EPISODE 62 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “WHO’S Stacey?” Hinintay ko talagang magising si Caden bago ko tinanong sa kanya kung sino yung nag text sa kanyang phone. Gustong-gusto ko na siyang gisingin pero nakakaawa naman siya dahil halatang pagod na pagod si Caden dahil ang lakas ng kanyang hilik at may laway pa sa gilid ng kanyang labi. Ang sama ko namang asawa kung gising ko na lang siya bigla tapos aawayin ko lang naman pala. Gusto ko may energy siya habang sinasagot ang aking mga tanong upang hindi siya makapagsinungaling sa akin at kapag magagalit man ako ngayon at masuntok ko siya, makakaya niya lang. Pinabantay ko na muna si Owen sa kanyang Nanny na nasa labas ngayon. Ayoko na makita ni Owen ang pagsasagutan namin ngayon ni Caden kaya nilayo ko muna ito sa may kwarto. “Huh?

