EPISODE 63 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. SASABIHIN na ba ni Caden sa akin ang katotohanan na may sakit siya kaya nandito kami ngayon sa hospital? Ang lakas ng t***k ng aking puso ngayon at pinagpapawisan na ang aking mga kamay at ang aking noo. Nanlalamig na rin ako at hindi mapakali ang aking isipan sa pag-iisip sa mga posibilidad na sasabihin ni Caden sa akin ngayon. Muli siyang napatingin sa akin ng makita niyang hindi ako sumasabay sa kanyang paglalakad. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay at nginitian niya ako. “Hey, baka kung anu-ano na ‘yang iniisip mo ngayon. Walang mangyayaring masama, okay?” malumanay niyang sabi. Hindi na lang ako nagsalita at tumango na lang. Nakapasok na kami ngayon sa loob ng hospital at naglalakad na kami sa mahaba at tahimik na h

