Chapter 41 - Danger Lux's Point of View Bumalik ako sa hideout ng Rising Sun kasama si Lei Elvise. Pagkatapos pala ng labanan ng Crusadeous, Rising Sun at Vipers ay dito na kami pumunta. Sabi ni Mr. Marlowe ay mas mabuti na daw na nandito ako para hindi delikado at isa pa, tago ang lugar na 'to. Nakasalubong ko si tita papunta sa kwarto ko pero parang hangin lang ako sa kanya at hindi manlang ako pinansin. Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman siya masisisi saka nasagot ko siya kanina at kung ano-ano ang nasabi ko. Nang makapasok ako sa kwarto ay agad akong nahiga sa kama. Pagod ako ngayong araw na 'to kaya naman agad akong pumikit pero ilang minuto pa lang ay binuksan ko na naman ang aking mga mata. Nagpagulong-gulong ako sa kama at pinilit matulog pero ayaw akong hatakin ng antok.

