Chapter 35 - Addicted Sun Raue's/ Lux's Point of View "Lux! Lux! Gising!" Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni Melody. Naramdaman ko ang pagyugyog niya sa'kin kaya napilitan akong dumilat. Kunot-noo ko siyang tiningnan. Madaling-madali ang ekspresyon ng mukha niya. "Bumangon ka na d'yan! Sinugod tayo ng Crusadeous!" Biglang nawala ang antok ko at nanlaki ang mga mata saka ako dali-daling tumayo. Pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng kalabog sa baba. "Damn it!" Dinampot ko ang baril na nasa ilalim ng unan ko at lumabas ng kwarto. Wala nang ayos-ayos! "Lux! Mag-ingat ka!" Nag-aalalang sabi ni Melody. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko sa ibaba kaya sa hagdanan na ako dumiretso. Hindi pa man ako nakakatapak sa hagdan nang may lalaking nakasuot ng puting m

