Nandito kami ngayon sa isang malaking company para mag apply sa ojt namin. Kailangan daw ito dahil graduating student na kami.
Hindi ko alam kung makakapasa ba ako dito sa malaking company na ito. Halos lahat ata ng mag oojt dito nag apply, kaya kinakabahan ako na baka hindi ako makasama sa qualifier.
Matapos namin mag apply, umalis na kami ng kaibigan kong si Trix. Pareho kaming dito nag apply, pero mukhang malabong makuha kami. Halos lahat ata ng mga nag apply magagaling.
Naisipan naming kumain muna dahil alas dos na at hindi pa kami nakakapag tanghalian, dahil sa haba ng pila C. De Galleria. Ayaw naman namin umalis kanina baka mawalan kami ng pwesto pag umalis kami, kaya nag tiis muna kami ng gutom dahil malapit naman na kami sa harapan.
Dahil sa gutom na gutom na kami, yung unang fast food na makikita namin ay, dun na lang kami kakain. Nakakita kami ng Mcdo kaya agad kaming pumasok, kanina pa sumasakit yung tiyan ko! Hindi kona kaya!
Humanap na ako ng pwesto namin habang nag oorder si Trix sa counter. Medyo puno ang Mcdo ngayon, kaya nahirapan ako humanap ng upuan, buti malang may umalis kaya agad ako umupo duon at baka may umupo pa! May dumating naman na crew para linisin yung pinag iwanan nila sa lamesa.
Dumating na si Trix, na may dalang tray ng pag kain namin kasama ang isang crew. Nilapag nila sa table ang pag kain, kaya agad ko ng kinuha ang akin at nag dasal. Para makain na ako.
Halos maubos kona lahat ng pagkain, busog na busog ako. Hindi na ako makatayo dahil sa kabusugan ko. Tumayo ako para mag cr habang kumakain pa si Trix. Kaya agad akong nag lakad papunta sa pinaka dulo, dahil anduon ang cr.
Pag punta ko duon ay nakito ko ang dalawang tao, agad akong napahinto at napatingin silang dalawa sa 'kin. Nakita ko nanaman si Jerome at yung babaeng pinalit niya sa 'kin. Sa dami-dami ng makikita ko dito mga mukha pa ng mga maloloko! Kakapal ng mukha!
Nag lakad nako at nag patuloy, hindi kona sila pinansing dalawa. Ihing-ihi na ako at para maka alis nadin kami dito.
Ayoko silang makita o maka-salamuha, dahil nakadiri at kakasuka! Bat ko ba naging boyfriend 'yon? Sabagay wala pa kasi akong taste nuon! He is f*****g dumb ass!!
Nag huhugas na ako ng kamay ng may pumasok sa cr. Kumunot ang nuo ng makita ko si Jerome. Tumabi ito sakin at nag hugas din ng kamay, nag iwas ako ng tingin at pinatay ko na ang tubig. Aalis na sana ako ng hawakan niya ako sa braso.
Napatingin ako sa kanya, kumukulo talaga ang dugo ko pag nakikita ko siya. "What the hell! Pwede ba bitawan mo ako!" Inis na saad ko, kaya naman bumitaw sa pag kakahawak sa braso ko.
"I miss you, Yoshi!" Saad nito sa akin. What a f*****g playboy!
"Please, Jerome. Tigilan mo hindi bagay sayo!" Inis na saad ko, bakit ba siya nang gugulo pa?! Masaya na'ko sa buhay ko!
"I'm really miss you, Mahal parin kita!" Lalo akong naiinis sa sinabi nito ng gago batong lalaking to!
"What do you think maniniwala ako sayo! You're f*****g asshole, cheater, playboy! Nandidiri ako sa 'yo na bakit ba pinatulan kita!" Sigaw ko sa kanya. Puro galit ang nasa puso ko ngayon! "Hindi na kita mahal, Jerome! Hinding-hindi kita ulit mamahalin!" Sabi ko at lumabas na ng cr. Galit na galit ako sa kanya hindi ko siya papatawad!
Huminga ako ng malalalim bago ako pumunta sa table namin. Nakita ko naman si Trix na tapos ng kumain naka tingin ito sakin. Kaya binilisan kong mag lakad gusto ko ng umalis sa lugar na'to.
"Bakit ang tagal mo umihi, teh?!" Tanong nito sakin
"Wala ang dami lang tao, tara na alis na tayo!" Pag aaya ko sa kanya, gusto ko ng mag pag pahinga. Masyado na akong stress at nasira nadin ang araw ko!
Tumayo na kami at lumabas, 3:30 na pala ng hapon. Humiwalay na si Trix sa akin, dahil sa mag kalayo kami ng bahay. Pumara na ako ng taxi at sumakay.
Nakarating na ako ng bahay, kaya nag palit lang ako ng sout at humiga na ako. Nakaramdam ako ng antok, mamaya na ako mag luluto pag gising ko. Kailangan ko muna mag pahinga dahil na drain ako kanina sa putanginang Jerome na 'yon! Panira ng araw!
Isang lingo na ang lumipas, nandito ako ngayon sa school. Marami kaming dapat gawing paper works at kailangan pang mag ojt.
Ang hirap pala! Pag graduating students na, nakaka stress! Tambak ang mga gawain, at may deadline kapang hinahabol.
Unting unti nalang masisira na yung utak ko. Wala ng pumapasok sa utak ko, hindi na ako matulog at maka-kain ng maayos. 4 hours lang ang pinaka nahabang tulog ko, kaya kitang kita na yung eye bags ko! Buti nalang hindi pa ako nagkaka-pimples dahil sa skin care ko!
Andito kami ngayon sa pavilion dahil may group work kami. Hindi na natapos ang mga kailangan gawin, mukang padami pa sila ng padami. Buti nalang madali ang project namin sa isang major subject. Gumawa lang ng isang product and design, then ipe-present sa aming prof. Kaya hindi gaanong kahirap kasi five members naman kada group. Kaya okay na rin kesa naman solo!
We decided na t-shirts nalang ang aming gawin. Dahil halos lahat ng tao at kabataan ngayon, gusto ang clothing line. Para naman nauuso ang aming product at tatangkilikin ng tao!
Bukas na bukas din namin gagawin, para daw matapos kami agad. Mag oojt pa daw kasi kami, bawas gawain din. Kaya ngayon bibili ng material na kailangan, nag bigay kami ng mga ambag namin. Hindi na ako sasama dahil pagod ako, kulang pa ako sa tulog kaya sila nalang muna ang bahala. May bukas pa naman.
Umalis na sila para bumili, kaya nag lakad ako papunta sa cafeteria ng school. Kakain muna ako bago umuwi, para hindi na ako mag luto sa bahay. Diretso tulog nalang. Unting unti nalang bibigay na ang talukap ng mga mata ko!
Nag order agad ako ng kanin at menudo. Hindi narin kasi ako nakakain ng ganto, dahil lately puro mga madadali lang ang mga niluluto ko. Para hindi sayang sa oras!
Matapos kong kumain ay lumabas na ako ng cafeteria at tumungo sa room upang ipasa ang mga tapos ko nang paperwork. Marami pa rin tao sa school especially mga graduating students.
Naipasa ko na lahat ng mga tapos ko kaya, umalis na ako sa room lumabas na para umuwi. Ala naman na akong kailangan sa school, pwede naman ng lumabas dahil ala ng mga klase.
Mahiga na agad ako sa kama pag daging ko palang sa kwarto. Kanina pa ako papikit pikit sa taxi palang, kanina ko pa pinipigilan. Sa wakas makakatulog na ako ng maayos at walang iniisip na school project.
Nagising ako dahil sa gutom at anong oras na din, ala na akong makitang araw sa labas ng bintana. Tumayo ako at tiningnan ko ang cellphone ko na naka charge. 8:30 na pala ng gabi at may message duon kaya binuksan ko.
Nagulat ako sa nag message, hindi ako makapaniwala. Na naka pasa ako!
Hi! Mr. Yoshi Hale, this is C. De Galleria. We want you to know, that you are one of the qualifiers for being an intern at our company! Congratulations!