EPISODE 64 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. HINDI pa rin nawawala ang disappointment ko sa ginawa ni Caden. Bumabawi naman siya sa akin at kay Owen, pero hindi pa rin talaga mawala sa aking isipan na hindi kaagad sinabi ni Caden ang tungkol kay Stacey at nagsinungaling siya sa akin. Hindi rin ako naniniwala hanggang ngayon na kaibigan lang sila. Sigurado ako na may something sa kanila eh… hindi man ngayon pero noon. Kaya ngayon ay nakipagkita ako sa isang tao na alam ko na malapit na malapit sa asawa kong si Caden at ito ay walang iba kundi si… “Aiden….” Nakita ko siyang naglalakad palapit sa akin. Umalis na naman si Caden sa bahay at alam ko na kung saan siya pupunta, kay Stacey. Nasa kay Mommy ngayon si Owen kaya may panahon ako na makita at makausap ngayon si Aiden. Lumapit sa a

