EPISODE 57 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “ENJOY your day, Nica. Kami na ang bahala kay Owen,” sabi ni Oceania at kinindatan niya ako. Kinindatan din ako ni Sabel habang buhat niya si Owen at lumabas na sila sa may Villa at umalis. Naiwan na kaming dalawa ni Caden dito at hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Si Caden ay may niligpit na muna sa labas pero alam niya na rin naman na aalis sila Oceania kasama si Owen. “Umalis na sila?” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ko ang boses ni Caden sa aking likuran. Humarap ako sa kanya at tahimik na tumango. Hindi ko mapigilan na mapalunok sa aking laway nang makita ko si Caden ngayon na nakahubad sa aking harapan at natatanging shorts lang ang kanyang suot. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at napahawak din ako sa a

