EPISODE 52 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “WALA pa ba si Caden, anak? Birthday ng anak niyo ngayon… hindi pwede na wala siya!” Napakagat ako sa aking labi ng sabihin iyon ni Mommy. 1st birthday ngayon ni Owen at nandito na kami ngayon sa venue ng birthday party ng anak ko, pero hindi pa kami nagsisimula dahil wala pa si Caden. Meron kasi siyang business meeting noong isang araw at na suspend ang kanyang flight kahapon kaya kanina lang siya naka biyahe pauwi dito sa Pilipinas. Ang last text message niya naman kanina sa akin ay pasakay na raw siya sa eroplano kaya sigurado ako na paparating na iyon dito. Pero nakaramdam pa rin ako ng kaba dahil baka may nangyari nang masama kay Caden ngayon dahil wala pa rin akong contact sa kanya. “W-Wala pa, Mommy eh. Pero parating na rin naman ‘yun

