Andito kami ngayon sa isang kilalang restobar. Na pagmamay aari ni Heinz Lucian Navarro! Dahil dito kami dinala ng babaerong boss namin!
Masyadong maingay ang lugar buti nalang nasa vip room kami, kaya hindi rinig ang ingay at tug-tug sa labas. Hindi ko alam kung anong mga pag kain yung hinahanda sa amin, basta kain pang ako ng kain. Wala na akong paki kong ano ito! Nakakagutom kasi yung amoy.
Kailan ako ng kain habang yung ibang employee at inters ay nag-iinom. Hindi naman kasi ako mahilig masyado sa alak. Mababala ang aking alcohol tolerance, kaya hindi ako umiinom madalang lang. ang huling inom ko ay nung broken pa ako. Pag katapos nun ay hindi na nasundan at wala na akong balak pang sundan!
May kanya-kanya silang kwentuhan mukang mag kaka close na silang lahat. Buti nalang katabi ko si Trix at Bri nag kakanda haba ang nguso dahil sa kadal-dalan. Dahil dakila akong chismosa naki sali narin ako sa usapan nilang dalawa. Na kaka bored kasi pag wala kang kausap na ibang tao, kaya kailangan libangin ko muna ang sarili ko sa pakikipag usap sa kanila. Para hindi din makita na hindi ako umiinom.
"Teh! Alam mo ba yung balita kay Sdney? Yung magandang intern! Puro lang daw paganda sa office hindi daw gumagawa nv mga kailangan gawin!" Pag ku-kwento ni Bri kay Trix.
"Grabe naman yun! Kami nga unang araw palang dami na namin ginawa ni Trix.'' Pairap kong sabi sabay tingin namin tatlo kay Sdney na busy sa pakikipag landian sa boss namin!
"Tingna mo ang kapal pa ng muka! Ako nga hindi ko magawa kay Sir yan kasi nakakatakot siya. Saka ang sobrang dami na kayang naging babae ni Sir Ashton." Lintaya ni Bri tas sabay inom ng alak at nakita ko naman ang pag pangit ng muka nito halatang hindi din siya sanay uminom. "Kaya hindi nako mag tataka, kung isang araw iwan yan ni Sir."
"Itsura palang kasi alam monang malandi, iyon lang ata yung pinasok niya dito. Para malandi si Sir Ashton! Geez!" Sabay make face na nasusuka. May pag kasira ulo din kasi minsan si Trix, jusme! Pareho kasi kami ng ugali kaya naging mag bestfriend kami.
Tinatamad na kami dito sa vip room kaya naisipan naming tatlo na bumaba muna, dahil yung iba naming mga kasama ay nag eenjoy na sa baba. Sobrang daming tao at mga nag sasayawan mapa lalaki at babae. Kahit anong gawin mo ay walang mga pakialam sayo. Halatang mga lasing na ang iba dahil kung ano-anong mga ginagawa.
Nakatayo ako sa gilid ng may lumapit sa aking lalaki, medyo lasing na siya pero makikita mo ang kagwapuhan nito. Nagulat ako ng bigyan niya ako ng alak sa baso, hindi ko alam kung anong gagawin ko dito sa alak na ito.
"Drink it, baby!" Sabi nito habang naka hawak sa pulsuhan ko para ilapit ang baso sa bibig ko. Wala akong gawa kung hindi inumin ang alak sa baso. Sobrang tapang tapanv ng alak na ininom ko muntik ko ng maidura dahil ang pait.
"Thank you baby... by the way can I get your number? I want to know you more!" Bulong nito sakin dahil sa sobrang lakas ng music. Binigay ko naman ang number, kaya nga lang kay Bri ang number na 'yon. Ngumiti pa ito bago umalis sa harap ko.
Naka tingin lang ako kay Bri at Trix na nag sasayaw sa gutna, parang ma nga tanga dahil kung anong gigawa. Natawa ako dahil nag twerk si Bri sa gitna habang tumatawa naman si Trix habang pinapanuod siya.
Hinila ako ng dalawa sa gitna para sumali sa kanila mag sayaw! Diko alam ang gagawin ko. Wala akong nagawa kung hindi sumayaw din, ayoko naman maging kj sa kanila. Para kaming tanga tatlo kung ano-anong gigawa namin. Ala rin kaming pakialam sa mga taong nakakakita sa amin basta masaya kami.
Nagugulat nalang kami na may nag papainom sa aming tatlo habang sumasayaw, kaya wala kaming choice kung hindi inomin 'yon.
Lasing na ang dalawa at ako naman ay nahihilo na. Umalis muna ako sa pag sasayaw at umupo sa gilid, dahil bawal akong malasing at baka kung anonv katangahan ang magawa ko. Wala rin mag hahatid kay Trix.
Tiningnan ko ang buong baligid ng restobar na ito. Napa dako ang tingin ko sa dalawang lalaki sa may harap ng counter bar at naka upong nag uusap.
Hindi ko alam na mag kakilala pala si Sir Ashton at si Lucian. Sabagay parehong silang mayaman at kilalang tao kaya bakit pa ako mag tataka. Pero pareho kaya silang babaero katulad ni Sir?!
Pareho naman kasi silang gwapo, parang mga Greek God! Kaya halos madaming patay na patay sa kanila. Ewan ko ba kung anong nakikita nila sa dalawa at gustong gusto ito ng mga kaba babaehan at kabaklaan. I dont get it! Saka ganyan ang type ko masyadong feeling gwapo, at ginagamit ang mga yaman para makakuha ng babae.
Tinuon ko sa ibang bagay ang aking mata at isip. Muntik na akong mahuli ni Lucian dahil tumingin ito sa gawi ko. Buti nalang naka lingon ako agad bago pa ito lumingon. Baka kung anong isipin nilang mag kaibigan.
Halos wala atang balak tumigil ang dalawa sa kakasayaw lasing na lasing na sila may pasok pa bukas. Iwan ko nalang kung makapasok pa ang mga ito! Siguro ngayon nalang ulit gumimik si Bri, madalang kasi kaming mag ganto ni Trix, dahil mag aaral pa kami at graduating student na. Kailangan namin pag butin ang aming pag-aaral, kasi hindi biro ang graduating puro kayo requirements at mga research paper, thesis, reflection paper. Buti nalang na tapos namin 'yon lahat.
Two months nalang at pag tapos namin mag ojt ay, graduation namin ang aming gagawin. Buti nalang makatapos na kami at makakapag trabaho na! Dahil hirap na hirap akong mag kapera.
Fifteen years old palang ako ng mamatay ang aking mga magulang dahil sa isang sunog. Pag uwi ko ng bahay ay sunog na ito kasamang nasunog ang aking mga magulang dahil sa pag labas ng iilan naming gamit. Buti nalang ay tinulungan akong ng aking mga tita at tito.
Ngayon ay nakatira ako sa bahay ni tita Cheska ang busong kapatid ni Mama. Maging bahay ko na din iyon dahil nasa L.A nasi tita at duon na tumira kasama ang kano nitong asawa at anak. Madalang nadin intong umuwi, kung uuwi man ito sa bahay nila lola sila tumutuloy!
Tumigil nadin ang dalawa sa kakasayaw at umupo sa aking tabi. Na ngayon naka sandal ang kanilang mga ulo sa sandalan ng sofa. Buti nalang ay nawala na ang sakit ng ulo ko at nahimasmasan nadin ako. Humingi ako ng dalawang basong tubig sa waiter para pa-inomin ang dalawa.
Feeling malalakas kasi! Kung makapag inom akala mo walang mga pasok bukas. Napahilamos ako ng muka, 'di ko alam kung paano ko iuuwi tong dalawa.
Dumating na ang waiter na may dalang tubig at nilapag sa lamesa namin.
"Bumangon kayong dalawa at uminom ng tubig! Iinom-inom kayo hindi niyo pala kaya, mga perwi kayo!" Saad ko sa dalawa at nag angat naman sila ng ulo. Inabot ko sa kanila ang tubig! Uminom naman sila. Pag tapos nun sinadal ulit nila ang kanilang ulo sa sofa.
Naiihi ako kaya tumayo muna ako at nag lakad papunta sa banyo. Sobrang dami paring tao dito sa restobar, kailan ba mag sisipag uwian ang mga ito!
Pumasok ako sa isang cubicle, pag tapos ko ay dumiret'so ako sa lavatory at nag hugas mg kamay ko. May mga tao din na umiihi kaya pag tapos ko, lumabas na ako!
Pag labas ko ng cr, nakita ko si Sir Ashton at Sdney na nag hahalikan sa hallway. Halos lumuwa ang aking mata sa nakita ko! Hindi ako maka galaw 'di ko alam kung bakit!
Natigil ang kanilang halikan at umalis na si Sdney sa palagay ko ay babalik na sa vip room!
Napatingin ako kay Sir Ashton! Nakatingin na din pala ito sa akin habang naka ngisi at naka croos arm pa habang naka sandal sa pader. Umiwas ako ng tingin sa kanya, dahil sa hiya at sa nasaksihan ko.
Hindi man lang kumuha ng room dito pa talaga sa hallway ng cr nag halikan! Ang kapal ng muka ng boss ko! Halatang alang hiya sa mukha!
"Did you like what you saw? Because you didn't leave and you still watched us!" Umalis na ito habang naka ngisi "I hope you enjoy watching us!"