EPISODE 51 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. “MASAYA ako na okay na ulit kayo ng Kuya Caden ko, Ate Nica. Thank you rin sa pagdala kay Caden dito sa bahay dahil na miss ko na ang pamangkin ko,” nakangiting sabi ni Chantal habang karga niya ngayon ang anak ko. Napangiti ako habang nakatingin kay Chantal. Nandito ako ngayon sa pamamahay nila Mommy Kira at Daddy Trevor. Wala kasi si Caden ngayon sa bahay dahil meron siyang conference sa Singapore kasama si Daddy Trevor at nakaka bored na rin doon sa bahay kaya pumunta na kami dito ni Owen at saktong-sakto dahil dito na rin muna nakatira si Chantal na kapatid ni Caden. Noong boyfriend ko pa si Aiden ay close talaga kaming dalawa ni Chantal, pero nung pumunta na siyang Paris ay parang na layo na rin kami sa isa’t isa lalo na’t hindi ako naka

