Maaga ako gumising dahil may trabaho pa ako at kailangan ko pang mag handa ng almusal ni Asher.
Kailangan ko bilisan ang kilos ko dahil maaga ang pasok ko, kaya kailangan ala sais palang gising na ako. Dahil baka matangal nako kapag na late pa ako!
Napatingin ako kay, Asher na bagong gising at mapungay pa ang mga mata at gulo pa ang buhok. Ang gwapo niya kahit bagong gising. Manang mana sa ama niya!
"Good worning po, papa." Naka ngiting sabi nito habang hawak pa ang dinosaur na unan niya.
"Good morning, Asher ko! Bakit ang aga mo ata magising ng baby ko ngayon?!" Tanong ko dito sabay halik sa pisngi at nuo niya. Nag giggle naman ito sa ginawa ko!
"Yayakapin ko po sana kayo, pewo ala po kayo sa bed." Saan nito
"Mag hilamos at mag toothbrush kana baby, para makain na tayo," Tumango-tango naman ito at lumakad papuntang banyo.
Tapos naman na din ako mag luto ng almusal namin kaya nag handa na ako. Para pag balik niya ay makain na kami, dahil maliligo pa kami. Dadalhin ko pa siya kay tita-ninong Cole niya, bago ako pumasok.
Sanay na 'din naman si Asher duon siya naiiwan dahil may trabaho ako sa isang company. Hindi naman ito naiinip dahil may kalaro siya si Cali, kaya nalilibang siya duon. Wala naman kasi siyang kalaro dito kamimg dalawa lang ang mag kasama.
Matapos namin kumain ay, nag hugas naman ako ng plato para hindi ipisin at dagain pag iniwanan ko sa lababo. Nanuod naman si Asher sa tv ng favorite niyang cartoons na si Handy Manny!
Matapos kung mag hugas ay inayos kona ang dapat ayusin dito, pati gamit at damit ni Asher. Nilagay kona sa bag niya para pag pinag pawisan siya may pamalit ito. Para hindi siya sipunin at ubuhin mahirap panaman mag kasit, dahil walang mag babantay dito o kaya naman hindi ako makakapasok!
"Ashy, tara sumabay kana sakin maligo. Para mabilis tayong matapos." Aya ko dito tumayo naman ito agad at kinuha ang kanyang towel. Hindi naman siya excited na kasabay ako maligo.
Binihisan ko na agad si Asher ng damit dahil seven o'clock na. Baka ma traffic paki dahil 8:3o am to 8:00 pm ang pasok ko. Nung matapos si Asher ay ako naman ang nag bihis nag uniform ko na tuxedo at slacks with black shoes.
Yes I'm gay but I'm not a cross dresser. I'm a decent and formal gay! I tried to wear women's clothes before, but I was uncomfortable and I didn't feel it. I'm still more comfortable in menswear!
Lumabas na kami at sumakay sa taxi at papunta sa bahay ni Cole. Medyo malapit lang naman bahay nito. Malayo lang ang company na pinapasukan ko, nakakatamd na nga minsan pumasok dahil sobrang layo niya sa bahay na tinitirhan namin.
Madalas pag umuuwi pako ay rush hour kaya madalas gabing-gabi nako nakakapunta sa bahay ni Cole. Tulog na si Asher pag naabutan ko, kaya minsan duon na kami natutulog sa bahay nila Cole. Kahit nakakahiya! I don't have a choice!
Nakarating din agad kami sa bahay nila, Cole. Nag pahintay muna ako kay, Manong driver bago bumaba ng taxi.
Nag lakad kami ni Asher papasok ng gate, kilala na kami dito kaya wala ng kaso sa kanila kung basta-basta nalang kaming pumasok.
Pag bukas saamin ni Ate Jema ng pintuan ay, pumasok na kami at nakita ko naman sila sa kusina na nag aalmusal. Kaya dumiret'so kami sa kitchen.
"Oh, anjaan na pala kayo! Halina kayo't mag-almusal muna kayong mag-ina!" Sabi ni Cole samin at tumingin din si Cali kay Asher at kumaway.
"Nako hindi na may nag hihintay na taxi sa labas! Binaba ko lang si Asher ko dito," Sabi ko kay Cole at tumungo ito habang sumusubo ng tinapay, napalingon ako kay aher at lumuhod sa kanya para mag pantay kami. "Ashy ko! Papasok muna si papa, mag behave ka dito pati kala tito-tita mo!" Saad ko dito
"Opo papa, always po mabait dito si Asher! Tanong mo papo kay, Cali!" Sagot naman nito at kaya napa ngiti ako.
"Totoo ba yun, Cali? Mabait ba si Asher dito?" Sinakyan ko yung sabi ni Asher. Kaya napatingin si Cali sa akin.
"Opo tota Yoshi, mabait po Ashy!" Natawa naman ako sa sinabi nito ang cute nilamg dalawa.
"Oh, aalis muna ako, baka ma late pa ako sa work." Sabi ko bago tumayo ay inayos yung slacks ko
"Working-ina ka pala!" Pahabol ni Cole habang nag lalakad ako palabas ng kitchen.
"Heh, shut up!" Lingon ko dito at tumawa naman ito kaya nag lakad nako palabas ng bahay at namduon parin si manong kaya agad akong sumakay.
Nakarating na ako sa opisina late na ako ng ten minutes, kaya nag mamadali akong sumakay ng evelator buti nalang walang masyadong taong naka sakay. Pinindot ko agad ang 9th floor, napa buntong hininga ako. Sana hindi ako makita ni Miss Rosa, kung hindi sermon nanaman ang aabutin ko duon!
Sa wakas ay bumukas na rin ang pinto ng elevator agad akong lumabas at dahan-dahan nag lakad papunta sa table ko. Napatingin pa sa akin si Lyka at ngumiti sumenyas ako na wag siyang maingay para hindi ako mahuli ng aming design management head.
Huh! nabunutan ako ng tinik ng maka-upo na ako sa upuan ko at ginawa na ang naiwan kong trabaho nung friday. Busy ang aming team dahil may nakipag collaborate sa aming company, kaya kaingan maganda ang design ng product. Balita ko isang big company daw ang nakipag collaborate, kaya may bago nanaman collection na ilalabas this month.
Nag si tayuan na ang lahat upang kumain sa cafeteria dahil lunch break na. Mamaya may meeting pa kami with the ceo and chairman of Adler group of company. One of the most famous companies in Southeast Asia.
Nasa cafeteria na kami buti na lang at kakaunti pa lang ang tao kaya naka kuha agad kami ng pag-kain. This is I like about in this company, libre ang pag-kain ng employee, kaya hindi kana gagastos para lang kumain!.
''Bakit ka late kanina?'' Tanong sakin ni Lyka, habang kumakain kami.
''Ang layo kasi! saka 20 minutes lang akong late no, oa nito!'' Saad ko dito bago sumubo ng kanin. Natawa naman ito at pinag patuloy ang pag-kain dahil malapit nang matapos ang lunch break.
Paakyat na kami sa conference room dahil ipapakita na ang design ng new collection this month. Para ma-approve agad ang design.
Pag pasok namin ay kami palang ang tao. Pumasok naman agad ang secretary ni Sir. Paulo. Napatigin kaming lahat sa kanya.
''Malelate si Sir Paulo ng 20 minutes dahil nag lunch pa sila ni Sir Ader,'' Saad nito sa amin kaya napa tango nalang yung ibang kasamahan namin, ''So prepare the presentation and excuse me!'' Sabay kad nito palabas,
Umalis muna ako sa conference at pumunta sa floor namin para mag ayos at toothbrush, dahil hindi ko na nagawa kanina dahil sa pag mamadali kasi akala namin late na kami. Pumunta ako sa cr para mag ayos dahil feel ko ang panget at ang dungis kona! Nag pulbos at ng liptint lang ako ng kaunti, para naman maging maganda ang labi ko at hindi maputla tingnan dahil sa kaba ko.
Bumalik na ako sa taas, baka anduon na ang mga boss namin. Nakakahiya pag ako yung nahuli pumasok. Bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako. Kinakabahan ako at pinag papawisan 'di ko alam kung bakit, dahil sa init lang siguro.
Pag bukas ko ng pintuan ay napa tigil ako at ng laki ang mata ko sa nakita ko. Hindi ko alam kung papasok ba ako o tatakbo paalis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko!
Nakita ko nanaman ang mukha niya, wala parin pinag bago lalo ng gwumapo at mas naging lalaking-lalaki ang dating.
Bumalik ang lahat ng sakit at ala-ala ng nakaraan, na pilit kong tinatakasan at tinataknuhan. Ang nakaraan na nag bigay sakin ng matinding sakit at ang lalaking ng matinding takot, ay nasa harapan ko na!
Ito ang kinatatakutan ko ang mag kita nanaman kaming dalawa, na malaman niya na may anak na siya at kunin niya sakin si Asher!
No! That's not going to happen... Not him. Matagal ko na siyang pinatay sa utak at puso ko!
Hindi niya makikita at malalaman ang tungkol sa anak ko. Anak ko lang si Asher... Akin lang ang ank ko... Akin lang siya!
I will not allow him to come back and ruin my life again. Never again and not this time!