EPISODE 59 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “HMM, blooming na blooming si Mrs. Coleman! Mukhang may nadiligan kahapon, Ate Oceania!” Pinanlakihan ko sa aking mga mata si Sabel at pinalo ko rin siya sa kanyang braso. Humahalakhak siya ng malakas at si Oceania naman ay nakitawa na rin habang nakatingin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pamumula sa aking mukha ngayon sa sobrang hiya. Gabi na ata nang umuwi sila Oceania sa villa namin at hindi ko mapigilan na maawa kay Owen dahil nakatulog na pala ito sa byahe nila pauwi. Pero sabi naman nila Oceania at Sabel ay nag enjoy ang anak namin sa pamamasyal nila kaya knock out pagkauwi. “A-Ano ba! Baka marinig tayo ni Caden,” saway kayo sa kanilang dalawa. Nasa labas kasi ngayon si Caden kasama si Owen habang kami namang tatlo ay nandito sa loob

