EPISODE 50 SABINA VERONICA’S POINT OF VIEW. EVERYTHING is perfect between me and Caden. Mahal ko siya, mahal niya rin ako. Isa siyang responsable na ama at hindi niya hinahayaan na magkulang siya kay Owen. I’m so in love with Caden. Hindi ko na ata kaya na masira ang kung ano ang meron sa amin ngayon. Pero may gumugulo pa rin sa aking isipan at gusto ko na itong masagot at si Caden lang ang nagtatangi na makaka sagot nito. Naghihintay ako ngayon sa pag-uwi ng aking asawa galing trabaho. Katatapos ko lang din magpadede kay Owen at magpatulog at ngayon ay nasa kwarto na siya at binabantayan siya ng kanyang nanny. Nakapagluto na rin ako ng hapunan pero hindi pa ako kumakain dahil gusto ko na sabay kaming dalawa ng asawa ko na kumain ngayon. Makalipas ang ilang minuto na paghihintay, nar

