Chapter 40 - Invitation Lux's Point of View Naglalakad-lakad lang ako dito sa Mafia Palace. Wala namang pumapansin sa'kin o sumisita dahil alam nila na ako ang incharge sa Mafia Prince para tingnan. Nakasuot pa ko ng pang nurse kaya hindi sila naghihinala. Napahinto ako nang makaramdam ako ng gutom. s**t. Hindi pa nga pala ako kumakain simula kagabi. Isa pa, ilang oras na kong naglalakad-lakad at ngayon lang ako napagod. Tsk. Inis akong umupo sa ugat ng malaking puno na malapit sa'kin. Nakarating ako dito sa mapunong bahagi ng Mafia Palace, madalang ang mga bantay na nagagawi dito kaya sobrang tahimik. Wala akong ibang marinig kundi ang ihip ng hangin. Sumandal na ako sa puno at pumikit. Itutulog ko na lang ang gutom ko. Madilim na ang paligid nang magising ako. Tumayo na ako at nagpag

