EPISODE 58 WARNING: RATED SPG. READ YOUR OWN RISK. SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “CADEN, baka makita nila tayo rito….” Tumigil siya sa paghalik sa akin at tinignan niya ako. Nandito pa rin ngayon sa pool habang patuloy sa aming paghahalikan. Hinawakan niya ang aking baba at nginitian niya ako. “Kung may makakita man sa atin ngayon, hindi naman nila malalaman ang gagawin natin,” paos na sabi ni Caden. Muli niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking leeg at hinalikan niya ako doon. Napapikit ako sa aking mga mata at napahawak ako sa may buhok niya at bahagyang napatingala. Ang tamis ng mga halik sa akin ni Caden at ramdam na ramdam ko ang pag-iingat niya habang hawak niya ako at patuloy na hinahalikan. “I love you, Nica,” mahinang sabi ni Caden habang patuloy kaming naghahalikan.

