lang sa amin eh!” dagdag naman ni Chantal. Nagtatawanan na sila at ako naman ay tahimik lang dito sa aking kinauupuan. Nakita kong napahawak si Caden sa kanyang noo at bahagyang napangiti at umiling-umiling. Habang nag-uusapan ngayon ang pamilya ni Aiden, nakaramdam ako ng pagkahilo ngayon sa aking kinauupuan kaya napahawak ako sa braso ng aking boyfriend. Bahagya akong napadaing at napapikit sa aking mga mata. Natigil siya sa kanyang pagtawa at alalang humarap sa akin. “Babe, are you okay? Nahihilo ka ba?” alala niyang tanong. Natigil na rin silang lahat sa pag-uusap at naramdaman ko ang kanilang tingin sa akin. “Hija, may nararamdaman ka bang kakaiba ngayon?” narinig ko na tanong ni Tita Kira. “Aiden, idala na natin sa hospital si Veronica,” narinig ko na sabi ni Caden kaya awtomatiko akong napamulat sa aking mga mata at mabilis na umiling. No. Hindi nila ako pwedeng dalhin sa hospital. Malalaman nila ang totoo na buntis ako. “H-Huh? No! O-Okay lang ako. Kailangan ko lang na magpahinga ngayon,” mahina kong sabi at pinilit ko ang sarili na tumayo. Mabilis naman akong inalalayan ni Aiden na tahimik lang sa aking tabi. “Masama ang pakiramdam mo, Veronica!” inis na sabi ni Caden kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nakita kong kumunot ang noo ni Aiden habang nakatingin sa kanyang kambal na para bang nagtataka sa kinikilos ngayon ni Caden. Napalunok naman ako sa aking laway at pinanlakihan ko ng aking mga mata si Caden upang hindi siya mag overacting ngayon. Masyado siyang halata! “Caden anak, okay ka lang ba?” alalang tanong ni Tita Kira. Shit. Kailangang kumalma ni Caden! Hindi pwedeng mahalata siya ngayon. “I’m fine, Mom. Maybe Veronica needs to rest,” seryoso nitong sabi. Tuluyan ng nagsalita si Aiden kaya mas lalong akong kinakabahan ngayon. “Bro, bakit ka naman concern na concern sa girlfriend ko? Daig mo pa ako!” pagbibiro ni Aiden pero alam ko na medyo seryoso rin siya ng sabihin niya iyon. Napahawak na lang ako sa braso ni Aiden upang mapigilan siya. Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking braso. “Babe, gusto mo bang dalhin kita sa hospital?” Muli na naman akong nahilo. Umiling ako at naramdaman ang mas lalong panghihina. “H-Huh? H-Hindi… ‘wag niyo akong dalhin sa ospital—” “Veronica!” Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng tuluyan na akong nawalan ng malay. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD