Chapter 36 - Game Sun Raue's/ Lux's Point of View Seems wrong, feels right. 'Yan ang nararamdaman ko ngayon. Masaya akong kasama siya pero alam kong masama ang maidudulot nito. Hindi dapat kami magkasama. Pero anong magagawa ko? Mahal ko siya. Kaya pwede bang kahit ngayon lang, sundin ko naman ang gusto ko? Ang ikasasaya ko? Yung walang iniisip na kahit ano. Yung basta masaya lang. Sa mga oras na 'to ang tanging pinagdarasal ko lang ay sana tumigil nalang ang oras ngayong kasama ko siya. Minsan lang ako hihiling kaya sana mapagbigyan ako. Pero hanggang kailan ko mapanghahawakan ang salitang 'mahal ko siya'? Kung pati ang mga nakapaligid sa'min ay humahadlang sa pagmamahalan naming dalawa. F*ck! Mababaliw na yata ako sa kakaisip. "Damn! Lux, please speak." Tumitig ako sa Mafia Princ

