UNEXPECTED 5

1162 Words
EPISODE 5 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “I will take the responsibilities, and we will have the baby together.” Napasinghap ako at hindi makapaniwala sa sinabi ni Caden ngayon sa aking harapan. Sarkastiko akong tumawa at umiling. Bahagya akong umatras at tinignan ko siya ng masama. “Are you out of your mind? Baka nakakalimutan mo na boyfriend ko ang kakambal mo, Gideon Caden!” Umigting ang kanyang panga at mabilis siyang humakbang palapit sa akin at hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso at nagsalita. “I know, Sabina Veronica! Do you really think that I want this?!” “Maybe no? Maybe yes? Who knows?! Bakit ang bilis mong akuin ang bata ng sabihin ko na buntis ako, ah? Maybe you like me at gusto mo akong kunin kay Aiden! Well, sorry ka na lang pero hindi kita gusto! I freaking hate you, Gideon Caden Coleman!” galit kong sigaw sa kanya. “And I hate you too, Veronica!” Ginamit ko ang lahat ng lakas ko upang maalis ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso ngayon. Hindi siya nakakapagsalita pabalik, nakatingin lang siya sa akin ng matalim habang malalim ang kanyang paghinga. Walang nagsasalita sa aming dalawa ngayon. Malalim ang aming mga paghinga at masama ang tingin namin sa isa’t isa. “Ate Nic? Kuya Aiden? Anong ginagawa nyo dyan sa labas?” Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng aking kapatid na si Mavirico. Mabilis akong humarap sa aking kapatid at nakita ko rin na bahagyang tumalikod si Caden at iniyuko niya ang kanyang mukha upang hindi mapansin ni Mavi na hindi si Aiden ang kasama ko ngayon. Pinilit ko ang aking sarili na mapangiti ngayon sa aking kapatid. “M-Mavi, ikaw pala. Uhm, may sinasabi lang sa akin si Aiden at aalis din kaagad siya,” wika ko kay Mavi at nginitian ko siya ulit. Bahagyang kumunot ang kanyang noo at nakita kong napatingin siya kay Caden kaya bahagya akong umatras upang makalapit ako kay Caden at maitago ko siya sa aking likuran. “Kuya Aiden, are you okay? Pwede naman kayong pumasok sa loob ng bahay, kanina pa pumasok sa kanilang kwarto sila Mommy,” sambit ni Mavi. Napasulyap ako kay Caden at nakita ko siyang napaigting sa kanyang panga at tumingin sa aking kapatid at bahagyang ngumiti. “I’m okay here, Bro. Thanks for offering. Aalis na rin kaagad ako, nagpaalam lang ako sa Ate mo rito sa labas,” sabi ni Caden sa aking kapatid. Napataas ang aking kilay at napatingin kay Caden nang gayahin niya kung paano magsalita si Aiden. Pati ako ay namangha sa ginawa niya dahil gayang-gaya niya talaga ito. Napatingin naman ako sa aking kapatid at mukhang nakumbinse rin ito ni Caden na siya si Aiden. Tumango si Mavi at ngumiti siya sa amin. “Sige, Kuya Aiden. Ate, pumasok ka na rin kaagad sa loob ng bahay dahil gabi na. Sa phone na lang kayo mag-usap nang matagal ni Kuya kapag hindi pa ito sapat,” sabi ni Mavi. Mahina akong natawa at tumango. “Okay, Mavi.” Nang makaalis na si Mavi ay muli na akong humarap kay Caden at tinignan ko siya ng seryoso at nagsalita. “Wala kang karapatan na pangunahan ang mga desisyon ko sa buhay, Caden. I’m not ready to tell them the truth and if you respect my decisions, you will wait for the perfect time, okay? Hindi pa ako handa at… at sana maintindihan mo,” mahina kong sabi at muling huminga ng malalim. Napamewang siya sa aking harapan at seryoso siyang tumango habang nakatingin sa akin. “Okay, fine. But please, ‘wag kang gumawa ng ikakasama sa baby. Wala siyang kasalanan dito, Veronica,” seryosong sabi ni Caden. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumango. Tumalikod na ako kay Caden at naglakad na ako papunta sa bahay at pumasok na sa loob. May oras pa naman ako, diba? Hindi dapat ako magpadalos-dalos sa pagdedesisyon at kailangan ko muna itong pag-isipan ng mabuti. Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay narinig ko rin na tumunog ang aking phone kaya kinuha ko ito sa aking bulsa. Mahigpit kong hinawakan ang aking phone ng makita kong si Aiden ang tumatawag sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag ng aking boyfriend. “Hey, babe! What’s up?” masigla kong sabi nang masagot ko ang tawag ni Aiden. Naglalakad ako ngayon pabalik sa aking kwarto habang kausap ko pa rin ang boyfriend ko sa phone. “Hey, babe. I miss you so much.” Tumigil na muna ako sa aking paglalakad at napahawak ako sa aking noo at napakagat sa aking labi. “I-I miss you more, babe,” mahina kong sabi. Iniwasan ko na maging emosyonal ngayon dahil tatanungin na naman niya ako kung ano ang problema. Ayokong mag-alala sa akin si Aiden. “How’s your day? Nandiyan ka ngayon sa bahay ng parents mo?” tanong ni Aiden. Muli kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad at pumasok na ako sa aking kwarto. “My day is normal, but not that happy because you’re not with me right now, babe,” sagot ko sa kanyang tanong. Mahina siyang tumawa. “‘Wag kang mag-alala, magkikita tayo bukas.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Aiden at napaupo ako sa gilid ng aking kama. “What do you mean? Diba may trabaho ka bukas? Mag dadate ba tayo, babe?” tanong ko sa kanya. “No, babe. Magdadate tayo very soon. Bukas ay may family dinner kami at gusto ko na kasama kita. My parents are also expecting you to be there,” sabi ni Aiden sa kabilang linya. Nakaramdam ako ng konting kaba sa kanyang sinabi. “Uhm, pupunta rin ba ang iba mong kapatid?” tanong ko. “Yes, of course. Day off ni Caden bukas at tapos na rin ang practice ni Chantal. So, kompleto kaming magkakapatid bukas at isasama rin kita dahil namiss ka na ni Chantal.” Oh, God. Magkikita na naman kami ni Caden bukas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil kapag nandyan si Caden ay para akong hindi nakapag-isip ng tama. He’s making me anxious when he’s around. “Please, pumunta ka bukas, babe. Wala ka namang trabaho, right?” muling sabi ni Aiden. Bumuntong-hininga ako at napa hilamos sa aking mukha. “O-Okay, I’ll be there tomorrow with you,” mahina kong sabi. Narinig ko ang kanyang masayang boses sa kabilang linya kaya malungkot akong napangiti. Aiden loves me so much, and it hurts. I cheated on him. I slept with his twin brother even though it was not intentional. Caden got me pregnant, and if Aiden knows the truth… he will freak out. “I love you, Sabina. See you tomorrow.” “Love you, babe,” mahina kong sabi at pinatay ko na ang tawag at napahiga na sa aking kama. I hate myself. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD